Chapter 13: The Academy Secret

"M-mission?" I stammer. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo sa harap ni Snow bago nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita.

Snow nods. "The real once which defy life and dead."

"Pero paanong nangyari yun? We are just students." I answer back.

"That's the point, Ariela." Snow replies grimly. "Ano sa palagay mo ang dahilan kaya tayo nagt-training? We have to control our Charms not just for our selves but for the benefit of this society."

Sinubukang ipaliwanag sa akin ni Snow ang lahat. Naging mahirap ito dahil hindi agad nag-sink in sa akin ang sinasabi niya. Pakiramdam ko kasi hindi totoo ang lahat. According to Snow galing sa dalawang society ang mga mission. Sa Greven at Mirandi. Sinubukan kong alalahanin ang mga librong nabasa ko tungkol dito. Ang Greven ang society kung saan makikita ang Charm Academy. Ang Mirandi ay ang alyansa ng Greven. Karamihan sa mga mission ay isinasagawa ng mga estudyanteng matataas ang rank at malalakas ang kapangyarihan. Halos lahat ng may elemental Charms ay tumatangap ng mission. Kabilang na dito si Jett at Collin.

"Sa totoo lang, si Jett at Collin ang pangunahing inaasahan ng Academy pagdating dito." she stated with a weak smile.

Mission ranged from easy to difficult. Depende din ito kung anong klase ng Charmer ang kailangan. Karamihan sa difficult ay napupunta sa elemental Charmers. Pwede itong pagmatyag sa isang tao o sa isang buong society. Pagtapos sa isang tao o pagkasira ng isang buong bayan.

Ang sabi ni Snow ay para din ito sa kaligtasan ng Greven at Mirandi. For the past ten years an invisible war exists between the allied societies and Augury. Ako mismo nakasaksi nun noong may nakapasok na taga Augury sa loob ng Academy. Kahit pa sabihing may authority na gaya ng Magic Council na namamahala sa kapayapaan sa apat na society wala paring nakakasigurado.

Pilit pumapasok sa isip ko ang kaligtasan ni Jett at Collin. I keep telling myself hindi dapat ako mag isip ng kung ano ano. Pero alam ko na kahit sakit sa ulo ang dalawang at mas gusto kong suntukin sila pareho kapag nakita ko sila dahil sa frustration na idinulot nila sa akin, deep inside nagalala parin ako. Dahil isa lang ang ibig sabihin ng lahat ng sinabi ni Snow. Walang nakakaalam kung ligtas bang makakabalik si Jett at Collin dito sa Academy.

I finally solve the puzzle. But I'm left wishing na sana hindi ko nalang nalaman ang totoo. Para hindi ako nagaalala ng ganito. Everything I thought I knew about the Academy at this point seems to be all make-believe. And the real thing is I'm trap in a big survival game.

"Alam kong nagalala ka." Snow says after a very long silence. "But trust me, kaya nila ang mga sarili nila."

"Pero narinig ko sa usapan nila ang Augury. Snow, they could be in danger—"

"Ariela, listen to me!" she demanded. "They are safe. They have to be." Pero nakikita ko sa mga mata niya na maging siya ay nagaalala.

"They've done this thing a hundred times." She assures me. "Malay mo bukas bumalik na sila para sirain ang mga araw natin."

Pero lumipas ang mga araw at hindi parin pumapasok si Jett at Collin. Nagsimula ng mamuo ang pangamba sa dibdib ko. It's been almost two weeks! I'm fully aware that a mission could take this long pero bakit ako kinakabahan ng ganito?

Naalala ko ang pakiramdam noong araw na yun. Isa sa mga araw na gustong gusto ko ng makalimutan. Ganito din ang naramdaman ko noong umalis si Mama at Papa. Noong nagpaalam sila sakin sa harap ng pintuan pero gusto ko silang hilain pabalik dahil natatakot ako. Isang takot na hindi ko maipaliwanag. Yun ang huling pagkakataon na nakita ko sila bago ang aksidente.

Charm Academy: School of Magic (Published Under Cloak Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!