Chapter 35: Your Ex Girlfriend Sucks

107K 1.2K 182

Chapter 35: Your Ex-Girlfriend Sucks

Salamat po sa mga nagparticipate sa Operator Search!

Dedicated kay Sev Ongoco! Benta sakin ang BARAKO (Barang-Tuko) lels :DD

Song Inspiration: Your Boyfriend Sucks - The Ataris

PS: May picture sa gilid, tanong yan sakin sa Tumblr. Question: Bakit ang bagal ng pacing ng If I Fall? 

**

BARBS' POV

Dahil sadyang mabait ako.. dinala ko si Tatin sa Clinic.

Eh ano naman? Siguro 5 meters lang naman ang layo ng clinic mula dun sa pinagbagsakan nya! Bakit ba hinimatay 'to? Hindi naman sya nilalagnat! Pero namumutla. Naka-drugs ba 'to? Si Kristina de Asis, naka-drugs? Lul! Hindi yan! Patay sya sa tita nyang si Mrs. de Jesus pag ganun nga! OMG lang ('o')

Sabi ni Ms. Nurse dahil daw sa gutom kaya hinimatay si Tatin. Nuxx diet si teh? Ganun ba talaga pag kasama ka sa cheer squad? Si Hapon naman kahit anong kain walang pakialam sa figure! Joke lang, nag-eexercise naman kasi yon. But Tatin? She's starving herself to death! Idol ba nya ang Olsen Twins? Barbs ano na naman pinagsasabi mo?

"Barbs," tawag sakin ni Ms. Nurse. "Pwede bang pakibantayan saglit si Tatin? May meeting lang kasi ako with the Principal. I'll be right back."

"S-sige po. Pwede bang makihiga sa isang kama? Medyo nahihilo po ako," Yep nahihilo na rin ako sa gutom. Yung mga viper sa tiyan ko nagrerebolusyon na. Paker.

Pinayagan naman ako ni Ms. Nurse. Buti na lang! 10 minutes na lang bago ang Filipino time namin. Bahala na nga! Hihiningi na lang ako ng clinic pass kay Ms. Nurse. Medyo nakakatamad kasi e (=_=) Hinila ko yung kurtina (yun ba tawag dun? Dun sa color green na divider sa ER something?) para matakpan kami ni Tatin. UGH.

Sa totoo lang ayoko bantayan 'tong babaeng to. I really don't like her. Well may kaibigan akong maarte (Hello Hapon!) pero basta.. ibang klase sya. Nakakainis talaga! Feeling nya sya ang reyna dito sa campus. Lul nya kapal. Nakakainis lang! Elementary ko pa schoolmate to, magkaibang section lang kami. Tahimik lang yan nung Grade 1 hanggang Grade 4, kaso nung nagkakurba ang katawan nung Grade 5, ayan lumandi! Sya ang kauna-unahang nagkaboyfriend sa batch namin! Take note, 2nd year highschool pa ang jowa! Diba kainis?

Pipikit na sana ako nang...

"Uhhh.." Naalimpungatan na pala sya.

I pretended to be asleep. Hello, hindi ako magaling sa small talk thingy na 'to! Tsaka anong pag-uusapan namin, make-up? Tss asa sya!! Tulog na lang Barbs.. tulog na lang Barbs.. tu--

"Barbara?"

UGH. Barbs tulog na lang. Tapos na ang duty mo sa babaeng yan. Ikaw naman ang masama ang pakiramdam. Wag mo na-

"Barbara ikaw ba yan?"

Duh hello Tatin! Hinimatay ka lang tanga ka na? Nagpanggap pa rin ako na tulog.. tapos kunwaring tumagilid. Bahala sya dyan. Buti na lang tumahimi-- shet bakit nya ako kinakalabit?!? 

"Ano ba!!!" di ko na napigilan ang inis ko. Humarap na ako sa kanya.

Gulat na gulat sya sa ginawa ko. Aba dapat lang! Nakakainis 'tong bwisit na 'to! "Ano bang kailangan mo!? Kitang natutulog ako eh!"

"Uhh.." ano 'to, nawalan ng dila? Ugh. "G-gusto ko lang magthank you."

"Para san?"

"Ikaw nagdala sakin dito diba?" Tumingin sya sakin, straight to the eye. Umiwas naman agad ako.

If I FallRead this story for FREE!