Wives And Lovers(Joy:Sa Kamay Ni Mr Gervacio-5)

4.3K 38 1

Sa hangad na huwag na maulit pa ang namagitan sa kanila ni Mr Gervacio, ay pinilit ni Joy na makagawa ng paraan para mabayaran sa opisina ang halagang nadispalko ni Victor. Halos magmakaawa na si Joy sa lahat ng taong pwedeng malapitan, pero hindi pa umabot sa bente mil ang kanyang nalakap. Kapos pa siya ng halos 130K. Wala na silang mahalagang gamit sa bahay na pwedeng pagkaperahan. Na-isanla at nabenta na ni Victor ang lahat ng mga ito.

Tuliro na si Joy, sumasakit na ang ulo sa kakaisip kung saang kamay ng langit niya kukunin ang ganung kalaking halaga.

Hindi na siya makakain at makatulog ng maayos. Maging sa opisina ay hindi siya makapokus sa trabaho. Madalas matulala. Namumugto din ang mga mata.

Ang dahilan: Nuong isang Linggo , pag-uwi niya galing ng opisina ay nadatnan niya si Victor na nakaupo sa sofa at nanlulumo....malayo rin ang tingin.

Sa mesita ay isang envelope.

Napaiyak siya ng mabasa ito.

Isang "demand letter" ng law office ng dating opisina ni Victor.

Isang Buwan,

Binibigyan lamang si Victor ng isang buwan upang bayaran ng buo ang nadispalko nitong 150K para hindi na iurong ang demanda pagsapit ng nakatakdang hearing sa korte.

Meron na lang silang dalawang Linggo bago ang deadline.

Desperada na si Joy. Magkahalo ang galit , awa at inis sa asawa kung bakit sila nalagay sa ganung sitwasyon. Pero pag humupa na silakbo ng damdamin, ay nananaig pa rin ang pagmamahal sa asawa. Alam niya kasi ang dahilan kung bakit nagkakaganun ang asawa. Alam niya ang pinanggagalingan nito. kay pilit niyang iniintindi ang asawa.

Hindi niya hahayaang tuluyan ng madungisan ang reputasyon ni Victor, lalo na ang makulong ito.

----------------------------

Hapon. Sa opisina ni Mr Gervacio, isang Linggo bago ang tinakdang deadline kay Victor.

"Good afternoon Sir" nakatungo si Joy, hindi matignan si Sir. Nag-aalangang pumasok.

"Yes, Joy come in." ngising aso ang manyakis na matanda. More or less, alam na niya ang pakay ni Joy.

Nakaupo na si Joy pero hind makapagsalita,. Hindi alam kung papaano uumpisahan ang gustong sabihin.

"Kamusta ang kaso ng asawa mo, Naayos ninyo na ba? Si Mr Gervacio na ang nagbukas ng paksa. Gusto niyang tulungan si Joy magsalita.

"Hindi na nga ho Sir, yun nga ho ang pinunta ko dito, Sir."

Nangingilid na ang luha ng magsalita,

"Teka teka, calm down, iha, tell me what happened" Sabay tayo ni Sir at nilock ang ang pinto ng kwarto.

Matapos ikwento ni joy ang tungkol sa halagang kailangan at ang nalalapit na deadline, ay nagkunwaring "concerned" si manyakis'

"Ganun ba?" Tatango-tango ito , kunwari ay concerned, pero lihim na nangingiti.sa loob-loob nito ay ""Ayos to, hindi na siya makakatanggi sa gusto namin ni Pare"

" Gusto mong tulungan kita, 150K , malaking halaga yun"

Tumango lamang si Joy.

Matama siyang tinitigan ni Sir.

"Promise Sir, babayaran namin kayo as soon as magkatrabaho si Victor. Huhulog-hulugan namin sa inyo"

"Joy, Joy...alam mo iba ang gusto kong kabayaran kung sakaling tulungan kita"

Wives And LoversBasahin ang storyang ito ng LIBRE!