Chapter 1

23.5K 505 198
                                                  

Vote. Comment. Be A Fan.
Daddy Delafuente
-PerfectlyStubborn 

Daddy Delafuente-PerfectlyStubborn 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin. Upang magpatuloy sa paglalathala, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maswerte

"Charinelle Barit!"

Halos mapatalon ako sa sobrang lakas ng boses ni Mama. Mabilis na akong nagtago sa ilalim ng lamesa. Alam ko kung ano ang ikinakagalit niya lalo na't lumabas pa talaga ng banyo na nakatapis lang ng tuwalya at may dala dalang tabo. 

"Charinelle!" sigaw niya nang ubod ng lakas. Halos dumagundong iyon sa kabuuan ng bahay namin. Umabot pa nga siguro sa kabilang kanto eh. 



"Chanelle nga kasi." mahina kong daing dito sa ilalim ng lamesa. Nakauniporme pa ako oh! Unang araw pa naman ng pasukan ngayon sa sekondarya! Kakaplantsa ko lang nito kanina tapos magugusot na naman. 



"Ikaw bata ka labas diyan!" 



"Ma! Aray! Aray!" Halos mapangiwi ako nang bigla akong nakita ni mama dito sa ilalim ng mesa at hawakan niya ang tenga ko para lang kaladkarin ako palabas. 

"Ma! Ang tenga ko! Maawa ka naman! Ayokong pumasok na kulang ng isang tenga-Aray!" Hinawakan ko ang kamay niya para alisin doon ang pagkakahawak niya sa tenga ko kaso mas lalo niya iyong idinidiin doon. 



"Halika dito sa banyo! Halika! Anong pumasok sa kokote mo at naisipan mong idikit yang picture ng pitong lalake na yan ha! Banyo ito! Naghuhubad ang mga naliligo dito tapos magdidikit ka ng mga lalake?! Nasan na naman ba yang kokote mo! Pinapakain kita ng matino pero ba't nilalasayan ka ng katinuan mo?!" Pinalo niya ako ng hawak niyang tabo na nagpapitlag sa akin. Hindi lang ata tenga ang mawawala sa akin ngayon. Pati utak ko ata. 



"Ma naman! Ang gwapo kaya nila--"Tanggalin mo yan!" Ipapalo niya na sana ulit ang tabo sa ulo ko kaya mabilis kong pinagtatanggal doon ang mga posters na idinikit ko.



"Kaya ko lang naman ito idinikit dito para inspired akong maligo dito sa banyo tuwing umaga! Alam niyo naman ako diba! Minsan ay tinatamad akong gumising ng maaga para pumasok sa eskwelahan! Inspiration ko sila ma! Excited akong pumasok dito sa banyo dahil alam kong naghihintay sila!" 

"Aba! Inspired ka naman palang mag-aral eh ba't yung mga grado mo halos pasang awa lahat!" Idinuro niya sa akin yang hawak niyang tabo. Nanlilisik pa ang mga mata niya. 



"Ganoon naman talaga ang grado sa public ah!" 



"Dinadahilan mo pa na sa public ka pinapaaral! Nagrerebelde ka ba sa amin dahil hindi ka namin mapaaral doon sa BTS University na gusto mo?! Hoy Charinelle--"Chanelle nga!" "Kahit magtrabaho kami araw araw ng papa mo at kahit iprenda pa namin yang si yaya mo ay hindi parin natin kaya yang tuition doon! Ang mahal mahal!" 

Daddy Delafuente [Delafuente Series #7]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon