chapter 32: Akin sya

Magsimula sa umpisa
                                    

Ayan Send haha hintayin na lang natin ang reply ng aking magandang Girlfriend ..

After 1 minute ay nagreply sya at sobrang nakakatouch at nakakaiyak ang text nya promise ang sweet nya talaga! Grabe!

From: Babe sungit ko^_^

--HAHAHAHAHAHA buti nga sayo, ayos yan ang galing talaga ni coach kulang pa yan dapat yung gumagapang kana sa sahig tapos mga ilang oras lang mamamatay kana xD

=____=

Sabi ko nga dapat di nako nagpaawa asa naman akong maaawa sya sa akin. Nakasimangot ako habang paulit ulit na binabasa ang text ni Zaniel ng biglang tumabi sa akin si Rave na umiinom ng Gatorade.

“oh anyare sa mukha mo Pre? Sino yang katext mo ang sweet ah ano yan binibigyan ka ban g death wish? Hahahahaha!” sabi nya tapos tumawa na ng tumawa na silip nya yung text ni Zaniel kaya ayun binatukan ko nga ang chismoso ng Gago.

“Gago! Death wish ka dyan baka gusto mo ikaw patayin ko?!” asar na tanong ko sa kanya

“oy! Chill lang naman pare masyado ka namang nagdadamdam eh, nagbibiro lang naman ang gwapo!” sabi nya at tinaas pa ang dalawang kamay na para bang isinasangga sa akin.

“tsk. Sinong gwapo? Ako? Matagal ko ng alam yan, di mo na kailangan ibroadcast, kita naman eh!” taas noo kong sabi napangiwi naman sya sa sinabi ko, Aba’t may balak pa atang kumontra “ano kokontra ka?” sabi ko at umaktong aambangan sya pero lumayo sya.

“hindi po master! Sinong nagsabing kokontra ako? Alam ko naman yun eh ang gwapo mo kaya Sobra! Nababakla nga ako sayo, Sheet! Ang gwapo mo talaga Papa Lead pakiss naman!” sabi nya at nagpalit pa ng boses na parang bakla at lumapit sya sa akin ng nakanguso napatayo ako sa ginawa nya , tangna neto nakakadiri sya!

“Fuck, layuan mo ko!” hinahabol ako ng mongoloid nato sya naman tawa ng tawa sa reaksyon ko  tapos bigla meron akong nabangga at napaurong ako napatigil ako ng magkasalubong ang aming mga mata

Matalim ang mga titig nya sa akin kaya matalim ko din syang tinignan, nakatingin lang samin di Raven mukhang nagtataka sa mga inaakto namin. Parang may laser beam sa mga mata namin at mayamay lang ay may sasabog na , nagsusukatan kami ng tingin ng magsalita si Raven.

“uy mga bro! Tama na ang titigan baka magkadevelopan kayo nyan!”  natatawang sabi ni Raven pero halatang pilit lang , alam nyang seryoso kaming pareho kaya nagbibiro sya para mapagaan ang hangin na bumabalot sa aming dalaw ni Hunter.

“hmm, asa namang magugustuhan ko sya” madiin na sabi ni Hunter at hindi pa din tinatanggal ang matalim na titig sa akin.

“asa ka din na magugustuhan kita, sayang lang ang lahi ko kung papatol ako sayo no” madiin ko ding sabi. Tsk asa sa gwapo kong to? No way in Hell I would go after him I’d rather Chase Zaniel forever than to be a gay.

“Lahi mo mukhang Unggoy! ayokong ngang mahaluan ng Gorilla ang lahi ko" maanghang na sabi ni Hunter pero nginisian ko lang sya.

"atleast kung may lahi man akong unggoy may kinalaman naman yun nsa evolution  of Man pero ang mga lahi Mong ASO wala ka kasi di pwedeng maging tao ang mga Ulol at nanghahabol" madiin kong sabi, nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo at pagdikit ng kanyang kilay, Huh! ano naaasar kana ba? ako pa talaga ang hnamon sa asaran ah... hahaha

naglakad sya palapit sa akin, mukhang pikon na sya at gusto na akong sapakin pero ayos lang di naman ako magpapatalo sa kanya at okay din yun para mabangasan ko ang mukha ng gagong to di ko pa nakakalimutan ang paglapit nya Kay Zaniel sa mall pero may maganda namang naidulot ang pagkakakita ko sa kanilang dalawa nun dahil hinalikan ako ni Sungit para pakalmahin ako, magwala na lang kaya ako palagi para  palagi din akong pakalmahin at ikiss ni Zaniel? haha

finding Mi AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon