10.2

2.9K 46 2
                                    

The Promise X (FINAL CHAPTER)

"Nandiyan ba si Elmo?"

"Sino po kayo?"

tantya niya ito  ang secrearty ni Elmo

nginitian niya ito

"Ako si Julie, ako yung asawa ng boss mo, ikaw si Jen right?"

masayang napangiti si jen sa kanya

"Ikaw pala Mrs. Magalona! sa phone lang kasi tayo nagkakausap, pasensya na po kung hindi po kaagad kita nakilala"

"naku, okay lang yun.. di naman ako nagpupunta dito sa company ni Elmo, ngayon lang..teka, nandyan ba siya?"

biglang natigilan si Jenny

"Ah...eh ano kasi Ma'm e..sabi po kasi ni Sir wag daw po siya istorbohin..busy daw po kasi siya.."

"Ganon ba? eh..asawa naman niya ako e.."

"Eh..kasi..ano ma'm.." hindi makatingin si Jen sa kanya

"Bakit? may problema ba Jen?"

"Ayoko po magsinungaling sa inyo, kasi po napakabait nyo po sa akin, pero ang loyalty ko po na kay sir pa rin po..pero kasi... sige ma'm puntahan nyo na lang po siya"

naguguluhang napakunot noo si Julie

"Bakit hindi mo na ako diretsahin Jen?"

"Basta po Ma'm" sabay iwas nito ng tingin sa kanya

nagtatakang pinuntahan niya ang Office ng asawa, hindi na siya kumatok, dire diretso na niya binuksan ang pinto para lang mamangha sa nakita

"Anong ginagawa nyo????!!"  pinaglipat lipat niya ang tingin kila claire at Elmo, nakita niya ang asawa niya nakaupo at bukas ang mga butones nito

"Ikaw na naman??!!"  nayayamot na lumipad ang tingin ni claire sa kanya "at Bakit ba tuwing magkasama kami ni Elmo, Umeepal ka???"

sunod na sunod na paghinga ang ginawa niya para makontrol ang emosyon nya

"Ako lang naman kasi ang asawa ng lalaking nasa tabi mo!!"

nanlaki ang mata ni claire at tumingin sa direksyon ni Moe

"Anong pinagsasabi ng babae na yan Elmo??"

walang reaksyon sa mukha ni Elmo, sinandal lang nito ang likod sa upuan at balewalang nakatunghay kay claire

"Sabihn mo nga sa kanya ang totoo!!" hindi na makatiis  si Julie dala na rin sa pagkapahiyang nararamdaman

balewalang nilipat lang ni Elmo ang tingin sa kanya, nakapinid lang ang labi nito

pain crossed on her eyes

"See? pinagpipilitan mo ang sarili mo kay Elmo! how pity!" nanunuyang sambit ni calire

bumuga siya ng hangin, iisa na lang ang nasa isip niya

"Moe, hindi ako nandito para makipag away dyan sa babaeng yan, i'm here 'cause we need you.."

napakunot noo si Elmo

"What do you mean "WE"?

napalunok siya ng laway, at buong tatag na tinitigan ito sa mata

"Moe..I'm Pregnant"

nakapameywang na sumabat si calire

"oww...?? Are you sure na kay Elmo yan huh???"

naningkit ang mata ni Julie sa pasaring na iyon ni Claire

"Alam mo ikaw? Pinagbigyan na kita kagabi, pero ngayon,  konti na lang ang pasensyang natitira ko sayo! kung ayaw mo ma eskandalo, at malaman ng  pamilya mo na pumatol ka sa taong may asawa, umalis ka na!! at baka ano pang magawa ko sayo!!!

The Promise (JuliElmo FF) fr TumblrTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon