Chapter 10: Boyfriend

14 0 0
                                    

“Weeehhhh?? Kayo na?!” paulit-ulit na tinatanong sa akin ni Taylor. “Oo nga! Ilang beses ko bang uulitin sayo yan?” “HAHAHAHHA!!! Astig Loki! Eh kasi naman hindi ako makapaniwala na sasagutin ka niya. Tsaka na-c-curious ako kung panu ka niya sinagot!” “Mas malala ka pala sakin ehh. Ikaw pa yung hindi maka-move on sa nangyari.” Ilang araw na rin ang nag-daan matapos akong sagutin ni Alya. To tell you the truth. Kahit ako hindi makapaniwala na sasagutin niya ako. AGAD. Ilang weeks ko pa lang siyang nililigawan ehh. Siguro dahil din sa mga nangyari sa amin. Masaya ako dahil ngayon sakin na siya. Hinding hindi ko sisirain ang tiwalang ibinigay niya sa akin. Mamahalin ko siya ng lubos. “Loki! Sabihin mo na kung paano ka niya sinagot!!” hindi parin natapos sa pangungulit ni Taylor sa’kin. “Bahala ka ng isipin iyon. Basta kami na. Wag ka ng magtanong ng kung anu-ano pa.” “Badtrip ka naman Loki ehh.” Binelatan ko na lang siya at umalis. Kahit na hindi pa namin break time ay pinuntahan ko na si Alya. Namimiss ko na ehh. ^w^

“WaaaahhH!!! Di nga!!! Ang daya!!! Bakit hindi mo sinabi sakin agad?” rinig na rinig ko ang boses ni Ceerie hanggang dito. Siguro sinabi na rin ni Alya na kami na. Hahahahhaa. Ano pa nga bang i-eexpect ko. Pareho-pareho sila ni Taylor sa reaksyon nila. “Ayiiee!!!! Magtitino na si Tigress namin.” “Shadapppp!!!! Magsitahimik kayo! Porket may boyfriend na ako ehh bigla-bigla na lang na magbabago ako? Adik kayo!!!” iniisip ko kung papasok na ba ako sa room nila o hindi. Kasi nakakatuwang pakinggan si Alya eh. Kahit na boses lang ang naririnig ko alam ko na namumula na ngayon ang mga pisngi niya. Hahahaha. Nagulat na lang ako ng biglang may isa sa mga classmates ni Alya ang sumilip sa may pinto. Nakita niya ako sabay sigaw ng “ALYA, ANDITO PALA BOYFRIEND MO EHH!” pagkasabing pagkasabi niya nun ay may narinig akong patakbong footsteps nagulat na lang ako nang makita ko si Alya na nasa harapan ko na. “LOKI!!!!” “A-alya?” seryoso ang facial expression niya. Para syang may susugurin na kalaban dahil sa expression ng mukha niya. “Loki!” sinambit niya ulit ang pangalan ko. This time unti-unting lumalambot ang expression niya at onti-onting sumisimangot ang mga labi niya. “Bakit Alya?” “WaaahhH!!!” Bigla na lang niya akong niyakap. Isinubsob niya ang mukha niya sa dibdib ko. Natuwa naman ako sa ginawa niya kaya niyakap ko na rin siya. “Kawawa naman to ohh.” Tinignan ko ang mga classmates niya. “Wag niyo na kasing pagtripan asawa ko. Yan tuloy na-p-pressure siya sa ginagawa niyo.” After kong sabihin yun ay nagtilian sila. Yung ibang mga lalaki naman any nag-WOAH sa sinabi ko. “Loko ka pinapalala mo lang ehh.” Inuntog niya ang ulo niya sa dibdib ko. “Hindi ko na napigilan ehh.” Hinalikan ko ang noo niya dahilan para mas lalong magtilian ang mga classmates niya at para mas lalong siyang mamula. “LOKO KA LOKI!!!” pumiglas na sa pagkakayakap niya sakin si Alya. “Hala ka Loki. Baka maging kamatis na yang si Alya dahil sa pamumula.” Pang-aasar ni Ceerie. Pinagahahampas niya ang mga classmates niya na nagsisitilian at nang-aasar sa kaniya. Pero hindi sila tumigil sa pangungulit at pang-aalaska sa kanya. Kahit yung mga lalaki niyang classmates ay hindi rin siya tinantanan. “Waaahh!! Tigilan niyo na nga ako!!” magpapaalam na sana ako kaso busing-busy siya sa pamamalo sa mga classmates niya. “LOKI!” napalingon ako sa kanya. “Bakit?” “Aalis ka na?” tumingin siya sa relo niya. “Ay, time na pala.” Bigla siya nagpout. Ang cute-cute talaga niya. “Hahahahah. Ang cute mo, Alya.” “Heh! Ewan ko sayo. Sige na pumunta ka na sa room mo.” Kahit na pinagtutulakan na niya ako. Halata pa rin na namumula siya. “Babye Loki.” Bago ako tuluyang umalis ay hinalikan ko ang noo niya. “Bye asawa ko.”

Hinantay ko lang na matapos ang buong klase bago ko puntahan ang girlfriend ko. Si Taylor naman ay nakabuntot sakin dahil pupuntahan din daw niya si Ceerie. “Oy, Loki nagtatampo ka pa rin ba dahil hindi namin sinabi sa inyo na kami ni Ceerie?” “Shadapp bro!” “HALA! Galit pa rin nga.” “Buti nga hindi kita binugbog ehh. Ayaw kasi ni Alya.” Napabuntong hininga si Taylor. Sa totoo lang hindi naman talaga ako galit ehh. Nakakadismaya lang na hindi nagkukwento tong si Taylor. Bestfriend ko pa man din. Buti na nga lang at kumalma na ako ehh. “Bumawi ka na lang next time.” “Luhh! Ang hirap mo kayang pasiyahin. Loki naman ehh.” “Ang gay mo, Taylor. Niloloko lang kita ehh. No sweat. Makakalimutan ko rin yun.” “Sus. Ikaw makakalimot ehh napakababaw mo kayang magalit. Onting kibot lang nagagalit ka na ehh. Alam na ba yan ni Alya?” “SHADAPP! Hindi na niya kelangang malaman. Hindi naman ako magagalit sa kanya ehh.” “Talaga lang ahh.” Alam kong maikli lang ang pasensya ko at mabilis akong mapikon pero sigurado naman ako na hinding hindi ako maiinis nor magagalit sa girlfriend ko ehh. Siya ang nagpapasaya sakin kaya imposibleng mangyari yon. Pagdating namin sa room nila. Nakita ko si Alya na natutulog sa may upuan niya. Si Ceerie naman ay nags-soundtrip sa tabi niya. “Hoy, cutiepie baka magising yang bestfriend mo dahil sa kaingayan mo.” “Okay lang yan. Sanay na rin naman sa kaingayan ko yan ehh. Malalaman lang natin na gising na siya kapag may notebook na na lumilipad papunta sa direksyon ko.” Hinayaan ko na lang yung dalawa na mag-usap at nilapitan ko na ang natutulog kong prinsesa. Umupo ako sa tabi niya at sinundot ang pisngi niya. “Ummm.” Nakakatuwa siyang panuoring matulog. Hindi ako magsasawang titigan ang mukha niya. Pauulit-ulit kong sinundot ang pisngi niya. Sa sobrang irita niya ay hinampas niya ang ulo ko. “Alya.” “Ummm.” Itinaas niya ang ulo niya para makita ang pinanggagalingan ng boses. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ako at yung kamay niya nanakapatong sa ulo ko. “Rise and shine asawa ko.” Napakunot ang noo niya sa narinig niya kaya mas malakas na hinampas niya ako ng kamay niya. “Istorbo ka sa pagtulog ko.” Magsasalita pa sana ako kaso bigla niyang hinatak ang kwelyo ko papunta sa kaniya at hinalikan ang noo ko. “Sorry sa paghampas ko.” Napangiti ako sa sinabi niya. “Okay lang yun.” Hinawakan ko ang ulo niya. “Oy!!! Kayong dalawa. Tara na. Gising na pala si Alya hindi mo man lang sinasabi samin.” Pasigaw na sinabi ni Cerie na ngayon ay nakatayo na sa may pintuan at kumakaway-kaway samin. “Sensya naman.” Tumayo na ako at si Alya. Kinuha ko ang bag ni Alya at dumiretso na sa may pinto. “Anong ginagawa mo sa bag ko?” “Hindi pa ba halata? Binibitbit ko.” Ginulo ko ang buhok niya. “Alam kong binitbit mo. Hindi ako bulag no?! Ang ibig kong sabihin bakit mo bitbit-bitbit?” nakapamewang na siya sa tabi ko. “Bakit? Trabaho to ng isang mabuting boyfriend ahhh. Hayyy, naku talaga tong asawa ko oh.” Bigla niyang kinuha niya ang bag niya na dala-dala ko. “Hindi mo ako asawa no? Kanina ko pa naririnig sayo yan asawa-asawa na yan. Mag-boyfriend-girlfriend pa lang tayo no?!” napakamot na lang ako sa batok ko. “Oo na po.” Sinubukan kong hawakan ang mga kamay niya pero inilayo niya iyon sa’kin. “Wag. Maraming tao.” Medyo nagtampo ako sa sinabi niya. Pero ayokong magreklamo dahil alam kong nahihiya talaga siya. Napayuko na lang ako at napabuntong hininga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CHANGING HER (ON-GOING and UNDER-REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon