x14: Bitter Interview

[RACHELLYN's PoV]

EHH~?!

Ang sarap-sarap pa ng pag-inat ko dito sa kama pero 7:30AM na pala?! Kaya wala na rin pala sa tabi ko sina Andy?!

Kahiya naman kay Mama Margie kaya nagmadali na kong kumilos. Kinuha ko ang mga gamit panghilamos ko mula sa bag namin ni Andy pero.. Wait lang muna..Unahin ko munang i-check ang cellphone ko.. Hihi.

8 MESSAGES RECEIVED.

WALO yun pero ISA lang sa mga yun ang gusto ko basahin and that is a message from CJ!

--- TEXT MSG. FROM: dhie♥

'gud morning mhie!tulog kpa for sure.naririnig ko paghilik mo eh.hehehe.just txt me wen u wake up.i miss you and i love you..'

---

>///

Miss na rin kita CJ at mahal din kita..

PERO ANO YUNG NARIRINIG MO ANG PAGHILIK KO?! Di naman ako nahilik sa pagtulog ehh.. T3T

Psh. Ma-replyan na nga lang sya.

*typing*

'humihilik pla ah?hmpf..lagot ka sakin mamaya T.T kggcng ko lng pla.miss na rn kita and i love you too~ X3'

--- MESSAGE SENT.

Somewhat cheesy, right? Ehe. Ganito talaga kami palagi pag malayo kami sa isa't isa. Nagtetext-text ng kung anu-ano.

After that, bumaba na ko para pumuntang CR na nasa kusina. Pero bago pa ko tumuloy dun, napahinto ako dahil narinig kong nagsisigawan sina Adrian at Mama Margie. Para silang nag-aaway!

"M-MALAMANG LUMAKI NA KO!! MATAND-- ACKK!" - Adrian

"I LOVE YOU ANAK KO!" - Mama Margie

"WAAAH!! YAKAPAAAN!!" - Andy

Sa pagsigaw ng baby ko, sinilip ko na sila at....HEHEHE. Nagyayakapan lang pala sila dun. Yung mag-lola parang mga ahas kung makayakap kay Adrian. Si Mama Margie nasa harap niya habang si Andy sa likod nya. Si Adrian naman, nakasimangot. At ang cute nya lang sumimangot oh. Hehehe.

Katuwa sila panuorin kaso napansin na ko ni Adrian! Nanlaki ang mga mata nya nang makita nya ko.

"T-Tama na nga, Ma! Tsk!" pilit nyang inialis na ang pagkakayakap ni Mama Margie sakanya at yung mukha nya, naiirita na nahihiya.

"GOOD MORNING MOMMYYY!" Kung makasigaw naman ang baby ko! Buti di nabingi sakanya si Adrian na yakap-yakap pa rin nya.

"Kaya pala!" Hinampas ni Mama Margie ang braso ni Adrian bago sya lumayo. "Nahiya ka pang ipakita kay Rachellyn ang paglalambingan natin!"

"Eh nagugutom na kaya ko!" yan na naman ang walang galang na pakikipag-usap ni Adrian sa mama nya! Sumama tuloy tingin ko sakanya at napansin nya yun. "Kaya bilisan nyo na PO dyan! At ikaw rin Chelle, maghilamos ka na nga PO! Tss."

Pasaway.. But it made me smile at him.

Right after kong maghilamos, diretso na kaming apat sa kainan.

Nakakapanibago. Wala si Ate Hazel eh. Umalis pala sya kaninang madaling araw para mag-training sa isang call center.

Pero mas nagulat ako sa hinain sakin ni Adrian! Pancake yun na may drawing gamit ang chocolate syrup! Drawing yun ng isang..err..babae? Ang gulo ng pagkaka-drawing eh but at least, marerecognize mo pa rin kung ano yun.

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!