Aya_hoshino's Author Interview

739 47 60
                                                  

*** In an interview of Boy Abunda to a Wattpad writer ***


"Hi Aya welcome to Tonight with Boy Abunda." Saad ng host na si Boy Abunda sabay abot ng kamay.

Nakipag-kamay naman si Aya. "Thanks po tito Boy for having me here."

"Aya go ahead and introduce yourself to our audience."

Tumingin si Aya sa camera at kumaway. "Hi po! I'm Aya_hoshino, sa mga di po ako kilala ako po ang sumulat ng Marriage LIEcense, Imperial Series at My Three Boyfriends."

"Aya ikwento mo nga, pano ka naging writer?" Panimulang tanong ng batikang host.

"Ahmmm... it was a choice po tito boy. I was a fan po kasi noon ng anime na Super Gals kaso yung favorite love team ko doon na sina Aya at Rei eh hindi nagkatuluyan. I wasn' t satisfied with the ending kaya dinamdam ko yun."

"Really? Dinamdam mo?"

"Opo talagang na hook kasi ako sa anime na yun kaya affected ako masyado. Then may nakapagsabi sa akin kung bakit daw ako puro reklamo dun sa palabas, bakit di na lang daw ako gumawa ng sarili kong kwento and that was it! Eto na ako ngayon, creating my own stories."

"Hahaha nakakatuwa naman. So Aya, ano sa tingin mo ang iyong greatest achievement as a writer?" Boy Abunda asked.

"Wala pa naman po akong napapublish na book so siguro ang greatest achievement ko so far eh yung nag 4M yung reads ng Marriage LIEcense, 2M yung Imperial Brothers at 5M naman yung Imperial Ladies and still counting."

"Among your stories alin dun ang pinaka proud ka?"

"For me po tito Boy I think success stories ko talaga yung Marriage LIEcense at yung Imperial Series kasi sa panahon ngayon na ang dami ng sikat na writers at story sa wattpad para umabot yung kahit isa sa mga story mo ng 100k eh nakaka proud na ano pa kaya yung mag million pa yung reads at hindi lang isa kundi halos lahat ng complete stories ko pa."

"Who do you think is your strongest love team?"

"LEVIS po, (Levi Moldovan and Eris Imperial) karugtong na yata ng pangalan ko yung loveteam nila."

"Who is your strongest character?"

"Levi Moldovan I think."

"Aya let's do the Fast Talk" Saad ni tito Boy.

Tumango naman si Aya. "Sure po tito boy."

"Wattpad app or wattpad books?"

"Wattpad app."

"Diary ng Panget o She's Dating the Gangster?"

Aya looked confused and keep snapping her fingers to help her think and decide faster. "Gosh... ahmmm... She's Dating!"

"HaveYouSeenThisGurl o Jonaxx"

Aya smiled. "Yung kapwa ko Kagay-anon na lang- si Jonaxx."

"Sic Santos or Marcelo."

Napatili si Aya. "Omggg!!! pahirap ng pahirap... okay dun ako sa maraming hugot, I go for Marcelo."

"Anong maipapayo mo in three words sa mga baguhang writer na tulad mo?"

Aya trying to speed up. "Ahmm.. ahmmm... Never Give Up!"

"In three words anong masasabi mo sa mga writers na nauna sayo?"

"Idol ko kayo."

"In three words anong masasabi mo sa mga readers mo?"

"Mahal ko kayo."

"In three words anong masasabi mo sa mga haters mo?"

"Bahala na kayo hahaha." She chuckled.

"Pano ka magmahal?"

"Possessive!"

"Kung fictional character ka sa wattpad, sino ka?"

"Shekainah Imperial."

"From other stories."

"Eya? hahaha."

"Lights on or lights off?"

"Lights off"

"Sex or chocolate?"

"Nakatikim na ako ng chocolate so sex naman hahahaha." Aya chuckled. "In the right time at the right person." Pahabol pa niya. Trying not to corrupt innocent viewers.

Nagtawanan sila pareho. Matapos ang fast talk ay nagpasalamat muli ang host kay Aya. "Salamat Aya!"

"Thanks po tito boy pinagpawisan ako dun ah hahaha."

"You survived the fast talk kaya, maaari ka nang mag promote."

Tumingin ulit si Aya sa camera. "Ayun po sana suportahan niyo ang mga stories ko po.

Kung gusto niyo ay short but sweet love story eh basahin nyo ang aking Marriage LIEcense. The reads and comments will speak for itself. Mababaliw kayo sa kakatawa at kakaiyak.

Kung ibig nyo naman ay mahahabang series eh handog ko naman ang Imperial Series na may tatlong seasons.

Book 1: Imperial Brothers

Ito ay kwento ng tatlong anak ng pinakamayamang negosyante sa bansa na si Zheng Imperial sila sina Alexander the great, King Arthur at Lord Kelvin Imperial.

Book 2: Imperial Ladies

Ito ay kwento ng mga apo ni Zheng na naging puro mga babae sila sina Ira, Megan, Phoebe, Eris, Rue, Izzy, Azalea and Light. May mga kanya kanyang unique love stories ang mga ito na magpapasaya ng bawat araw niyo.

Book 3: Imperial Series III

Ito ay kwento ng mga apo sa tuhod ni Zheng. Patutunayan nina Shekainah, Clyde, Earth, Cyrus, Nickel, Tamaki Ershie, Nayomi, Acer Madrid, Tiffany at Akira na ang pagiging IMPERIAL ay wala sa apelyido kundi nasa dugo.

Yung mga readers ko hindi sila basta nagbabasa lang, they investigate and think like a detective. Kaya kung hilig niyo ay romance with a twist, ang stories ko ang para sa inyo!"

"Wow sounds good! Tiyak na kaabang-abang iyan."

"Thanks po tito boy! and pahabol lang, sa mga gusto ako i-follow Anya Reh Seo po ang fb name ko at ayahoshinowatty@gmail.com naman ang aking twitter account. Kung nabitin kayo sa fast talk ko with tito Boy may Ask fm po ako, ang username ay same lang with my twitter account and dahil malapit kayo sa puso ko na parang bra... you can join my official FB group Bebe BRA (Bipolar Readers of Aya)"

"Aya! Aya! Aya! Aya!" Hiyawan ng mga audience pagkatapos ng interview.

"Ayaaaaaaa!!!" Isang pamilyar na tinig ang gumising kay Anya.

Kinusot-kusot niya ang kaniyang mga mata at nagtanong sa kaharap. "Bes asan ako?"

"Bes, malamang nasa kama mo! Bumangon ka na nga diyan! Tanghali na oh!"

~END

Wattpad Filipino Block Party 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon