1. Demetria

122 65 26
                                    

Chapter 1

"Ma, aalis po muna ako ha?"

"Sige. Uwi ka agad ha?"

"Opo!"

Inayos ko muna ang sarili ko. It's already 10 o'clock in the evening. Sinuklayan kong mabuti ang buhok ko at inayos ang suot kong hood na jacket. Pagkatapos ay inayos ko suot kong sapatos at napahigit ng malalim na hininga bago ako lumabas ng bahay at naglakad-lakad.

"It's been a long time since I've gone out..." bulong ko pa sa hangin tsaka ako kumuha ng buwelo at tumakbo. Masarap sa pakiramdam ang hangin at ramdam ko ang katahimikan ngayon ng mundo. Pero sa hindi inaasahan, sa isang iglap, sa isang kalye na saktong tagpuan ng tatlong kalsada ay nagkabanggan kami ng isang lalaki.

Kung pa akong matumba kung hindi lang ako napakapit sa kaniya. 

"Tsk. Paharang-harang kasi!" gigil na asik nito sa akin. Ngunit akmang tutulak ko palang siya at tatakbo nalang sana akong muli ay bigla akong nakarinig ng sigawan mula sa lugar na pinanggalingan niya. At dahil don ay nilingon niya ako at hinila sa isang madilim na eskinita.

Itinulak niya ako sa isang pader na hindi gaanong pansinin at doo'y isinandal niya ako roon bago hinarangan ng katawan niya.

Naramdaman ko ang lamig ng pader at ang panghi nito.

"What the fudge! Ang baho—"

Tinakpan niya ng kamay niya ang bibig ko at idiniin ang katawan sa akin sa pader.

"Just shut up. Narinig mo ang ingay ng mga sumusunod sakin? If you won't shut up, I'll surely have no choice but to offer you to them. Pero kung tatahimik ka d'yan ay aalis din sila maya-maya, pagkatapos ay aalis narin ako at sa huli ay makakalis ka narin. Magandang plano, hindi ba? Kaya p'wede tumahimik ka, ha? Naiintindihan mo?"

Napatanga ako nung sandaling iyon at halos manlamig ang katawan ko sa sinabi niya. But one thing is for sure, I need to get out of here.

Napayuko ako nung maramdaman kong lalo nitong idinikit ang katawan nito sa akin matapos maringgan ang mga papalapit na boses sa amin.

Hindi ko alam kung bakit pero kumabog ng napakalakas ang puso ko. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga dahil sa maliit na distansiya ng katawan naming dalawa. At hindi ko 'to gusto.

Naiangat ko ang mga kamay ko sa dibdib niya upang sana'y itulak siya ngunit hinawakan lang nito ang mga pulso ko. At sa paghawak niyang iyon, naramdaman kong pagdaloy ng tila malakuryenteng sensasyon mula sa kamay niya papunta sa'kin.

Kinabahan ako sa naramdaman ko.

This is the very first time that I felt this feeling. Just who the heck is this guy who can make me feel electrified?

...

Kinaumagahan...

"Good day, everyone. I'm Demetria Huntres. It is nice meeting you all." may pilit na ngiting pagbati ko sa lahat habang nasa gitna ako.

This is my first day in school as a transferee and my heart thumps faster than usual. Not because of nervousness to these people in front of me but because I can sense someone looking at me from afar.

"Goth?" natatawang bulong ng isang babaeng estudyante na nasa bandang harapan na alam kong nadinig din ng iba. At dahil sa unang komentong iyon, sunod-sunod na silang nagsipagbigay opinyon tungkol sa akin.

"Emo?"
"What a weird brat."
"She looks like a weird bad ass."
"Dork."

Ibinaba ko ang tingin ko sa sarili ko. Bakit nila nasabi sakin ang mga 'yon?

I am a Huntres (HIATUS!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon