Chapter 40

26.5K 312 38
                                    

Lhaine Lee Ramos - POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lhaine Lee Ramos - POV

Imbes na magpahinga ako sa clinic ay nagdesisyon akong bumalik sa ospital para kunin ang mga resulta ng tests ko. Mukhang kailangan ko narin kasi ng mas malakas na pain relievers eh. Kahit pumipintig ang ulo ko ay dumaan muna ako sa room ni Jakes. Hindi ko nga lang siya naabutang gising pero ayon naman sa mom niya ay stable na siya. Nagtext din naman si Diane sa akin na inaasikaso na niya ang funeral ng Dad niya. Nagulat nga ako nang magpasalamat siya sa akin sa ginawa ng pamilya ni Lee—sinagot pala nina Tita ang lahat ng naiwang gastusin sa ospital nina Diane at pati narin ang para sa funeral ng dad niya.

"Mam Ramos, Lhaine Lee and Sir Lee, Zenrid Ace?" anunsyo ng lumabas na nars mula sa office ng doctor na pinagpakonsultahan ko. Kasabay kong tumayo ang lalaking katabi ko. Bigla nalang nandilim ang paningin ko kaya hinablot ko agad ang pinakamalapit na puwedeng gawing suporta.

"Oy!" sigaw ng nakapitan ko. Isang kamay niya lang ang sumuporta sa akin, may sling kasi ang kanang kamay niya.

"S-sorry, headrush," nahihiyang sabi ko bago ako lumayo sakanya.

"Ok lang, ikaw ba 'yung isa sa tinawag? Tara," pinauna niya akong pumasok sa loob ng clinic. Magkasunod kaming inabutan ng envelope ng sekretaryang aba'y nagtetext pa habang ngumunguya ng bubble gum.

"Mamayang alas kuwatro pa ang balik ni Doc dahil may emergency operation siyang pinuntahan. Mam Ramos, paki-bisita raw si Dr. Gomez pagkakuha mo nitong resulta. It's on the third floor," sabi ng sekretarya.

"Wala bang bilin para sa akin?" tanong naman ng katabi ko.

"Sir Zenrid, sabi ni Doc—tumino ka na raw at umuwi sa inyo kaysa makipagbasag-ulo ka rito," parang robot na sagot ng sekretarya sa lalaking kasabay ko. Napangiti tuloy ako habang palabas ako ng clinic. Dumiretso ako sa third floor para hanapin ang Dr. Gomez. Pila ang mga pasyente niya kaya naman umupo muna ako. Binuksan ko ang envelope dahil nacurious ako sa resulta.

Teka, bakit may fracture at bruises na nakasulat dito sa test result? Tinignan ko ang pangalan na nakalagay sa papel. Patient name: Lee, Zenrid Ace R.; Age: 19; Gender: M. Bumalik ako sa clinic pero naka-break na sila at wala na 'yung Zenrid kanina. Sinubukan kong tawagan ang contact na nandoon pero wala namang sagot. Wala akong nagawa kundi umuwi nalang para magpahinga. Ibabalik ko nalang ang maling resulta bukas.

Alas sais na ng gabi nang magising ako. Ngalay na ngalay ang katawan ko na para bang hindi ako nakatulog ng isang minuto. Kinapa ko agad ang phone ko para i-text sana iyong Zenrid. Huh? Lowbat? Parang sa pagkaka-alala ko ay full bar pa ang battery nito kanina. Tumayo ako at isinaksak ang phone ko sa charger. Dumagsa ang napakaraming messages mula kay 'Zenrid' nang buksan ko ang phone.

Ito ang paulit-ulit ang mga sinned ni Zenrid na message sa akin: 'NANDITO AKO SA TAPAT NG PINTO MO. BUKSAN MO. EMERGENCY.' Dumiretso ako sa pinto at smilip sa peephole. Zenrid is seriously outside my door right now.

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon