*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

Chapter 59: The End is Coming

Third Person’s POV

Gregory Archer lies unconscious at the ground with Van on top of him while choking his neck. Jick and Jack run towards Van who’s now out of control and move them apart. It takes a minute until Van came back to normal and realized what he has done...

“Buhay pa ba siya?” hinahabol niya ang kanyang hininga habang nakatingin kay Gregory Archer na nakahiga pa rin sa lupa. Naikuyom niya ang kanyang kamao sa galit sa sarili niya, hindi pwedeng mamatay si Gregory dahil ito lang ang tanging paraan para maibalik si Kisha sa dati. Hindi niya alam ang nangyari sa kanya kanina, ang tanging alam niya lang ay nakaramdam siya ng sobra-sobrang kapangyarihan na para bang hindi na kayanin ng katawan niya. Nawala siya sa kanyang sarili at nagising na lamang siya ng makita si Gregory na nakahiga sa lupa...

Lumapit si Jick kay Gregory at lumuhod sa tabi nito. Hinawakan niya ang pulso nito upang malaman kung buhay pa ba ito o hinde...

“Buhay pa siya” nakahinga naman ng maluwag si Van ng marinig ito mula kay Jick. Hindi niya talaga mapapatawad ang sarili niya kapag napatay niya ito. Naglakad si Van papunta kay Gregory at binuhat ito para muling dalhin sa hotel. Kailangan nila itong gamutin para madala na nila ito kay Kisha. Medyo malala ang natamong sugat ni Gregory, paga ang kanyang kanang pisngi at nagkaroon din siya ng ilang gasgas sa katawan...

“Akala ko matatalo ka niya Van pero nagulat ako ng ilabas mo ‘yung kapangyarihan na ipinakita mo kanina. Paano mo nagawa ‘yun?” Napatingin siya kay Jack na kasalukuyang nauunang maglakad sa kanila…

“Hindi ko din alam. Noong una ay sinubukan kong kontrolin ang kapangyarihan ko. Gaya ng ginagawa ko sa pagtetraining ay nagfocus lamang ako at nagconcentrate. Pagkatapos noon ay hindi ko na alam ang nangyari sa akin. Nakaramdam ako ng sobrang kapangyarihan at nalaman ko na lang na natalo ko na si Gregory” paliwanag niya sa mga ito. Pumara na sila ng taxi at sumakay na silang tatlo…

Maikli lamang ang biyahe nila pabalik sa hotel dahil hindi naman kalayuan sa bakanteng lote ang hotel na tinutuluyan nila. Nang makarating sila sa hotel ay agad nilang dinala si Gregory sa kanilang kwarto upang gamutin. May mga natamo ding ilang sugat si Van pero unti-unti na din naman itong nagaling. Inihiga ni Van si Gregory sa kama at kumuha ng first-aid kit para mapadali ang paggaling ng sugat nito. Wala itong malay kaya matatagalan bago gumaling ng kanya ang mga sugat niya…

“Ang galing mo talaga Van kanina! Alam mo bang nagkaroon ka pa ng tattoo sa mga braso mo! Hindi naming alam kung anong klaseng simbolo ‘yun pero ang astig talaga! Ibang-iba ang form mo kanina kesa sa normal na Legendary form mo!” manghang-mangha si Jick habang nagkekwento ng mga nasaksihan nila kanina. Hindi sila makapaniwala na may ganoon pang lakas si Van at natutuwa sila dahil mas lalong lumakas ito ngayon…

“Anong oras pa siya magigising? Kailangan na nating magmadali. Nasa panganib ang buhay ng anak mo ngayon” nag-aalalang sabi naman ni Jack. Lahat sila ay may halong saya at kaba. Saya dahil kaunti na lang ay masisilayan na nila ang anak ni Van, ang batang nagdadala ng dugo ng isang Walker at kaba dahil hawak siya ngayong ng mga Vampire Hunter. Hindi nila alam kung anong pwedeng gawin ng mga Vampire Hunter sa bata. Umpisa pa lang, akala ng karamihan, kahit sa ibang piksyonal na palabas sa telebisyon, ang mga bampira ang kalaban at salot sa lipunan pero ang totoo, hindi naman lahat sila ay masasama. Natanim na sa isipan ng karamihan na sila ang masama pero ang totoo, ang mga tao naman talaga ang mga walang puso…

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!