Missing Chapter

2.2K 57 1
                                    

Third Person's POV

Dalawang Linggo na ang nakakalipas at Dalawang Linggo na ding hindi pumapasok si Maria , simula nang mamatay ang dalawang kaibigan ay nawalan na siya nang ganang pumasok . Hindi rin niya alam ang gagawin kaya naman ay nasisisi niya si Jasmin sa mga nangyayari

"Bakit kase ganito ang nangyayari sa amin " wala sa sarili niyang banggit habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin.

Nabaling ang kanyang paningin sa Cellphone ni Jhorene na ibinigay nang mga magulang nito sa kanya , kinuha niya ito at pinagmasdang mabuti .

"Ano naman kaya ang dahilan ni Jho. at pinabibigay niya ang cellphone niya sa sakin, hmm ano bang makikita dito?"

Nagulat siya nang bigla itong umilaw habang kinakalikot niya ito

Tila nanigas naman siya sa kinauupuan nang bigla itong nang unlock! Kanina kase ay hindi niya ito mabuksan-buksan , nakaramdam siya ng pagkilabot sa kanyang katawan, dahilan para mapatayo siya at mapaatras sa kinauupuan.

Nanatili lamang ang kanyang mga mata sa telepono na nananatiling umiilaw , tila ba ay may buhay ito , nakita niya na nasa Gallery na ito at nagpatuloy kung saan makikita ang mga larawan ni Jhorene , naroon din ang ibang mga larawan nila nuong mga panahon na masaya sila at magkasama.

Napakurap siya ng ilang beses ng huminto ito sa pag-galaw, kinakabahan man ay dahan-dahan din siyang lumapit dito upang makita kung saan ito tumigil.

Isa itong video , nagdadalawang isip siya kung pipindutin niya ba ito upang mag-play , pero sa huli ay napagdesisyunan niyang panuorin ito , sa una ay naguluhan siya sapagkat pinakita sa video ang isang plain na lugar , walang kulay , kundi black and white lang .

'Ano namang meron dito?' Sa isip niya , halos isang minuto na siyang nakatitig dito at puno pa din ng pagtataka.

Medyo lumabo ang kulay nito at at sa muling paglinaw ay nakita niya ang isang upuan.

Nadagdagan ang kanyang pagtataka nang makita ang upuan na unti-unting nagkakaroon ng kulay  ......... Kulay pula!......kulay DUGO!

Bagama't kinakabahan ay pinagpatuloy niya lamang ang lanunuod ngunit sa sunod noyang nakita ay halos maibato niya ang telepono ni Jho, dahilan upang tumilapon ito sa sahig.

Hingal na hingal ang dalaga habang papatras siya at napaupo sa kama , bahagyang bumilis ang tibok ng kanyang puso .

"Ano ba yun? Bat may ganung video si Jho?" Tanong niya sa sarili.

Nabaling ang kanyang atensyon nang may mapansin siyang unti-unting tumatayo sa kung saan niya naitapon ang cellphone, tila ba ay nanigas siya sa pagkakaupo at napabukas ang kanyang bibig .

Iniisip kung totoo ba ang kanyang nakikita , ninanais niyang gumalaw ngunit tila hindi sumusunod ang kanyang katawan sa kanyang isip.

Tuluyan nang napatayo ang isang pigura nang lalaki , sa una ay nakatalikod ito , at unti-unting humarap kay Maria.

'Siya ang lalaki sa video! S-siya si A-Angelo!' Banggit niya muli sa kanyang isipan .

Tila may isip ang lalaki at bahagyang ngumisi..... Na naging dahilan para madagdagan ang takot sa katawan ng babae.


"Mamatay ka".

CLASS 103 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon