(68) Strategic Plan

Start bij het begin
                                    

Automatic ako nun napaharap sa nakangising si Jed. Aba! At talagang nagawa niya pang magsaya sa pinaggagawa niya. Humanda ka sakin.

Lumapit ako sa kanya atsaka piningot ang kanang tenga niya.

"Sinasabi ko na nga ba. Hindi ka talaga gagawa ng matino sa mga kasamahan natin. Maling sayo ko inutos ang paggising sa kanila. Naku."
"Aray ko Raxelle. Ee ayaw nilang gumising nung tinatapik ko sila ee. Napagod na ako nun. Kaya ayun."
"Kaya ayun ka diyan." Binitawan ko na siya nun atsaka tumalikod sa kanya. "Ewan ko sayo. Pati kami aatakihin sa pinaggagagawa mo." Nakita kong tumango ang mga kasamahan namin bilang pag-sang-ayon sa sinabi ko. Nakaramdam akong bigla ng bagay na pumulupot sa bewang ko. At alam ko na kung sino at ano to. ^___^
"Sorry na po. Huwag ka ng magalit sa akin." Parang maamong tupang sabi ni Jed.
"Hoy Jed...sa amin ka mag-sorry. Grabe kaya yung ginawa mo sa amin." Pagmamaktol ni Renz habang nakacross-arm.
"Oo nga. Ako talaga yung aatakihin sa puso nung makita kong lumiliyab yung buhok ko."- August
"Ayoko. Bahala kayo." Atsaka isinubsob ni Jed ang mukha niya sa balikat ko habang nakaback-hug pa rin sa akin.
"Tamo tong isang to. Magaling lang pagdating kay Raxelle. Naku...makakatikim na talaga to sa akin."- Renz
"Anong sabi mo?"- Jed
"W-Wala. Sabi ko tawagin nyo na lang kami kapag tapos na kayo diyan. Dun na nga lang tayo Warriors. Hayaan na natin sila." Hahahaha tamo tong si Renz. Akala mo kung sinong matapang, duwag din pala. Hahaha

---

Kidding aside. Heto at nasa dining na kaming lahat kasama sila Yaya. It's now time para malaman nila ang sinadya namin ni Jed.

"Aware naman kayong lahat na bumalik kami ni Jed sa Enchanted para humingi ng tulong about sa nangyari dito sa kweba. But apparently, hindi namin nagawa yun."
"Bakit Raxelle? Anong meron?"- Ro
"The Enchanted was attacked by the Black Army at ngayon, kung makikita nyo ang itsura ng Enchanted, sinasabi ko na sa inyo...hindi nyo magugustuhan."
"ANO?" As I was expecting. Ganto ang magiging reaksyon nila.
"Kamusta sina Ma'am? Ang Elders at Officials?"- Mackie
"May casualties ba? Anong nangyari sa mga holder?"- Maddison
"Kamusta na sila?"- Casie
"Guys Relax. Maayos silang lahat. No more casualties. Nagamot na ni Raxelle ang mga nasugatan. Sa ngayon, nasa Arena silang lahat. Safe naman ang Arena kaya huwag na kayong mag-alala."- Jed
"Kailangan na nating bumalik sa Enchanted. Kailangan natin silang tulungan."- Renz
"Don't worry Renz. Yun talaga ang gagawin natin. Look...sa inyo pong lahat. Babalik po ang Warriors sa Enchanted para sumabak sa isang digmaan. Huwag po kayong mag-alala dahil safe po kayong lahat dito sa kweba. Limitahan nyo na lang po ang paglabas ng kweba para mas masiguro ang kaligtasan nyo. Baka po kasi may Black Army na nagpapagala-gala sa labas. Kooperasyon nyo lang po ang kailangan namin. At makakaasa po kayo, nasa muling pagbabalik namin dito. Isang magandang balita ang ibibigay namin sa inyo."
"Anak mag-iingat ka." Agad kong binalingan ng tingin si Yaya Felly.
"Huwag po kayong mag-alala Yaya. Mag-iingat po ako."
"Huwag mo sana akong iiwan kagaya ng iyong ama at ina. Ikaw na lang ang natitira sa akin Raxelle."
"Yaya. Hindi ko po yun gagawin sa inyo pero Ya kung may mangyari man, alagaan nyo po ang sarili nyo. Huwag nyo po akong pagkaisipin dahil gagawin ko po ang dapat para sa kapakanan nyo."
"Anak..." Nagulat ako ng makita ko ang  pagpatak ng mga luha sa mata ni Yaya. Ayokong makita na nagkakaganito si Yaya. Nasasaktan din ako kapag nakikita ko siyang umiiyak.
"Ya...huwag na po kayong umiyak. Nasasaktan po kasi ako." B-bakit ganun? Ang sakit. Gusto kong mangako kay Yaya na babalik ako dito sa kweba para mapagaan ang loob niya at para hindi na siya mag-alala pero hindi ko magawa. Hindi ko hawak ang kapalaran ko at ang maaaring mangyari sa buhay ko. Nasasaktan din ako kapag naiisip ko na maiiwan ko si Yaya kung may mangyayari man sa akin. Tama siya. Ako na lang ang natitira sa kanya pero gusto ko siyang protektahan at magagawa ko lang yun kung lalaban ako hanggang sa huli. Napayuko ako dahil pakiramdam ko, may malamig na bagay na rin ang tutulo mula sa mata ko. Yaya...

Rise of the WarriorsWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu