Prologue

416K 12.3K 3.2K
                                    

Prologue


Abala ako sa pagkain ng popcorn habang pinapanuod ang mainit na paglalaban ni Triton at Ahmed sa kanilang playstation na napaglipasan na ng panahon. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit hindi pa rin ito nasisira sa kabila nang walang pahingang paggamit nila nito simula nang mga highschool pa kami. Boys and their toys.

"Euphie, ahh.." agad kong sinubuan ng popcorn si Triton na tulala pa rin sa tv habang walang tigil sa kapipindot sa kanyang joystick.

"Ako din, Euphie.." inilapit din sa akin ni Ahmed ang kanyang mukha sa akin para subuan ko siya ng popcorn.

"Fvck!" mura ni Triton nang makacombo si Ahmed at halos ubusin nito ang lives ng character niya.

"Seems like I am winning again Triton." Mayabang na sabi ni Ahmed.

Subo lang ako nang subo ng popcorn, hindi na yata matatapos ang dalawang ito, maghapon na naman sila sa harap ng tv. 

Kasalukuyan akong nakaupo sa lumang sofa habang kapwa nakaupo sa sahig si Triton at Ahmed na hindi na kumukurap sa tv.

"Euphie!" sabay pa nilang tinawag ang pangalan ko. Kaya ang ginawa ko, parehong kamay ko ang ginamit ko. Dumakot ako ng maraming popcorn at sabay ko itong isinubo sa kanilang dalawa.

"What the hell?" nagkanda ubo na si Triton dahil sa dami ng popcorn na sinubo ko.

"Eu..phie.." kunot noo akong tinitigan ni Ahmed.

Inirapan ko silang dalawa at nagpatuloy lang ako sa pagnguya ng popcorn. Sa huli, si Ahmed pa ang nanalo sa kanilang nilalaro. Ang kanilang walang kamatayang Tekken.

"You're so cruel Euphie, bakit naman isang dakot ang isinubo mo sa akin? Gusto mo talaga akong patayin." Reklamo sa akin ni Triton.

"Lasang kamay mo Euphie," ngiwing sabi ni Ahmed.

"Kayo na nga ang sinusubuan, nagrereklamo pa kayo. Ano nga pala ang ginagawa nyo dito? Dinala nyo pa dito ang bulok nyong playstation." Bakasyon ko ngayon sa mga lola ko at hindi ko akalain na ang mga kapitbahay ko ay susunod dito.

Hindi lang sila mga simpleng kapitbahay, mga kababata ko rin silang dalawa. My mom and their moms are bestfriends.

"Baka daw mabored ka kaya pinapunta kami ni Tita dito." Sagot sa akin ni Triton na tinanguhan naman ni Ahmed.

Sinimulan na nilang ayusin ang playstation bago nila ako inagawan sa pagkain ng popcorn.

"Bakit hindi mo na lang kami itour sa bahay ng lola mo?" nilingon ko si Ahmed na may nagtatakang mata.

"Seriously Ahmed? Do you think you'll enjoy touring this old house?" nagkibit balikat muna siya sa akin bago siya nagsalita.

"Maybe?"

"Come on Euphie, kasing tamad mo talaga ang mga pisngi mo. Tour us.." iritado kong tinanggal ang mga kamay ni Triton na pinipisil ang mga pisngi ko. How annoying! Bakit ba lagi niyang pinipisil ang pisngi ko?!

"Fat cheeks," ngising sabi niya sa akin.

"Cute cheeks," pagtatama ni Ahmed.

"Uhuh? Huwag mo masyadong binobola Ahmed, baka lumaki ang ulo. Tama nang pisngi na lang." Natatawang sabi ni Triton.

"I hate you Triton! I hate you. Mas gwapo naman sa'yo si Ahmed! I hate you!" tumayo na ako at tumabi ako kay Ahmed.

"What?" kunot noo siyang tumitig sa amin ni Ahmed. Kapag lagi kaming nag-aaway ni Triton, pangisi ngisi lang si Ahmed pero sa huli siya ang magbabati sa amin.

The Prince Who Pricked His Finger On The Spindle of a Spinning Wheel (Prince#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon