PROLOGUE

38 5 2

PROLOGUE:

"Kahit anong mangyari, wag mo kong kakalimutan ah. Mahal na mahal kita at ibibigay ko ang lahat makita lang kitang masaya"

~ Nazeela

*******

Selos, maling akala, pagdududa.

Ilang katangian na meron ang isang relasyon.

Pwedeng makasira
Pwedeng makapagpatibay
Pwedeng Makapagpabago
At pwedeng makapaghiwalay sa mga taong puro puso lamang ang pinaiiral.

Hindi ilalagay sa ulo ang utak kung puso lang rin naman ang masusunod. Gamitin mo ito parehas ng sa gayon ang mga masasamang katangian na meron ang isang pagibig ay magbigay ng magandang dulot.

*******

"Nazy, are you sure about this?" Nagaalalang tanong sa akin ni Hany.

"Oo Hany, mas gusto kong makatulong bago man lang a--"

"Wag mo ngang sabihin yan! Ano ka ba! Di pa huli ang lahat!" Naluluhang sabi niya sa akin. Hindi ko rin mapigilang mapaluha. Ito na lang ang naiisip kong paraan para mapasaya siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. "Hany, alam mo namang mahal na mahal ko siya di ba?" Nanghihinang sabi ko.

"Pero bakit ba kailangan mo yang gawin? Pwede namang hayaan mo na lang na--"

"Hany! Alam mong hindi ko kayang tumunganga na lang!" Pagputol ko sa sinasabi niya. Hindi ko gusto ang patutunguhan ng usapan naming ito kaya sinabi ko na agad na tumigil na siya. Na sarado na ang utak ko. Itutuloy ko ito.

"Kung iyan ang gusto mo, sige susuportahan kita pero asahan mong hindi ko sya patutunguhan ng maganda" napatango na lang ako sa sinabi niya. Alam ko namang mahal lang ako ni Hany kaya siya nagkakaganyan kaya naiintidihan ko kung ano man ang nararamdaman niya.

Bukas, bukas ako pupunta sa kanila. Anoman ang mangyari, hinding hindi ko ito pagsisisihan.


********

My Fairy LadyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!