Chapter One

12.5K 175 20

Lakad na pauwi sa aking home sweet home. Haaaaay!! as in haaaaay salamat, tapos na din ang walang humpay na trabaho ko. *tingin sa wrist watch*. 12am pasado na pala, madami pa namang bad human mongoloids sa kanto na 'to. Bago pa ako mabulunan sa kakaisip niyo kung sino ako. *spotlight* I'm Pichi Grace Montemayor. Ganda ng pangalan ko 'noh! Kasing ganda ko naman, sus'me madami naman na kasing nagsabi niyan. Enebe maliit na bagay...

Isa akong simpleng mamamayan ng ating bansa. Mag-isa lang ako sa bahay na tanging naiwan sakin ng parents ko. Ako ang mag-isang bumubuhay sa sarili ko. Kaya naman ang kasipagan is a must!

 Patunay ng kasipagan ko? Oh, e'to schedule ko para malaman niyo kung gano ako kasipag

Simula 4am-6am, tagaluto ako sa maliit na eatery nila Aling Thesa, kapit bahay ko. Bait bait niyan. Parang mama ko na din. Oo, masarap ako magluto. Aking ipinapahatid ang Thesa's Eatery. Ako lang naman ang chef diyan. Kaya naman paniguradong amoy palang... ulam na!

Pagdating naman ng 6am-12pm, nasa school ako, syempre nagsa-sideline naman akong magtinda doon ng mga niluto kong kalamay, kaya  1am palang, gising na gising na ang lola niyo! Eka nga nila... Edukasyon ang susi ng tagumpay. Kaya aral lang! Para sa ekonomiya ng Pilipinas! Pak ganern!

At syempre hindi magpapahuli ang 12pm-11pm kung saan sales lady naman ako.

Sipag ko noh? Sakto lang sweldo ko sa pang-araw araw ko. Sayang naman ang kadaldalan ko kog 'di ko pinagkakakitaan. Hirap hirap ng life now a days noh! Wala ng libre!

 





Halos isang oras na siguro akong naglalakad pauwi. Sayang din kasi ang P7.50 na pamasahe ko...

FLASHBACK

"Hoy Pichi walang didi! Sama ka na kasi samin napaka pabebe nito... Gasgas na yung excuse mong wala kang pera dahil kakabigay lang ng sahod!", yaya ni Ate Cely, katrabaho kong muntik na akong laitin, tumatayong ate ko sa trabaho.

Pichi: Oo wala akong pera... pangtuition ko pa 'to tas pampangpagawa ko nung natustang kawali ni Aling Thesa. Libre niyo ba ako?

Ate Cely: Ay be, sumakit ulo ko. Una na kami ha. Mag-ingat ka, masagasaan ka. Wala ka na ngang hinaharap baka lumubog pa 'yan"

Pichi: Una sa lahat hindi sukatan ng pagkababae ang laki ng bumper nito. Mana lang talaga ako sa tatay ko! Oo na Ate Cely mag-iingat na po. Ba-bye!

At gumora na nga ako. Magj-jeep nalang ako, nag-overtime pa kasi kami. Hindi dahil sa masipag kami kundi dahil sa araw ng sahod. Kailangang mag-bida bida.






Ang dilim na... 'di ko na mabasa yung mga karatula ng jeep. Dapat kasi ginawa nilang neon yung kulay para glow in the dark.







Ayun may jeep!

*takbo*

Pichi: SASAKAY AKO!

Sabay para naman nitong si kuya na hindi paman ako nakakaupo eh humarurot na. Feeling ko lumilipad na kami. Samahan mo pa nang hampas ng buhok ni ate sa face ko. Pangshampoo commercial lang ang peg. Pakitali naman oy!








*kalabog sa dingding ng jeep*

"MANOOOOONG PARAAAAAA SA LEGARDA LAAAANG!"

Ano ba yung... ano ba 'yan... Nakakabuhay naman ng patay yung sigaw ni ate.

Just a Contract Girlfriend (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!