Warning: SPG mga lengguwahe.
--------------------------------------
♥♥Nine♥♥

Lumunok ako ng lumunok

Fuck buddy? Parausan yun diba? Magiging... Parausan niya ba ako?

Nakatingin lang ako sakanya. Di ako makapaniwala.. Si Lee pa ba ito? Ang bestfriend ko pa ba ito?

Hinawi ko ang buhok kong ginugulo ng hangin.

Papayag ba ako?

"Ano? Rye?" Nanliit ang mata ko sakanya.

Pag hindi ako pumayag... Paano na yung pagmamahal ko sakanya? Saka.. Mawawala ang freindship namin di pa magiging kami, mawawala lahat ng pinagsamahan namin, pupulutin lang ako sa kangkungan.

Ayoko namang mangyari yun..

Dahan dahan akong tumango.

"Are you sure?" Nilapit niya ang mukha ko sa mukha ko.

"O-oo.." Dahan dahan pa niyang nilapit ang mukha niya.

Maya maya ay nakalapat na ang labi niya sa labi ko.

Kumurap kurap ako na nanlalaki ang mata.

Ang bilis ng tibok ng puso ko.. At parang may kung anong lumilipad sa tiyan ko.

Ang bilis ng paghinga ko habang hinahalikan niya ako.

Gumagalaw ang labi niya sa labi kong nakahinto lang.

Nakita kong nakapikit siya habang hinahalikan ako.

Unti unti din akong pumikit at ginalaw ang labi ko.

Hanggang sa naramdaman kong kinakagat niya na ang labi ko.

Nanlaki nanaman ang mata ko at napahinto sa paghalik.

Bumitaw na siya sa halik at ngumiti ng matamis sa kin

Nanlalaki parin ang mata ko dahil sa pagkabigla

"Ayan na muna ngayon.. Saka na yung main course." Binigyan naman niya ako ulit ng halik kaso nga lang smack lang.

Umalis na siya..

Saka palang ako nakahinga ng maluwag ng umalis siya.

"Wooooh! That was... Amazing" nakangiti kong sabi habang hawak ang labi ko.

Pero ngumiwi ako ng maalala ko ang sinabi niyang 'main course'

Ano yun?

Ugh.. Talagang inosente ako sa mga bastos na bagay tungkol sa sex.

Umiling ako at napangiti ako

Ang sarap niyang humalik.. Nalasing ata ako.

Dinilaan ko ang labi ko para malasahan ko ang labi niyang dumampi rito.

Napangiti nanaman ako.

Gosh! Ano bang nangyayari sakin?

-

Maaga akong pumasok. Di ko kasabay si Lee na pumasok. Siguro tulog pa ngayon yun at humihilik pa.

Natawa ako sa naisip ko.

'Magisa lang si tamara! Ano bang nangyayari sakanila ni Evan?'

'Oo nga! Oh my god!'

I LOVE YOUBasahin ang storyang ito ng LIBRE!