Nasirang Pag-ibig (Soneto)

28.1K 107 45
                                    

Lahat-lahat ay aking ibinigay

Halos kalahati ng aking buhay.

Inakalang mawawala ang lumbay,

Kapag sa puso mo ako'y naglakbay.

Ngunit ako'y niloko,

Sinaktan ang kawawang puso.

Iniwan saka ipinagpalit

Kaya sa sarili ko ako'y nanliit.

Hindi mawawala itong sakit

Pagkat ang sinapit ko'y napakapait.

Ngunit ngayon ako'y natuto

Kailanma'y 'di na magpapauto.

Iingatan na itong puso,

Ilalaan para sa tamang tao.

Nasirang Pag-ibig (Soneto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon