TAL. 23.1 -- Surprise

Cassandra's POV

Marahan akong lumabas ng bathroom na may butil-butil pa ng pawis sa gilid ng noo. Napapikit ako at pinakiramdaman ang sarili ko. Takot ba ito? Kaba? Anticipation?

Handa na ba talaga ako sa maaring makikita kong resulta?

"So ano?" sabay na lumapit sa akin si Chanel at Gino.

Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata. "You look pale. Are you sure you're alright?" nagaalala akong hinawakan ni Chanel at inalalayan akong lumakad papunta sa kama.

"Y-yeah." mahinang sagot ko.

"Patingin ako, Cass. Anong sabi?" singit naman ni Gino, tinabihan nila akong dalawa sa magkabilang gilid ko. "Nakita mo na ba?" tanong pa nya.

Tumungo ako at umiling. Nalilito ako, hindi pa rin maalis ang takot sa dibdib ko pero alam ko naman magiging masaya rin ako sa kung ano mang resulta, lalo na kung positive.

Itinaas ko ang palad ko, sapat lang upang makita naming tatlo ang laman ng palad ko. Mabagal kong ibinuka ang bahagyang nanginginig kong palad at napasinghap ang dalawang katabi ko habang ako ay lalong lumakas ang pagkabog ng dibdib ko.

Dalawang guhit sa munting instrumentong ito.

Ibig sabihin, I am now bearing a child inside my womb.

Nagtubig ang magkabilang mga mata ko at napakagat labi ako. "Cass? Okay ka lang?" nag aalala na namang tanong ni Chanel.

Tumunghay ako sa kanila na nakangiti habang tumutulo na ang luha sa mga mata ko. Hindi ko man maipaliwanag sa eksatong mga salita ang nararamdaman ko ngayon dahil sa pinaghalo-halong takot, tuwa, at pag-aalala.

Takot dahil hindi ko alam kung makakaya ko ba. Handa na ba talaga ang sarili ko na maging isang ganap na ina? Bakit Cassandra, may choice ka pa ba ngayon? sabi naman ng munting tinig sa isip ko.

Tuwa, nakakatuwang malaman na masasabi ko na ngayong kompleto na ako. Isang ganap na babae na ako. Hindi lang pala ang mawala ang virginity  mo ang makakakapag patunay na isang ganap na babae ka na, ngunit ang malaman mo na may munting buhay ng pumintig  ngayon sa sinapupunan mo.

Pagaalala dahil paano kung hindi ako maging mabuting magulang? Paano ba ang isang maging mabuting ina? Kanino ako hihingi ng tips at opinyon kapag dumating na ang anak nami ni Daryl?

Tuwang-tuwang nagtatalon sa katuwaan sina Chanel at Gino. "Yes! Magiging Tita na ako!" matinis na sigaw ni Gino.

"Gaga! Ako ang Tita! Ikaw sabit ka lang!" kontra naman ni Chanel at nagsimula na naman silang magtalo.

Dahil sa samo't saring isipin, napahagulgol na lang ako. "Cassandra!" nabiglang bulalas nilang dalawa.

"Bakit ka umiiyak?"

"H-hindi ko alam. Mixed emotions. I am definitely happy.." suminghot ako at inabot ang binibigay na panyo ni Gino. ".. But I'm scared." tiningnan ko silang dalawa at alam ko bakas sa mga mata ko ang sinasabi kong takot.

Nakakaunawa namang hinaplos ni Chanel ang likuran ko. "Stop crying, sis. Nandito kami. Hindi pa man kami nagkakaanak din but we are here to help you. We will be with you through this journey."

Napalabi ako at wala sa loob na napahawak sa impis ko pang tyan. Tama baby, hindi naman ako mag iisa sa pagdating mo. Nandyan si Daddy Daryl, Tita Chanel, and err.. si Tita Gino?

I forced to smile at them reassuringly. I have nothing to be afraid of. My baby and I will be well taken care of.

Later that day as I was thinking of a surprise on how will I tell Daryl about my pregnancy, tumawag sya sa akin, "Cass? Mom called. She was inviting us for a dinner at their place. Are you free tonight?"

Taming a LionessBasahin ang storyang ito ng LIBRE!