Chapter 58: Messing With Your Mind

 

Third Person’s POV

 

“Fight me and show me your power”

Van smirked and felt the excitement build up inside him. It will be a great honor to fight with the most powerful member of the Archer Clan. Hindi niya pwedeng basta-basta maliitin ang kapangyarihan ni Gregory Archer dahil ayon sa mga naririnig niya, sobrang lakas nito. Kaya nitong ungkatin lahat ng mga bagay sa loob ng isipan mo. Kaya ka niyang gawing baliw, kaya ka niyang bigyan ng hallucinations at kaya niyang putulin lahat ng ugat sa ulo mo...

“Sino ba ako para tanggihan ka?” nakangising sagot niya kay Gregory. Sakto namang lumabas ang kambal na sina Jick at Jack na nakaporma niya. Ibinaling naman ni Van ang tingin niya sa dalawa na kung makaporma eh parang mga model... “At saan nam kayo pupunta?”

“Magshoshopping!” sabay na sabi ng dalawa at napailing na lamang si Van... “Sasama ka ba?” tanong naman ni Jick...

“I found Gregory Archer” sabi niya sa dalawa at imbis na gulat ang makuha niyang reaksyon mula dito ay napatawa na lang ang kambal na ipinagtaka naman ni Van... “I’m serious, you dorks!”

“Akalain mong maalam ka palang magjoke? Paanong agad-agad na mahahanap mo si Gregory Archer eh kasasabi lang nila na nasa France pa lang ito at papunta dito?” natatawang sabi ni Jack...

“Gutom lang ‘yan Van. Kain muna tayong ramen” hinawakan ng kambal ang magkabilang braso ni Van at hinila na palayo na hindi man lang napansin ang presensya ni Gregory na tahimik lamang na nanonood sa kanila. Hindi din naman lubos maisip ni Gregory na matatagpuan niya si Van dito. Hindi rin niya alam na hinahanap pala siya nito. Wala kasi talaga siyang pakealam sa mga nangyayari sa angkan niya. Ang gusto lang niya ay malibot ang buong mundo at magpakasaya para kapag nagsawa na siya, siya na mismo ang kikitil sa sarili niyang buhay. Ayaw niya kasing mabuhay habangbuhay kaya ngayon pa lang inaaksaya na niya ang oras niya sa mga bagay na alam niyang ikasasaya niya...

Bumitaw naman si Van sa pagkakahawak ng dalawa at binigyan sila ng tig-isang malakas na batok sanhi ng pag-aray nila...

“BAKIT MO KAMI BINATUKAN?!” reklamo ng dalawa habang hinihimas ang parte ng ulo nilang binatukan ni Van...

“That guy over there is Gregory Archer! Umayos nga kayong dalawa! Gusto niyo bang mapatapon ng maaga pabalik ng Pilipinas?!” sumimangot lamang ang kambal sa kanya at tiningnan ang itinuturo ni Van. Nang matitigan nilang matagal ang lalake ay nanlaki ang kanilang mata at agad na tumakbo papalapit dito...

“Ikaw nga si Gregory Archer!” sigaw ni Jick at tiningnan si Gregory mula ulo hanggang paa... “Wow. Hindi ko aakalaing ganito ka namin kabilis mahahanap”

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!