6. Josefa and Perceta

50 24 3
                                    

Chapter 6

"So how's my place?" nakangiting tanong ko kay Martina matapos ko siyang ilibot sa hindi kalakihang bahay ko.

Ngayo'y magkaharap kaming nakaupo sa may sala. Ako'y pormal na nakaupo samantalang siya nama'y nakapandekwatrong pangbabae.

"Maganda ang bahay mo. Pero sino 'yong tinatawag mong mama kanina?" tanong nito kasabay pa ng pagsulyap nito sa kusina ng bahay ko.

Napasulyap narin ako sa kusina namin at napailing-iling. "That's Josefa Lavigne."

"A Lavigne? Why does it sounds familiar?" kunot noong tanong sa akin ni Martina tsaka napaayos ng upo noong makitang lumabas sa kusina si Mama Josefa na may dala-dalang isang pitsel ng orange juice at dalawang baso para sa amin.

Kung tititigan mo si Josefa, hindi mo aakalain na nasa 20's na pala ito. I'm just 19 years old while she's just 25 pero halos hindi nagkakalayuan ang kabataan sa mukha namin.

"Ma, kaibigan ko po pala, si Martina."

Inilapag ni mama Josefa ang mga dala niya sa lamesa tsaka muna ako sinulyapan at pilit na nginitian si Martina na ngayo'y kunot na kunot ang noo habang nakatingin sa kaniya.

"You know what, Demetria? I really like your place." may ngiti sa mukhang sabi ni Martina tsaka ako nilingon. "At dahil don, gusto ko sanang pagsawain muna ang sarili ko dito. Kung hindi mo mamasamain, dito na muna ako titira."

Napakunot ang noo ko sa sinabi nito. Alam kong wala sa plano niya ang manatili rito.

Napatingin ako kay Mama Josefa na kita kong tila'y nanigas sa kinatatayuan nito.

What are you up to Martina?

"So where's my room?" masiglang tanong ni Martina tsaka uminom ng juice. Napabuga nalang ako ng hangin sa isiping baka nag-ooverthink lang ako. Hays. Ano naman ang kakailanganin ni Martina kay Mama Josefa, aber?

"Aayusin ko nalang muna ang kwarto mo. Sasabihan nalang kita 'pag tapos na." mahinang sabi naman ni Mama Josefa tsaka agad na lumakad papaakyat sa ikalawang palapag ng bahay namin.

"What are you up to, Martina?"

Ngumisi ito sakin. "You are my prey, Demetria. Always remember that."

Napahilot naman ako ng sintido dahil sa sinabi niya. The last time I became her prey, she saved me. Is she going to save me, again?

Inis na napatayo ako at pumunta sa kusina. Hindi naman ako tinawag ni Martina at mukhang at home na at home naman siya sa bahay.

Nung makarating na ako sa kusina ay saka ko inilabas sa bulsa ko ang cellphone ko tsaka tinawagan si Perceta Huntres. A genius who's not only good in planning and tactics but also in the battle field. A high level geek on her age.

"What?" she asked. And as soon as I've heard her voice, I remembered who is she on Aphro island. It was her who killed Andeng and Aneng. Gulat na gulat kaming lahat n'on na makita siyang hila-hila papalabas ng gubat ang katawan ng magkapatid. At ayon sa usap-usapan, hindi niya literal na natalo ang dalawa dahil nag-abang lang daw itong mapatay ng magkapatid ang isa't isa. And when the other died and the other one is resting, she entered the scene and did her thing.

Napakurap-kurap nalang ako tsaka napabuntong hininga. I already survived from that island three years ago but some scenes are still clear on my mind.

"Do me a favor, Perceta. Josefa Lavigne. Do a research about her, including her life history."

"You know the trade with this Demetria?" tila mapanghamong tanong nito sakin na ikinahugot ko ng malalim na buntong hininga.

This is the first time I will be having a trade with Perceta Huntres but I know her rules.

"Name."

"I'll just send you the whole file later. Also I'll just give you the files about that Lavigne when you're finished with your work."

"Okay." pagkasabi ko n'on ay pinatay na nito ang tawag.

Now, I just did some reckless decision just to know of what's going on in this house. Lavigne? Ngayon ko lang din napansin na familiar sa pandinig ko ang apelyidong gamit ni Mama Josefa. What's with that name?

...

Sa araw na ito, suot-suot ang isang white shirt at black pants na pinarisan black cap ay pumasok ako ng school. Hindi naman ako sinita nung guard kasi nakilala na ako nito bilang transferee. Agaw atensiyon talaga siguro ang pormahan ko kahapon.

Pasalampak akong umupo sa puwesto ko na katabi ng bintana tsaka napatingin sa band sa kamay ko. Kahapon, hindi ko pa ata napapansin ang sign ni Martina na isa siyang Huntres. Ano kayang gamit niya?

Nilaro-laro ko sa kamay ko ang band na suot ko.

Bilang miyembro ng pamilya Huntres, lahat kami ay may set ng isang klase ng gamit bilang mga signature sign ng pagkakakilanlan namin. And as for me, band is my signature sign.

I have five different kind of bands in my house. All of them may look so ordinary but they are made of different types of leather. These things were personalized in Aphro island based on our demands before. And on my band, only the 'Huntres' word is visible because we're not allowed to put our particular name into it.

Sa ngayon, si mama Josefa palang ang binigyan ko ng sa sa mga signature band ko. And that only means one thing. She's under my roof of protection. And whoever may try to harm her also means that they are trying to harm or to challenge me. And that is how these signature sign works.

Itinaas ko ang tingin ko nung makarinig ako ng mga nagbabangayan sa harap ng whiteboard malapit sa teacher's table. Doo'y nakita ko ang dalawang babaeng kaklase namin na tila may sinasapok-sapok sa unahan.

Napakunot ang noo ko dito at tinitigang mabuti ang sinasapok nila. Babae ito at mapaghahalataang nerd dahil sa suot nitong makapal na salamin. Harry Potter lang? Tss. Ba't kasi hindi siya lumaban?

Napaiwas nalang ako ng tingin at tumingin sa labas ng bintana. And there, I think I saw Martina?

Napatayo akong bigla sa upuan ko dahilan para lingunin ako ng ibang mga kaklase ko, gayon narin ng mga nasa harap.

"Ano'ng tinatayo-tayo mo d'yan? Sasali ka rito?" pasigaw na tanong sa akin ng isa sa mga babae sa harap tsaka naglakad papalapit sa akin.

Seriously? Wala akong balak makisali sa bangayan nila.

Tumingin ulit ako sa labas ng bintana pero ikinadismaya ko lang nung hindi ko na makita si Martina don. Namalikmata lang ba 'ko?

"Hoy!" napatingin ako sa kamay nung babaeng lumapit sa akin nuong haklitin nito ang braso ko. Pagkatapos ay kunot noong iniangat ko ang tingin ko sa mukha niya.

She dared to touch me?

"What?" mapanghamong tingin ko rito tsaka binalingan din ng tingin ang kasama nitong papalapit narin pala samin.

"Aba't! Bago ka lang dito, ang yabang mo na ah?" mayabang na sabi nung humaklit sa braso ko tsaka nagkunwari pang sasapukin din ako.

"T-tama na 'yan..." dinig kong bulong naman ng babaeng kaninang sinasapok nila sa harap kaya napairap nalang ako. Ano'ng klaseng drama ba 'tong napasukan ko?

Ngunit gayon na lamang ang gulat ko noong dali-dali akong hinila ng madramang babaeng iyon papalabas ng classroom namin.

Sisinghalan ko pa sana ito dahil sa paghila nito sakin nung may mahagip ang mga mata ko sa daliri niya.

Isang singsing na may ukit 'Huntres'.

I am a Huntres (HIATUS!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon