Kabanata 50

1.1M 30K 23.5K

This is the last chapter of Until He Was Gone. Salamat sa pagbabasa. Wait for the Epilogue na lang po. Finished: March 8, 2014

---------------------------------------------------

Kabanata 50

Lies

Umiyak ako nang umiyak habang iniisip na umalis na talaga siya. Wala akong pakealam kung makita iyon ni mommy at daddy. Alam naman nila kung bakit at wala silang magagawa sa nararamdaman ko.

"Klare..." Ani mommy isang araw pumasok siya sa kwarto ko.

Last na ng final exams mamaya ko at malapit ng mag summer. Nakahiga ako sa kama gaya ng madalas kong ginagawa nitong mga nakaraang araw. Nilingon ko si mommy nang tinawag niya ulit ako.

"Tapos na ba ang exams?" Tanong niya.

Umiling ako. "May isa pa po, mamaya." Sabi ko.

Tumango siya. "Saan mo gusto pumunta ngayong summer? Pwede tayong mag bakasyon. How about your cousins? May pinaplano ba sina Erin?"

Umiling ako. "Wala pa naman po."

Simula nang umalis si Elijah, hindi na kami gaanong lumalabas. Naisip kong bago pa umalis si Elijah ay hindi na naman talaga kami lumalabas dahil sa nalaman nila tungkol sa akin, pero iba na itong ngayon. At least ang mga boys, lumalabas para mag party, kaming mga girls ay mas naging busy sa pag aaral. Ni hindi na ulit sila nakatungtog sa bahay simula nong nag usap ang buong pamilya.

"Gusto mong magbakasyon sa Bohol? We've been to Bora pero hindi pa tayo nakapuntang Bohol. Pwede nating isama sina Erin at Claudette... all of them." Aniya.

Tumango ako at tumayo para mag ayos na. Ginagawa ni mommy ang lahat para maibalik sa dati. Gustuhin ko mang maibalik sa dati ang lahat pero di ko na magawa.

Nagmadali ako sa pagbibihis para makaalis na sa bahay. Pag dating ko naman sa school ay diretso ang pagsisimula ng exams. Mahirap pero iginugol ko naman ang mga araw ko sa pag aaral kaya may naisasagot ako.

Si Elijah ay nasa New York na. Hindi ko alam kung kailan ang balik niya dahil hindi naman iyon binanggit ni Tita Beatrice nang tumawag siya dalawang araw pagkatapos nang hinatid namin siya sa airport noong Valentines Day. Ani Tita ay doon daw muna titira si Elijah sa kay kuya Justin para makapag aral. At dahil mag aaral siya, napagtanto kong matagal pa ang balik niya. That's an advantage, though. Para talagang makalimutan na namin ang isa't-isa.

"Sorry, Klare, for this. Alam kong nasasaktan ka kasi tumawag pa ako ngayon." Aniya nang tinawagan ako.

"It's okay, Tita. Gusto ko lang rin namang malaman kung naging maayos ba siya diyan."

"He's doing fine. I hope you are doing good, too."

"I'm doing great, tita. Thank you po."

Alam kong sinusunod ni Elijah ang payo ko para sa aming dalawa, ang kalimutan ang isa't isa. Masakit pero alam kong darating ang panahon na makakalimutan ko na masakit pala ito. Dadating ang panahon na tuwing inaalala ko ito ay mandidiri na lang ako at tatawa na lang sa mga pagkakamaling nagawa, at alam kong ganon din ang mangyayari sa kanya.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!