Chapter Six (For all it's worth)

Start from the beginning
                                    

“ASAN? TANGA KA BA! Bat mo hinayaang makatakas?” sagot ng ikalawa.

“PAgkain na naging BATO PA! ang lalaki niyo talagang gung gung! Bilis habulin natin! Dali!” Usal ng ikatlo.

Nagawa kong tumakbo palayo sa mga masasamang loob. Pagod na pagod na ako at ang masama pa eh natipalok pa ako gawa ng isang kahoy na nakausli sa kung saan. Nadapa ako at hawak hawak ko na ang isang paa kong nasugatan.

 Pakiramdam ko ay  napilayan ata ako sa pagbagsak ko. Nahihirapan na akong tumayo at sa hindi ko inaasahan ay malapat na pala akong maabutan ng mga pesteng lasing na to. Pinilit ko paring makatayo.

 Naglakad takbo ako at naghanap ng pwedeng kong mapagtaguan. Halos dumudugo na ang sugat ko sa paa at sobrang kirot na ng pakiramdam ko. Pinilit kong huwag gumawa ng ingay para hindi nila ako marinig.

Mangiyak ngiyak narin ako dahil sa awa sa sarili ko at sa takot na baka mahanap nila ako. Taimtim akong nanalangin na sana may isang tao paring magliligtas sakin tulad nung nangyari sakin nun.

“YUHOO.. nasaan ka na magandang dilag? Andito na kami” usal ng  isang lasing.

“Lumabas ka na jan sa pinagtataguan mo binibini at ng makapagsimula na tayo! BILIS na ! hindi ka naman naming sasaktan eh. Paliligayahin lang natin ang isat isa” usal naman ng ikalawang lasing.

“Gusto mo bang maglaro tayo ng Taguan? Kami ang taya at kapag mahuli ka namin wala kaming ititira sayo.ahahaha..” sabay pakawala ng isang malakas na tawa na parang isang demonyo ng ikatlong lasing.

“ANO BA? Hindi ka ba lalabas? Init na init na Ako sayo! Tang Ina naman oh! Humanda ka pag nakita kita.” Usal ng ikalawang lasing.

Takot na takot na ako. Halos pigilin ko din ang paghinga ko para wala silang marinig sa akin.. andito ako sa may halamanan tahimik na nagtatago. Pinagdarasal ko na sana andito si YANO sa tabi ko para iligtas ako oh kahit na sinong poncio pilato nalang.

Pero alam kong imposible dahil wala naman si Yano dito at masyado nag malalim ang gabi para may mapadaan pang mga good Samaritan dito. Hindi niya alam kung ano nangyayari sakin ngayon dahil bising busy siya sa pakikipaghalikan sa YURI na yun.

Mas lalong nadagdagan ang bigat ng pakiramdam ko nung naalala ko naman ang nangyari kanina. Sinabayan pa ng buwiset na sakit ng paa ko dahil talagang kumikirot na siya sa sakit.

Laking gulat ko ng may humawi nang sa may halamanang pinagtataguan ko at hinawakan ako sa magkabilang braso.

“HULI KA!” nakangising usal ng isang lasing.

“AKALA MO MATATAKASAN MO KAMI NG GANUN GANUN LANG?” dugtong din ng ikalawang lasing.

“Diyan ka nagkakamali. Makikita mo ngayon. Wag ka ng magsisisigaw jan at wala ng makakadinig sayo. SA AMIN ka na ngayon. Hahah.. “ ikatlong lasing.

“BITAWAN NIYO AKO! ANO BA! NASASAKTAN AKO! TULOOOOOOOONNNNNGGGGGGG..TULUNGANNNNNNNNNN NIYO AKOOOOOOO..ARGH..ang sakit ng paa ko” mangiyak ngiyak kong sigaw.

Pinilit kong magpumiglas sa ginagawa nilang paghila sakin sa kung saan. Ibinagsak nila ako sa isang damuhan at pinipilit akong hubaran ng damit. Nagpupumiglas parin ako at halos umiiyak na sa sakit na ginagawa nila sa akin.

 Halos nawalan na ako ng lakas umalma at animoy isa akong batang nagpaubaya nalang sa kung anong ginagawa nila sakin. Kahit anong gawin kong pagiyak at pagmamakaawa ay hindi parin nila ako pinakikingan.

Nagawa nilang hubarin ang damit kong pang itaas at lantad na lantad na ang suot kong panloob. Naglakbay ang mga kamay ng lasing sa buong parte ng katawan ko at sa mga maseselang bahagi nito.

Diring diri na ako sa sarili ko sa bawat paghalik niya saakin at pababa sa leeg ko hangang sa dibdib ko. takot na takot na ako. Iyak lang ako ng iyak hangang sa naramdaman kong parang tumigil ang ginagawa nila sa akin.

Hindi ko na halos maimulat ang mga mata ko dahil sa pamamaga gawa ng sobra kong iyak buhat kanina. Narinig ko nalang na parang may bumagsak sa sahig sa sobrang lakas ng tunog. Dinig na dinig ko ang boses ng isang lalakeng pakiramdam ko ay nililigtas ako mula sa mga masamang loob.

Naramdaman ko nalang na may isang malake at mainit na jacket na pinulupot sa akin para takpan ang lantad kong katawan. Binuhat niya ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ang gaan ng loob ko sa lalaking nagligtas sa akin.

 Pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala. Pinilit kong ibukas ang talukap ng aking mga mata ngunit ang tanging naaninag lang nito ay ang kanyang asul na na asul na mga mata na parang animoy nakatitig ka sa kalangitan.

Pagkatapos nun ay nawalan na ako ng malay pero Bago nangyari yun ay naiusal ko muna ng mahina ang pangalang “YANO”..

==============================================

Hangang dito lang muna ang update ko.wahahahahahah..

TANONG: Sino sa tinging niyo ang nagligtas kay SAB ngayon? At sino ang tinutukoy ni SAB na nagligtas sa kanya noon? ANo ba talaga ang nangyari sa kanya? 10 years ago?  Hahahahaha..Basahin at unawaing mabuti ang bawat eksena para masundan kung sino, paano at ano talaga ang nangyari.. LAHAT NG MGA EKSENANG NAGAGANAP ay maghahatid sainyo sa dulo ng storyang ito. Unti-unti na pong lumalabas ang mga HINTS AND CLUES ng nakaraan.

 SANA NAG-ENJOY KAYO SA UPDATE KO. ^_________^

Abangan ang susunod na kabanata. ^_^

EnigmaticEnnelg <3

CASCADES (For all it's Worth) &lt;3Where stories live. Discover now