dedication porr -- @Ayeshaclaire20 ;))

- - - - -

x15: FAMILY DAY!

[RACHELLYN's PoV]

"As you wish, Mommy Chelle!" Kailangang may kindat pa pagkasabi nya nun? Haha.. Pa-cute talaga lagi tong si Adrian. Kaya ang dami nyang nalolokong babae eh.

Pagdating namin sa Manila, sa mall kami dumiretso instead na sa bahay. Ang saya-saya lang nilang mag-ama nang maglakad na kami sa loob. Sila ang magkahawak kamay habang ako, nandito sa may likuran nila.

Nag-e-emote pa rin kasi ako. Gusto ko nang makita si CJ eh kaso..haaay.. Naka-ilang sigh na nga ba ko kakaisip dun?

Masyado akong na-preoccupied kaya di ko namalayang sa isang arcade and amusement center pala kami napadpad.

Ang daming tao dito. Ang ingay rin at ang gulo.

Sa may clerk, binuhat ni Adrian si Andy. Tinitignan yata nila yung prizes na naka-display dun na karamihan ay mga laruan at stuffed toys.

"TRAIN SET! I want that Papa!" Sabi ni Andy sabay turo dun sa isang box ng train set worth...5000 TICKET POINTS?!

"Okay.. Tignan natin.." Binaba na ni Adrian si Andy at kinuha ang wallet nya. May nilabas syang card at sinuksok yun sa card-reader something then may lumabas sa maliit na screen nun-- '3455 tickets'. "Wala na palang 2K tickets ang kulang! Haha! Makukuha natin yung train set ngayon!"

Natuwa si Andy sa sinabi nya and God! Gumastos sya agad ng 200 pesos para bumili ng tokens!

"Yan, Mommy Chelle!" Binigay nya sakin yung isa sa dalawang maliit na pack ng tokens. "Maglaro ka! Mag-ipon ka ng tickets para makuha natin yung gusto ng anak natin! Tandaan mo, 1545 tickets pa ang kailangan natin!"

"Pero Adrian? Grabe ka gumastos.. 200 pesos para lang sa tokens?"

"Okay lang yan! Marami naman akong pera eh! Hehehe!"

"Marami nga pero buti sana kung ikaw ang nagpapakahirap kumita nun.." =3=

"Sus.. Kung anu-ano iniisip mo eh ganun ka rin naman." =_=

"EX-CUSE-ME. May work ako noh di tulad mo. Kaya ko nga ginagawa yun para kahit papaano may sarili akong panggastos pag may luho akong gustong bilhin para kay Andy. Hindi yung puro asa ako sa parents ko eh ang dami na nga nilang ginagastos saming dalawa."

Oopsie..

Sumobra yata mga sinabi ko.. Natahimik kasi si Adrian at parang nahiya?

"Ehh maghagilap na nga tayo ng tickets!" Hinatak ko na si Andy para humanap ng malalaruan. Si Adrian sumusunod lang samin.

Hay naman.

Nakokonsensya ko. Bakit ba kasi ang daldal ko? Pero malay ko bang tatagos sa buto nya yung mga sinabi ko! Hahaha waaah.. Sorry na, Adrian.. T3T

Sa saglit naming pag-iikot, basketball shooting ang una naming nalaro. Oo. 'NAMIN' kasi pinilit nila kong maglaro! Pero ka-enjoy rin naman. Tuwang tuwa kasi ang baby ko tsaka bumabalik na ang kakulitan ni Adrian.

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!