Chapter 1

23.5K 496 37
                                    

Clara's POV

"Excuse me po Maam." Nagising ako sa boses ng isang flight attendant.

Sumilip ako sa labas ng bintana. "Maam we are now arriving at the Philippine airlines."

Tiningnan ko ang babae at binigyan ng mapait na ngiti. "Thank you." Sabi ko.

Yumuko siya at umalis na sa harapan ko. Kinuha ko ang maleta at shoulder bag ko, may mga umalalay sa aking mga lalaki. "Maam your car is waiting." Ani ng lalaking personal assistant ko.

Hindi ako sumagot at sumunod lang sa kanya. Isinuot ko ang shades ko.

Huminga ako ng malalim bago lumabas ng airport.

'It's good to be back here in the Philippines. Wala pa ring pinagbago. Masikip pa rin, maingay, madumi at higit sa lahat magulo.'

Ipinangako ko dati sa sarili ko na hinding-hindi na ako babalik sa lugar na ito. Sa lugar kung saan pinahirapan, sinaktan at pinatay ako, hindi lang emosyonal, pati pisikal.

Pero mukhang pinaglalaruan ata ako ng tadhana dahil pinabalik ako dito ng aking ina-inahan. Kailangan ko raw makausap ang may-ari ng inuupahan naming building dito sa pilipinas upang mabili na namin ito at hindi na kami mahirapang magpalipat-lipat ng lugar para sa aming negosyo.

Mamahaling mga bag at accessories ang negosyo namin. Maraming artista dito sa bansa at sa hollywood ang bumibili dito.

Hindi lang dito sa pilipinas sikat ang negosyo namin ng aking ina-inahan, kundi sa ibat-ibang sulok ng mundo.

Hindi ko lang alam kung bakit dito lang sa pilipinas nagkaroon ng problema, sa bansang ayaw ko ng balikan, sa bansang kinasusuklaman ko.

Pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan ng P.A. ko.

Habang nasa sasakyan, hindi ko maiwasang mapatingin sa bintana. Nadaanan namin ang Sebastian Group of Company.

Tuwing nakakarinig o nakakakita ako ng Sebastian na pangalan ay kumukulo sa galit ang aking kalooban.

Hindi ko nalang ito pinansin at pilit na pinakalma ang aking sarili.

Nakarating ako sa condo na aking tutuluyan. Masyado itong malaki para sa akin pero wala akong pakialam. Mayaman na ako, lahat ng gustuhin kong gawin o bilhin ay makukuha ko na. Hindi na rin nila ako pwedeng tapak tapakan dahil hindi na ako yung Clara Moore na dating mahina.

I'm Clara Moore Serrio 2.0. Lahat ng tao kaya kong paluhurin gamit ang aking kapangyarihan at pera.

* ring ring ring *

Napatingin ako sa aking cellphone nang tumunog ito, tiningnan ko muna ang caller bago sagutin ito.

"Hello Mom."

"How are you baby? Nakarating ka na ba sa hotel na tutuluyan mo?" Tanong ng aking ina-inahan.

"No Mom, hindi na ako nagstay sa hotel, pinakuha ko nalang ng condo ang secretary ko."

"WHAT?! But baby? A-are you okay there?"

"Yes mom. I am. Don't worry malaki naman ang condo ko at kumpleto na sa gamit. It feels like I'm in a hotel na rin."

Night with the C.E.O (PUBLISHED UNDER DREAME APP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon