"Three months suspension without pay din 'yon as punishment. Kaya naulit ulit ay tatanggalin na siya sa trabaho niya," dugtong ko pa.

"Wala ka bang balak na umalis?" tanong ni Cadiel.

"Gusto ko sana kaso, ayoko namang iwan ang trabaho ko kay Herald dahil walang papalit sa 'kin. Ayoko namang mahirapan siya," paliwanag ko.

"Sa bagay, may point ka diyan. Hintayin mo na lang na mag-open siya for hiring para at least, hindi siya mahirapan ng todo. Mukha namang mabait ang boss mo," komento ni Gab.

"Mabait naman talaga siya. Kaya ko nga siya nagustuhan eh," sabi ko naman habang nakangiti.

"Crush mo siya?" tanong ni Gabb.

"Sa totoo lang ay kami na, Gabb. Masyado sihang caring at mabait kaya ko siya nagustuhan ng sobra hanggang sa minahal ko siya," sabi ko naman.

"Mukhang masaya ka naman kaya hindi kami tututol diyan, Jenny. Basta kung may problema ay tawagan mo kami at tutulungan ka namin saka, makikinig kami," sabi ni Gab.

"Kayo din. Tawagan niyo ako kung may problema at tutulungan ko din kayo," sabi ko naman sa kanila.

"Madami ka nang naitulong sa 'min, Jenny. Kahit no'ng walang-wala ka ay nandiyan ka pa din para sa 'min at tumutulong," sabi ni Cadiel.

"Kaibigan ko kayo eh. Hindi ko kayo pababayaan talaga," sabi ko naman. Natuwa sila ng todo at natawa na lang ako.

Dumating na ang waiter at nilagay ang mga in-order ko kanina at tumingin ako sa kaniya.

"Salamat po," sabi ko.

"Welcome po, ma'am. Enjoy your lunch po," sabi niya naman. Naglakad na siya paalis at tumingin kanila Gab.

"Kain na tayo? Para makabalik na din kayo sa trabaho niyo kasi baka mahuli kayo at mapagalitan," sabi ko.

"Sige. Kain na tayo at baka mapagalitan pa kami ng supervisor namin 'pag na-late kami." Natawa kaming tatlo at kumain na kami.

•*•*•*•*•*

Pagkatapos kumain ay bumalik ako sa opisina ni Herald at naabutan ko siyang naka-upo sa pwesto niya habang may sinusulat sa papel.

"Herald, bumalik ako dito para magpaalam na pupunta ako sa kompanya dahil may gustong pag-usapan si Tito Vaughn," paalam ko.

"Sure. It's fine and I understand that, jagiya. Be careful, okay?" Tumango ako. Naglakad ako palapit sa kaniya at hinalikan siya sa pisnge.

"I love you,"

"I love you too," bulong ko. Ngumiti siya at naglakad na ako palabas ng opisina at pumasok na sa elevator habang tine-text sila Lay.

•*•*•*•*•*

Nasa lobby ako habang naka-upo sa sofa at hinihintay dumating sila Lat dahil sa ayokong mag-hintay sa labas at baka may tumangka na naman sa 'king kumidnap.

Dahil sa mga nangyayari ay tahimik na ang mga empleyadong nandito at hindi na nila ako pinag-uusapan pa dahil ayaw nilang mawalan ng suweldo o ng trabaho.

Mas mabuti nang ganito kaysa naman sa lagi nila akong pinag-uusapan na para bang isa akong artista. At least, 'pag ganito ay medyo tahimik na din ako.

Habang naghi-hintay ay nakatingin lang ako sa cellphone ko ng tahimik at hini-hintay ang message nila Lay o Nick.

Habang nakatitig doon ay napalingon ako sa kumalabit sa 'kin at nakita ko si Lay. Ngumiti ako at tumayo na mula sa kinauupuan ko.

"Tara na po, miss. Pasensya na kung ngayon lang dahil sa medyo traffic ngayon," sabi niya.

"Ayos lang, Lay. Naiintidihan ko naman at hindi mo na kailangang magpaliwanag pa," sagot ko naman. Naglakad na kami palabas ng kompanya.

"Sana ay hindi traffic papunta sa kompanya dahil sa ayokong pag-hintayin ng todo si Tito Vaughn doon," komento ko.

"May alam po kaming daanan para hindi tayo ma-traffic kaya 'wag ka nang mag-alala pa. Kami na po bahala ni Nick," sabi niya.

"Sige. Naiintindihan ko at may tiwala ako sa inyo," sabi ko. Naglakad na kami sa sasakyan at sumakay na ako sa loob.

Nasa passenger's seat si Nick habang nakatitig sa laptop niya.

"May problema ba, Nick?" tanong ko.

"Ayoko po sanang sabihin sa inyo 'to pero, kanina ko pa po kasi napapansin na sinusundan kami ng sasakyang 'yan." Napatingin ako sa tinuro ni Nick.

May nakita kaming asul na sasakyan at kinuha ko ang cellphone ko. Mula sa pwesto ko ay kita ko ang plate number kaya naman kinuhaan ko ng litrato 'yon.

"Sigurado ka bang sinusundan tayo niyan, Nick?" tanong ni Lay.

"Oo, hindi ako p'wedeng magkamali. Kaya habang pinupuntahan mo si miss ay tinawagan ko na si Carilo tungkol doon," sagot ni Lay.

"Kinuhaan ko na din ng litrato 'yong sasakyan kasama ng plate number kaya hula ko ay p'wede natin silang i-report kung may gagawin man silang hindi dapat," sabi ko.

"Nai-report ko na siya sa mga pulis na kaibigan ni Mr. Aldous kaya sila na daw ang bahala sa ngayon. Ini-imbestigahan na nila ang sasakyan na 'yan," sabi ni Nick.

"Sige. Tara na? Bantayan na lang sila kung susunod sila ulit sa 'tin," saad ko.

"Sige po, miss. Bantayan na lang sila at tawagan na lang ang iba kung may problema man na mangyayari," sagot ni Lay.

Pina-andar na niya ang sasakyan at tinitigan ko 'yong asul na sasakyan para lang makasiguro na ligtas kami.

••••• END OF CHAPTER 25. •••••

Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat