Chapter 28: Gusto

1.1K 21 5

Chapter 28: Gusto

Tahimik ako buong biyahe. Bakit ganun? Nadissapoint ako sa ginawa ni Monggi. E kung tutuusin sanay naman na ko sa pangit nyang ugali. Pero bakit sobrang naapektuhan ako? Dahil ba ineexpect ko na magbabago ang treatment niya sakin kasi nga nililigawan niya ako?

Nah. Hindi naman talaga niya ako gusto kasi kung gusto niya ako mag-iisip siya na hindi ako maoofend o madidissapoint sakanya.

Natauhan ako sa pag-iisip ng naramdaman kong humilig siya sa balikat ko.

"H-huy!" bigla akong kinabahan kahit hindi naman dapat.

"Just shut-up. I'll take a nap." sabi niya ng di dumidilat.

"Edi matulog ka. Ang akin lang. Bakit ka ba kailangang sumandal sa balikat ko?" sa wakas dumilat siya at humarap sakin.

"You're STILL my P.A." napataas ang isang kilay ko. Oh tapos? Ano pinaglalaban nito?

"Lahat ng gusto ko susundin mo. Whether you like it or not matutulog ako" at humilig na ulit siya sa balikat ko.

"P.A. mo ko pero nililigawan mo ko? Ang gulo mo. Ano ba talaga ha? Sarap mong iuntog sa pader!" gusto ko sanang sabihin sakanya yan kaso nung tumingin na ko sa mukha niyang natutulog napatanong ako sa sarili ko

"Ano nga ulit sasabihin ko dapat sakanya?"

"How's your trip? Havey na havey ba?" bungad sakin ni Daniel ng magkita kami.

"Just hell." tipid kong sagot.

"Ay anyare? LQ agad ang peg niyo?" sinamaan ko siya ng tingin.

"Pagod ako Daniel." nanlaki ang mga mata niya.

"Ano? Bakit may... may nangyari ba kaya... kaya pagod ka? Shit sister! Ano... ano feelings? Masarap... ba?" bigla ko siyang binatukan. Sabi ko na ba, e. Ayun nasa isip niya kaya nanlaki mata niya.

"Kadiri ka! Yuck naisip mo yun? Ang maniac mo! Magsama nga kayo!" at iniwan ko na sya.

"Ay akala ko meron na. Sayang." Loko talaga 'tong bading na 'to.

Nakita ko si Shane na nakatayo habang lingon ng lingon kung saan ng makita niya ako kumaway siya at ngumiti.

"San ka sumakay? Di kita makita sa bus natin kanina e." sabi niya ng makalapit ako sakanya.

"Sa kabilang bus hehe." tumango siya at nagpaalam muna dahil may hinahanap daw siya. Nang ako na lang mag-isa bigla namang dumating si Lenzie habang ngiting aso.

"Ano ays ba?" tanong niya.

"Hindi. Nakakainis ka! Bakit mo ko iniwan? Para makasakay ako sa kotse nila Zuriel ano?" Nagpiece sign siya at bigla akong yinakap.

"E kasi nakiusap siya sakin kaya ayun. Ikaw naman, ayaw mo nun gumagawa siya ng paraan para makasama ka. Ayie." napailing ako.

"Hindi niya ako gusto ok? Hindi yun totoo. Hindi ko alam kung ano trip niya pero hindi niya talaga ako gusto. Honestly, P.A. niya talaga ako." sasabihin ko na para di na sila magexpect.

"Hindi din. Halos mapatay na nga niya si Daniel kanina dahil bakit daw kayo lagi magkasama" napalaki ang mata ko. Seriously.

"At ang matindi pa dun, pinagsigawan niya pa na nagseselos siya. Haha! Nakakatawa yung mukha ni Daniel kanina e. Natatae na ewan." Ginawa talaga yun ni Monggi?! Kanina?

"So tell me Yah, hindi pa ba sapat yun para malaman nating gusto ka talaga niya? E kung yung iba ngang lalaki di sinasabi na nagseselos sila kasi kadalasan sa mga lalaki hindi vocal"

Pero... pero bakit ganun siya sakin? Bakit P.A. pa din niya ako kahit nililigawan na nga niya ako? Yan ang nagpapagulo sa isip ko e. Hindi ko siya maintidihan. At ngayon, hindi ko na din maintidihan sarili ko.  Kung bakit hindi ako tumututol sa gusto niya. Gusto ko na ba siya?

She's Accidentally Inlove With A HeartthrobBasahin ang storyang ito ng LIBRE!