Wakas

1.3M 33.9K 23.1K

Thank you so much for reading this story.

------------------------------------------------

Wakas

Wala naman talaga akong masyadong maalala sa amin ni Elijah bago siya umalis patungong America noong mga bata pa kami. Sa dami ba naman naming mag pipinsan, hindi ko na kayang sabayan ang trip ng lahat. Mga babae lang ang naging ka close ko noon. Kaya naman, hindi naging kawalan sa akin ang pag alis niya.

"Ngayon dating nina Kuya Just, diba?" Tanong ni Erin sa akin Grade 5 kami.

Nag kibit balikat ako.

Alam kong ngayon ang dating nga pamilya nila galing sa U.S. Ang tanging naiisip ko lang ay ang mga chocolates na madalas pinapadala nila at ang mga imported na mga bagay. Kaya malamang, mas marami ngayon kasi umuwi na sila sa Pinas.

Nang pumunta kami sa bahay nila para sa 'reunion' na magaganap dahil sa pag balik nila ay natuwa lang ako kasi nakasama ko ang mga babae kong pinsan. Hindi naman talaga kasi ako close sa mga lalaki. Madalas, di ko sila naiintindihan. May mga sekreto silang hindi namin alam at palagi pang nang iinis.

Nag uusap si Azi at Josiah papasok kami ng living room. Naroon na si Kuya Justin at Ate Yasmin na parehong hinahalungkat ang kani kanilang maleta.

"Ate Yasss!" Sigaw ni Chanel sabay yakap sa kay Ate.

Yumakap din kami nina Erin at Claudette sa kanya. Maiksi na ang buhok ni Ate Yasmin ngayon. Mas bumata siyang tingnan. Hinalungkat niya ang maleta at agad binigay kay Chanel iyong mga bag at damit na may pangalan niya. Excited nilang dinumog iyong maleta habang sinusuyod ko ang kakarenovate lang nilang bahay.

Mas lumaki at mas naging engrande ang bahay nila. Siguro ay dito na sila talaga titira.

"Here." Sabi ng pamilyar na boses sa likod ko.

Nilingon ko siya dahil sumigaw ang mga lalaking pinsan ko at dinumog siya. Umirap ako sa nakita. Iyon naman pala, may dala siyang mga sapatos na Nike at Adidas. Puro brand new at sobrang dami. Balak niya atang bigyan ng isa-isa ang lahat ng pinsan kong lalaki.

Nag angat siya ng tingin sa akin at bumuntong hininga.

"Elijah, ibigay mo 'yong pink kay Klare." Sabi ni Kuya Just na nasa likod niya.

"Course." Aniya at binigay sa akin ang isang kulay orange na box na may malaking check.

"Diba mahilig kang sumayaw, Klare? You can use that." Ani Kuya Justin.

"Thanks kuya." Ngumisi ako at binalingan ang sapatos na binigay ni Elijah.

That's how we communicate. Not cold, not warm, just in between. Ngunit sa lahat ay siya ang pinaka hindi ko pinapansin. Hindi rin naman kasi siya namamansin sa akin.

Kinurot ni Azi ang mukha ko sa school habang kumakain ako ng fishballs sa canteen. Gusto ko siyang saktan dahil sa sakit ng pagkakakurot niya sa pisngi ko. Pakiramdam ko ay pulang pula ito.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!