Seducing Drake Palma

4.1M 47.2K 12.1K
                                          

Hi. If you'd notice, all of my stories have advertisements. And if it is not too much, please watch the videos. It will help me write more stories for you guys =) Anyway, enjoy reading! And comment your reactions, if you can =) x Eydee

**


Mission Impossible: Seducing Drake Palma

1st Chapter

"Di nga? Seryoso ka? Break na si Sheen at Kei?" Parang nagliwanag yung buong paligid ko. Teka, bakit mas una pa niyang nalaman? Ako kaya yung best friend ni Sheen!

"Oo kaya! Gulat na gulat nga din ako eh. Akalain mo, mapaghihiwalay pa pala yung dalawang yun? Eh almost perfect na kaya sila." Tama. Almost perfect, Ideal couple, lahat na ng pwedeng itawag sa kanila. Si Sheen ay captain ng football team, running for class salutatorian, gwapo. Si Kei naman ay cheerleader at title holder ng Ms. St. Claire's High. Di ba? Sobrang compatible sila.

"Eh bakit kaya sila naghiwalay?"

"Aba malay ko. Eto naman, wag ka na ngang chismosa. Magpasalamat ka na lang na break na sila. Ang dami mo pang tanong eh." Kung hindi ko lang talaga kaibigan 'tong babaeng 'to, malamang kanina ko pa 'to nasapak.

"Sorry naman kung nagtatanong. Curious lang kasi."

"Si Besh naman oh. Pa irap irap effect pa. Ang balita ko kaya daw sila nagbreak eh dahil dun sa lalaking bagong lipat, si Drake Palma! Grabe talaga si Kei noh? Nakakita lang ng mas gwapo, pinalitan na agad si Sheen. Ang kati niya talaga." 

Si Drake Palma? Sus. Mas gwapo naman dun si Sheen. Ni walang alam gawin sa klase yun kung hindi matulog eh. Take note, kakalipat lang niya pero ang lakas ng loob matulog! Kaklase ko kasi siya eh.

"Tss. Bahala siya sa buhay niya. Sige na nga, pupuntahan ko lang si Sheen at baka nag eemote na yun. Hahaha."

"Ang sama mo. Broken kaya yung tao."

"Broken broken. Ako ang hihilom sa sugatan niyang puso. Hahaha."

"Tumigil ka nga. Nakakadiri yung mga sinasabi mo."

"Leshe ka. Makaalis na nga." Tapos umalis na ako at hinanap si Sheen. Alam ko namang nasa rooftop siya eh. Yun naman kaya ang tambayan ng mga senting people. Hahaha.

"Sheen.." Sabi ko tapos umupo ako sa tabi niya. Bigla naman siyang sumandal sa balikat ko. 'Wag kang ganyan, kinikilig ako.' Gusto kong sabihin kaya lang nagmomoment si Sheen eh, wag na lang. Haha.

"Break na kami.."

"Alam ko."

"Bakit alam mo? Kakabreak lang namin kanina eh."

"Magaling ako eh. Hoho."

"Ang korni mo."

"Wag ka ngang emo. Hindi bagay sa'yo eh."

"Gusto kong mag emo eh, bakit ba?" Naglabas ako ng cutter. Lagi akong may cutter sa bag. Wag na kayong magtaka. Hahaha.

"Anong gagawin ko dyan?" Tanong niya kasi binigay ko sa kanya yung cutter. "Maglaslas ka. Di ba emo ka?"

"Ang sama mo talaga."

"Hindi ah. Tinutulungan kaya kita." 

"Alys, seryoso. I want her back." Ang sakit naman nun.. "Tulungan mo ako.."

Bakit ba ganon pag bestfriend? 

Lagi na lang tumutulong..

Lagi na lang nagsasakripisyo..

Lagi na lang nagmamahal ng patago..

"Gawin mong boyfriend si Drake Palma.."

"Anong sabi mo?!" 

"Gawin mong boyfriend si Drake Palma."

"Nabibingi na ba ako or something? End of the world na ba?" Hindi nga? Anong problema ng unggoy na 'to?

"Ang oa mo naman. Gagawin mo lang namang boyfriend yun eh. Easy as that." Wow ha. Easy as one, two, three lang kasi talaga yun.

"Ano'ng akala mo sa pinagagawa mo? Parang nagpapabili lang ng candy sa tindahan?!" Ayan, sumisigaw na ako. Leshe naman kasi, ano akala niya sa sarili niya? Bugaw?

"Naka tatlong boyfriend ka na nga eh, madali na lang sa'yo yun.. Sige na, Alys. Please?" Lo and behold, talaga bang nagpapa cute sa'kin 'tong best friend ko? 

"Sige na nga.. Ganyan naman talaga eh.."

"Oo na. Bwisit ka."

Processing..

Processing..

Processing..

Processing..

Processing..

Pumayag ba talaga ako? Oh sheet.

"Salamat, Alys." tapos bigla niya akong niyakap, "The best ka talaga."

Paksheet. Kinikilig ako. Hanubah! =___=

"Salamat-salamat ka dyan, may bayad 'to oy!" Hindi talaga ako nagpapabayad, wala lang talaga akong masabi, baka mahalata niyang kinikilig ako. Bwisit.

"Oo na, oo na. Ililibre kita ng lunch sa buong linggo."

"Kulang 'yun. Lahat, pati snacks."

"Oy! Abuso ka na. Sumbong kita sa nanay mo."

"Sus. Akala mo naman kayang gawin. Alam ko namang mahal na mahal mo ko eh." Tapos nagbelat ako sa kaniya. At iyon ang simula ng paghahabulan namin. O diba? Ang sweet at romantic lang.

Pagkatapos naming maghabulan, "Hoy, umamin ka nga.." Hinga, hinga. Hinihingal ako, "Broken ka ba talaga? Kung makapanghabol ka, wagas ah."

"Broken ako, hindi lang halata." Sus, "Tsaka, nagpromise ka na na tutulungan mong bumalik sa'kin si Kei, so, bakit pa ako mamo mroblema?" Ang kapaaaal =___=

"Eh pano pag hindi ko nagawa?"

"Alam kong gagawin mo."

"Eh bakit parang siguradong sigurado ka?"

"Eh kasi, ikaw si Alys Perez. When you want something, you get it by hook or by crook." Bakit ikaw? Gusto kaya kita, pero bakit hindi kita makuha? Sheet lang ha.

"Whatevs, Sheen. Ang dami mong alam." 

"Alam mo, Alys, nagtataka ako. Di ba karamihan, nagiging bestfriends turned lovers? Bakit kaya tayo hindi ganun?" Ay sheet. Unrequited love kasi tayo. Mukha ka kasing Kei. Bwisit.

"Sabagay, hindi kasi kita type. Masyado kang madaldal tsaka clumsy tsaka isip bata tsaka babagsakin sa test tsaka---" binatukan ko siya.

"Ggo ka ba? Gusto mo bang tulungan kita o ano?!" Loko 'to ah. Kailangan pa bang ipamukha sa'kin yung mga bagay na ganun?!

"Hindi pa kasi ako tapos," tapos bigla niya akong niyakap mula sa likod, "Kung hindi ka ganun, hindi ikaw si Alys Perez. At kung hindi ikaw si Alys, paano na lang si Sheen Mendoza?" Paksheet. Bakit ang sweet sweet mo? =___=

"Shatap na nga. Oo na, tutulungan na kita. Ang dami mong alam." Tapos tumayo na ako at naglakad papaalis.

Nung pababa na ako ng hagdan, bigla kong naalala na naiwan ko pala yung notebook ko. Pero nung pagbalik ko, nakita ko si Sheen, umiiyak. Bwisit naman, Kei. Yung lalaking gustong gusto ko, pinapaiyak mo lang? Ang unfair naman yata.

Drake Palma, tandaan mo, i'll get you by hook or by crook!

--

**

Facebook Account: Eydee Yapchengco

Facebook Page: Eydee's Stories

Twitter: beeyotchWP

Instagram: aryesaaaaa

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon