Kabanata 49

1M 29.4K 25.3K

Kabanata 49

Leave

Everything is well planned. Nang dumating ang Valentines Day ay walang naging problema sa mga plano namin ni Claudette at Azi. Kinakabahan ako pero naging kampante rin lalo na nang tumawag sa akin si Ate Yas bago ako umalis ng bahay.

"Klare..." Malumanay niyang tawag sabay buntong hininga. "Thank you so much for this."

"Ate, ayaw ko pong makarinig ng salitang 'Thank You' para dito. I did this not to please anyone."

"I-I know. I'm sorry. I know na mahirap ito sayo."

Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam kung bakit ayaw kong pag usapan ang bagay na ito. I just want to put the phone down and start this day.

"Basta, I'm just happy na ginawa mo ang tamang bagay, ang tamang desisyon. I really like you. May paninindigan at prinsipyo ka. You are a strong lady."

Ayaw ko nang nakakarinig na pinupuri ako dahil sa ginawa kong ito. Tama na iyong sakit na idinudulot nito sa akin para lang magawa ang tamang bagay. Hindi ko na kailangan ng mga papuri at pagkilala sa pinili ko.

"I think... bagay na bagay kayo ni Elijah."

Nalaglag ang panga ko.

Suminghap si Ate Yasmin. "Sayang lang at maling panahon."

Hindi ako kumibo. Anong sasabihin ko sa kanya gayong wala naman talaga akong magagawa para baguhin ang panahon. Hindi ako Diyos at hindi rin kayang pagbigyan ng Diyos ang hiling na iyan. It's so impossible.

"So... Klare, thank you again." Aniya nang napagtantong wala na akong sasabihin. "Happy hearts day! Hope you find someone who can love you the way you loved Elijah. Sa panahong iyon, I'll be really happy for you. And I'm sure Elijah will be, too."

"Thanks, Ate Yas."

Gusto kong sabihin na hindi naman ako naghahanap, na hindi ko naman kailangan, na masyado pa akong maraming dinadamdam para diyan ngunit ayaw ko nang patagalin pa ang pag uusap namin.

Nag ayos ako habang si Claudette ay naghihintay na sa sala. Kahit na may gagawin akong paglabag sa utos ng mga magulang namin ay nakapagtatakang hindi ako kinakabahan. Siguro ay dahil alam kong tama ang ginagawa kong ito.

Sigurado kaming hindi ako papayagan ng pamilya namin na ihatid ko si Elijah sa airport. Magpapanic lang sila at iisipin nilang sasama ako kay Elijah at tumakas na lang. Kaya kinailangan naming magplano kung paanong hindi kami mahahalata. Kumpleto ang nakalahad na plano naming apat ni Claudette, Azi, at Elijah. Mag papaalam kami ni Claudette na lalabas at manonood ng sine ngayong Valentines dahil pareho kaming walang date. Pupunta kaming dalawa sa Centrio Mall at magpapalipas oras hanggang sa tumawag si Azi para sunduin kami kasama si Elijah. Sabay namin siyang ihahatid sa airport. Pagkabalik ay ihahatid ulit kami ni Azi sa Centrio bago siya umuwi sa bahay nila.

"Ready?" Nakangiting tanong ni Claudette sa akin.

Pareho kaming bihis na bihis na para bang may totoong date. Naka black and white dress ako habang siya ay naka pulang dress na may malaking gold necklace. Nakita ko ang pagbaling ni mommy sa amin.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!