Chapter Seven

53 2 0
                                                  

"Huy, EL."

Natauhan ako dahil sa tawag na yon sakin ni Blaire. "O-Oh?"

"Natutulala ka."

"Ah wala, wala," sagot ko saka itinuloy na ang pagliligpit ng mga pinagkainan dito sa isang table.

"Okay ka lang?"

"Oo. Ayos lang ako, bakit naman hindi?" ngumiti ako sa kanya.

"May problema ba?" halatang nag-aalala siya. Kaya gusto kong kaibigan tong si Blaire eh.

"Wala," ngumiti ulit ako. Pero sa pagkakataong to, pilit na ngiti na lang ang naibigay ko.

"Sure ka ha?" paniniguro pa niya kaya tumango ako. "Sige ah. Kung may kailangan ka, lumapit ka na lang sakin."

"Sige.."

Dumiretso na si Blaire sa counter kaya itinuloy ko na lang ang ginagawa ko.

Wala pa din si Migs kahit alas dyis na ng umaga. Samantalang dati, lagi siyang mas maaga kesa sakin.

Okay na din siguro to. Hindi ko pa kasi siya kayang harapin eh. Alam kong masakit pero hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa ginawang pag-turn down sa akin ni Migs kahapon.

Sa unang pagkakataon, nagtapat ako ng nararamdaman ko sa isang lalake pero ganon pa ang nangyari.

Hindi naman siya ang unang nagustuhan ko. May mga nagustuhan na din ako noon pero nung nangyari ang aksidente ni EN na dahil sa isang lalake, ewan ko ba kung bakit dahil don ay ayoko nang magkagusto ulit. Natatakot ako na baka matulad ako sa sinapit ng kakambal ko.

Kahit kailan hindi ko pa nararanasang magtapat ng nararamdaman ko sa isang lalake. Kay Migs pa lang. Sa kanya pa lang.

Akala ko kasi siya na eh.. Akala ko siya na yung para sakin. Kasi siya yung nagpa-realize sakin na hindi naman talaga masamang magmahal. Sa mga sinabi niya kasi noon sakin, na-realize ko na hindi naman lahat ng nangyari sa nakaraan, pwedeng maulit sa kasalukuyan.

'Hindi mo na mababago ang nakaraan pero pwede mong itama ang hinaharap kung mabubuhay ka sa kasalukuyan.'

Yan ang sinabi niya noon. At tama siya dyan.

Hindi naman dahil sa nangyari kay EN titigil ang buhay ko. Oo, si EN ang buhay ko. Mahal na mahal ko ang kakambal ko. Pero alam ko din na hindi niya gustong magkaganito lang ako dahil sa nangyari sa kanya. Kailangan kong mag-move on at bumitiw sa lahat ng walang kwentang galit na nararamdaman ko.

Lahat ng alaala ni EN at yung mismong nangyari sa kanya, yun ang magsisilbing lesson at guide ko para hindi ako magkamali. Kaya nga tamang tama si Migs sa sinabi niya eh.

Hindi ko na mababago ang nangyari noon kay EN. Pero para sa sarili ko, pwede kong gawing tama ang mangyayari sakin kapag nabuhay ako sa kasalukuyan at tanggapin ang lahat ng meron ngayon.

Kaya nga ako sumugal kahapon kay Migs eh. Natanggap ko na yung nararamdaman ko para sa kanya, na gusto ko siya. At dahil akala ko siya na ang para sakin, inisip ko na magiging tama ang mangyayari kapag siya ang kasama ko dahil nga siya ang nagpa-realize sakin na hindi ko na mababago ang nangyari kay EN sa nakaraan.

Pero wala, nagkamali lang yata ako.

Pare-pareho nga ang lahat ng lalake. Wala silang magagawang mabuti kundi saktan ang mga babae. Hindi na dapat sila minamahal. Dapat sa kanila binibitin ng patiwarik, tinatanggal isa-isa ang mga kuko tapos papatakan ng kandila, tusukin ng mga karayom ang buong katawan at ilubog sa drum na puro asido! In short, dapat sa kanila PINAPATAY!

Nakakaasar kasi eh.. Kung kailan natanggap ko na ang lahat at inakala kong tama na, mali naman pala. Mali talaga. At nakakalungkot dahil yung taong nagpaakala sakin na tama na ang lahat, siya din yung nagpamukha sakin na mali pala. Na parepareho lang talaga ang lahat.

The Past, The Love, The MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon