Yilin04's Story Trivias

686 15 2
                                                  

Yilin04's Story Trivia


Weight For Love Trivia 

#1: Ang buong karakter ni Yasmin ay karakter mismo ni Yilin04. Kung paano siya umiyak, tumawa, mag-mura, maging matapang, mahilig kumanta at mag-drawing ay mga katangian niya.

#2: Ang Weight for Love ang unang istoryang naisulat ni Yilin04 sa Wattpad noong 2013 at naisapubliko ito noong 2014 under  Bookware Publishing Company.

#3: Ang buong pangalan ni Von sa Weight for Love ay pangalan na binigay ng isa sa matalik na kaibigan ni Yilin.


Destiny Trivia

#1: Ang karakter ni Arthur ay karakter mismo ng kasintahan ni Yilin04.

#2: Naisulat ni Yilin04 ang istoryang Destiny dahil sa karanasan nilang dalawa sa pag-ibig.


Power Within Trivia

#1: Naisulat ni Yilin04 itong istorya dahil parati niyang nakikita ang mga bidang karakter niya sa panaginip noong nasa Hayskul pa lang siya. Inayos lang niya ito nang maigi para mailathala sa Wattpad.


Passage to Somniworld Trivia

#1: Ang kahulugan ng somni ay sleep/dream na nakita lamang ni Yilin sa internet.

#2: Ginagamit ni Yilin04 ang Somniworld na pangalan sa kanyang online business noong hindi pa siya nagsusulat.

#3: Ang buong kuwento ng Passage to Somniworld ay hango sa isa sa kanta ng EXO na ang titulo ay Peter Pan.

#4: Ang pangalan ni Rielle/Gabrielle ay pangalan ng pinsan ni Yilin04 na siyang mismo nagsabi na ilagay ang pangalan niya sa istorya para hanggang sa istorya man lang ay maging kapareha niya ang idolo na si Baekhyun ng EXO.


One Shot Stories ni Yilin Trivia

#1: Ang mga istoryang Online Siblings, Dear Papa, Ice Candy, Online Game, Alaala at Dasal ng Luha ay hango sa totoong buhay ni Yilin. Nilagyan lang niya ng unting imahinasyon at iniba ang mga pangalan para hindi mahalata ng mga kakilala niya na ito ay totoo.

#2: Ang Dasal ng Luha ay napasama sa Reedz Volume 3 under PSICOM nitong February 2017.





Wattpad Filipino Block Party 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon