Hanggang sa Katapusan

424 4 1
                                    

Makalipas ang dalawang beses na pag-akyat-baba sa hagdan, na isa sa ipinapagawa ng kanilang guro ay nagsimulang dumilim ang paningin ni Stephanie. Pagkatapos ng isa pang beses ay huminto siya huminga ng malalim.

            "Steph, ayos ka lang?" tanong ng kasintahan niyang si Martin.

            Hindi na nakasagot dahil bigla na lang siya nahimatay. Agad siyang isinugod sa ospital.

            Pagkalipas ng isa't kalahating oras ay nagising na si Stephanie at unang-una niyang nakita ang kanyang ina na umiiyak. Hinawakan ng ina nito ang kanyang kamay sabay sabing, "Buti naman at nagising ka na."

            "Ma, nahimatay lang ako dahil sa pagod." sagot ni Stephanie. "Hindi pa ako mamatay."

            "Huwag ka ngang magsalita ng ganyan Steph." Saway ng ama nito.

            Biglang pumasok ang doktor ni Stephanie.

            "Ano po iyon?" tanong ng ina niya.

            "Pwede ko ba kayong makausap sandali?" tanong ng doktor.

            "Sige po, dun tayo sa labas." Sabi ng kanyang ama.

            "Dito na lang hoh. Gusto ko pong marinig." Sabi ni Stephanie. 

Nagdalawang isip ang doktor ngunit, nagpatuloy na lamang ito sa pagsasalita. "Mas lalong lumala ang sakit mo iha. Kaya kailangan na simula ngayon mas ingatan mo na ang sarili mo. Ngayon hindi natin alam kung..." natigilan sa pagsasalita ang doktor.

"Hindi hoh natin alam kung hanggang kailan na lan ako? Matagal ko nang hinanda ang sarili ko. Huwag kayong mag-alala. Ayos lang ako. Mga ilang buwas na lang ba dok?" tanong ni Stephanie.

"Mga apat na buwan na lang. Matagal pa yun kaya maari mo pang gawin ang mga bagay na hindi mo nagawa noon. " sagot ng doktor.

            "Dok, panu kung magpa chemotherapy siya, madaragdagan pa ba ang apat na buwan?" tanong ng ama nito.

            "Posible. Pero hindi tayo makakasigurado. Kung talagang ayaw ng lumaban ng katawan niya, hindi natin ito mapipilit. Maari ring mas lalo pang lala-la kapag nag pa-chemo pa siya dahil baka hindi na niya kayanin." Sabi ng doktor at saka ay nagpaalam na sa kanila.

            Pagkatapos ng tatlong araw sa ospital, pinayagan na siyang umuwi ng kanyang doktor.

            Pagdating sa bahay, agad siyang dumiretso sa kanyang kwarto. Pinuntahan siya doon ng kanyang ina.

            "Anak, gusto ko sanang mag-usap tayo."

            "Ano yun Ma?"

            "Alam kong mahal mo siya kayo ayokong masaktan ka."

            "Anong ibig niyong sabihin?" tanong nito sa ina.

            "Narinig mo ang sinabi ng doktor. Lumalala na ang kanser mo. Hindi mo ba naisip na baka... iwan... iwanan ka ni Martin kapag nalaman niya ang tungkol sa sakit mo."

            "Ma, hindi niya gagawin sa'kin yun."

            "Anak, maghahanap at maghahanap si Martin ng babaeng makasama niya habang buhay."

            Napaiyak na lang si Steohanie. Mahal na mahal niya si Martin.

            "Anak, alam kong masakit pero kailangan mong gawin."

Hanggang sa KatapusanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon