CHAPTER 40

816 8 4
                                    

SAB'S POV

2 MONTHS LATER

December 22... Malapit na pala magpasko. HAAAAAAAAY. Kasama lang naman ako sa mga malalamig ang pasko ngayon. Kalungkot lang sobra pero HINDI. Nakaya ko naman dati na wala siya kaya ngayon kakayanin ko kahit mahirap

Matagal tagal na din simula nung huli naming pag-uusap, yun nga is yung break up namin. Kahit naman nagbreak kami tuloy parin yung buhay ko. Masakit  man isipin pero kailangang tanggapin. Kapag nakikita ko siya sa school kasama yung mga barkada niya ngayon. Oo, iba na pala yung set of friends niya ngayon. Sila Jim bandmates nalang talaga, hindi na sila nagsasama sama. 

Minsan kapag nakikita ko siya, nagkakatinginan kami pero not like the old times. Ngayon parang walang gustong sabihin yung mga mata niyang yun. Hindi ko alam pero sa lahat ng ginawa niyang kagaguhan sakin ewan, parang gusto ko talagang magalit. Gusto ko siyang sigawan, gusto ko siyang sipain sa where it hurts the most part pero kapag kaharap ko na siya nawawala lahat. Nagiging blanko yung utak ko.

HINDI PA NGA AKO NAKAKA MOVE ON....

Pasko na, malamig na yung simoy ng hangin. Maraming bata sa labas na nangangaroling. Ako? Nandito ako sa bahay with my Mom & Dad. Umuwi na sila after 1 year! Binalita ko na din sakanila na break na nga kami ni Vince. Si Mommy, kinomfort nalang ako sa tuwing umiiyak ako sa gabi. Ewan ko ba basta kapag naaalala yung times na magkasama kami, nalulungkot ako ng sobra.

Si Dad naman, halos sugurin na si Vince sa bahay nila, buti nalang napigilan ko pa. Ayoko naman na ganun yung mangyari syempre sasabihin nila na hanggang ngayon, hindi parin ako maka get over.

Oo, alam ko mahirap makalimot lalo na kapag sobrang minahal mo. Compared kay Kirby, mas matindi yung nangyari sakin ngayon. 

After our break up, hindi maiiwasan na magbulungan sa paligid.

"Uy, nabalitaan mo ba yung kay Vince and Sab?"

"Ay. Oo, break na daw sila?"

"Di ako makapaniwala"

"Ako din. Sayang, bagay pa naman sila"

One time sa school, christmas Party noon. Nakasalubong ko si Vince sa Hallway.

Hindi ko alam kung anong masamang espiritu yung sumanib sakin ngayon pero bigla nalang akong nag HI sakanya. Ugh. Such a dumb@ass

"Hello. Sup?" Sup? Rapper na si kuya? HAHA. LOL

"Okay lang naman. Ikaw ba?" nagsmile pa ko sakanya. 

"Ganun parin. SMP"

"Haha. Don't worry, SKMP" GHAAAD. Did I just say that? C'mon! -______-

"Huh?" taka naman ata siya doon sa sinabi ko. 

"Sasamahan kita sa malaming mong pasko"

"Wow. Haha"

DEFINE AWKARD. Ang t@nga ko. Bakit ko pa sinabi yun? The eff.

"Haha. Joke lang. Alam ko namang ayaw mo eh"

"Oo nga, buti alam mo" tss. G@go talaga "JOKE" Hehehe. Tawa nalang ako, nakakatawa kasi talaga. 

"Ang sama mo. BV ka" seryoso kong sabi

"haha. Sorry, di na ko nagbago"

"Huh?'

"Wala yun. Nevermind... So...... friends?" tanong niya

Nagisip talaga ako ng mabuti kung ano yung isasagot ko "Maybe. Now is not the right time."

"Sorry" tapos lumungkot pa yung mukha niya

UGH. Wag kang ganyan please. Baka yakapin pa kita. Shizz

"Sus. Wag na malungkot. Tapos na yun.Sige na. Merry Christmas nalang. Bye."

"Merry Christmas din Sab. Sorry talaga. Bye bye."

And with that umalis na ko sa harapan niya, baka kasi anytime pwede ng sumabog yung puso ko kapag tinagalan ko pa yung pag-uusap namin.

Ewan ko ba. Pero nung nakausap ko siya. Ang bilis ng tibok ng puso ko yung para bang sasabog sa sobrang kaba. HAAAAY. Buti nga hindi ko siya pinagmumura nung time na yan e. Buti nalang nakapagpigil ako. Saya ko pa nga e dba? Lol. Nung sinabi nga niyang sorry. Jusko. Ang dami kong gustong sabihin. Dapat nga eto sasabihin ko e.

"Sorry? May magagawa pa ba yang sorry mo?! Tapos na e. Nangyari na. Ginago mo na ko. Tapos sorry lang? Hindi yon ganun kadali. >:|"

Pero instead of saying that iniba ko nalang kasi ayoko ng pahabain pa yung usapan namin and besides tapos na nga dba? Parang kung makikipagtalo lang ako parang pinapahiwatig ko lang na balikan niya ako. And I don't want that to happen. Pre, isang katangahan nalang kung babalik pa ko sakanya. Para lang akong nagsuicide nun.

Pero deep inside. I really hate him. Para ngang I don't want to see him anymore because the more I see him the more pain I feel. Shit. Yoko neto. EMO nanaman. Ayokong maging sad ngayong pasko pwede? Gusto ko masaya. Hahaha. Kaya ayoko muna ng lalaki, parati namang nauuwi yan sa heartbreak e. Maghahanap nalang ako at the right time para no more heartaches. 

Natapos ang pasko ng masaya. Masaya ako kasi kasama ko na sila Mommy pero nalulungkot parin ako, hindi ko nalang pinapahalata. 

We had several parties na pinuntahan, masaya naman kasi ang dami kong perang natanggap. BWAHAHAHAHA =))

Biglang tumunog yung phone ko and I checked kung sino yung tumatawag

(GABBY CALLING)

"Hello Gabby!"

(Sabby! Imishuuu)

"O'na. Imishu too"

(Merry Christmas!)

"Merry Christmas din!"

(Date tayo? Pwede?)

"Date? As in tayong dalawa lang?"

(Syempre!)

"Ahhh........ Sige. Pick me up later"

(Yay. Thanks Sab. asdajfdl)

Hindi ko na naintindihan yung sinabi niya sa huli, choppy eh. HAHAHA

Pinuntahan na nga ako ni Gabby sa bahay, pinakilala ko narin siya kila Mommy and said na BESTFRIEND ko lang talaga si Gabby, nothing more. Hahaha.

GABBY'S POV

Nasaktan naman ako doon, noong pinakilala ako ni Sabby sa Mom and Dad niya na BESTFRIEND lang ang turing niya sakin. ARUUUUUUY. Ang puso ko. 

Oo, inaamin ko. Matagal ko na talagang gusto si Sab pero hindi ko naman masabi. Ewan ko ba, sakanya lang ako natorpe ng ganito. Tss.

Dinala ko Sabby sa Mall. Mall lang, wala na kong maisip na ibang puntahan eh. Kumain kami kung saan saan, foodtrip kami ngayon. After namin magmall nagpasya kami na pumunta sa park, wala. Trip lang ulit namin. Sobrang sarap ng feeling na masaya si Sabby ngayon. 

"Gabby" tinignan niya ako with a smile on her face

"Yes?"

"Salamat ha? Kasi kahit ngayon lang, napasaya mo ko ng sobra sobra" tapos nangingilid na yung luha sa gilid ng mata niya

"Ano ba yan? Tears of Joy?! Haha. Oo na, salamat din"

"Haa? Bakit nagtthank you ka sakin?"

"Kasi napapasaya mo din ako"

"Ahh. Hahaha. Sus."

"And 1 more thing Sab"

This is now or never

"Mahal kita"

***AUTHOR'S NOTE***

Last chapter na to guys! Yay! =)) Pero may Epilogue pa. Next week ko na pala yun mapopost, aalis kami. HUHU. No wattpad for 5 days. Mamimiss ko to! :(

VOTE & COMMENT! 

Thank you! <3

CRUSH TO LOVE, LOVE TO CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon