Chapter 44 : Rebelasyon (Part One)

1.3K 22 0
                                    

DeeJhay's Pov

It's Monday, Ngayon na ang pasok ng babe ko. Im so excited. Korni right? Talagang nakakabakla ang pagmamahal 😂😂

"Oyy? Nginingiti ngiti mo dyan parang kang baliw."Alex

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"May atraso ka pa sa akin ha! Akala mo nakalimutan ko na."Duro ko sa kanya.

Flashback.

Naglilinis si Alex ng biglang may nagdoorbell.

"Sinong namang tanga ang bibisita ng ganitong oras ha? Alex."Tanong ko

Pero hindi siya sumagot. Nagpunta siya sa kusina at paglabas ay may dala na siyang isang bote ng Alak. Tiningnan ko siya ng may pagtataka.

Tiningnan niya lang ako sa inilagay sa lamesa ang alak at nagtungo sa may pinto para pagbuksan ang sino mang gago ang kumatok sa ganitong oras?

Tatayo na sana ako ng masilip ko kung sino ang kumatok. Kaya ko nakita ay malaki na ang pagkakabukas ng pinto ko, kaya kita ko kung sino man yun.

"Dre, Si Nikka nga pala."Pagpapakilala sa akin ni Alex

Ngumisi ako kay Alex.

"Alam ba ito ni. Kilala mo na?"Pananakot ko

Agad namang nanlaki ang mata niya at saka umiling.

"I see, Hi Nikka. Tulungan mo si Alex maglinis ng kinalat niya ha!"Ako sabay ngisi kay Alex saka tumayo at dumiretso sa kwarto ko.

Ibablackmail kita.

End of Flashback.

"Hoy! Wala namang ganyanan Dre. Magkaibigan tayo diba?"Alex

Ngumisi ako sa kanya.

"Kaibigan?"Patanong kong saad at tumango naman siya. "Alam mo bang nabasag yung vase ng dahil sa make out session niyo ha! At wala akong idea kung ano ang idadahilan ko kay Mom."Saad ko

Agad siyang napatungo at gusto ko ng matawa kaso pinipigilan ko. Gusto ko lang naman siyang asarin.

"Hahahahaha."Hindi ko na talaga napigilan.

Agad naman siyang nag angat ng tingin at saka ako sinamaan ng tingin.

"Pinakaba mo ako ahh."Alex

"Hindi kita kayang ilaglag, Alam mo Yun?"Saad ko

Si Alex ay isang nutorious playboy sa aming apat, lagi ko siyang pinagtatakpan sa kagaguhan niya.

"Oyy? Wala namang klase tambay tayo dun sa bakanteng room. Sa may malapit sa Dean Office."Yaya ni Elmo

Nagsitanguan naman kami at saka naglakad palabas ng HQ.

Kathy's Pov

Napakaganda ng umaga ko, Bago kasi ako matulog ay nagskype pa kami ni DeeJhay kaya ganito na lang ako kasaya ngayon.

Bumangon ako at naligo na. Pagkatapos kong maligo nagbihis lang ako ng white v-neck shirt at saka ripped jeans na pinarisan ko ng vans shoes.

Pagkatapos kong mag-ayos. Bumaba na ako. Pagbaba ko nadatnan ko na silang kumakain.

Umupo ako sa tabi ni Ethan at saka siya nginitian.

"Ganda ng gising natin ahh."Biro ni Ethan kaya agad namang napatingin sila Kira sa akin.

"Bakit nga ba?"Mapang asar na saad ni Aria

Nginitian ko lang sila at nag-umpisa na kumain.

Nung mga nakaraang naging lutang ako, Hindi ko lang maalis sa isip ko ang ngiti niya. Isang ngiting kahit ako ay kinilabutan. Pero napawi lahat ng yun ng magskype kami ni DeeJhay kaya nga ang ganda ng gising ko.

Nang matapos akong kumain ay nagpaalam na ako sa kanila.

Pagdating ko sa school ay as usual sinasalubong ako ng mga estudyante. Dahil na sa mood ako nginingitian ko sila o di kaya'y tinatanguan.

"Saya ahh."Bigla na lamang niyang pagsulpot

"Tch, Bakit ngayon ka lang nagpakita?"Tanong ko

Nagkibit balikat lang siya saka nagsalita.

"Pumapasok ako pero hindi mo ako napapansin."Saad niya

"Tch, Paano kita mapapansin ko yung department mo ang layo layo sa department ko? Gago."Saad ko

"Pero alam mo ang laki ng pinagbago mo simula ng pumasok ka sa paaralang ito."Saad niya

Nginitian ko lamang siya at natahimik na tinahak ang daang matuwid. Charot. Tahimik na tinahak ang daan papunta sa department ko.

Aakyat na sana ako ng mapansin kong nakasunod pa rin siya.

"Hoy? Dun ang tourism department."Turo ko dun sa hindi naman kalayuang building.

"Alam ko, I want to know na safe ka lang. Na walang mananakit sayo."Inigo halata mong seryoso siya.

"Thanks, but safe na safe ako."Ako saka ngumiti pero bago pa ako tumalikod nakita ko kung paano nagbago ang expression niya.

"Mauna na ako."Saad niya at saka naglakad palayo.

Ang weird lang ahh.

Di bale, umakyat na lang ako at pagdating ko sa room nadatnan ko na sila Janella.

"Ohh! Long time no see."Nakangiti kong saad saka umupo sa upuan ko

"Saya ahh."Janella

Ngumiti lang ako sa kanya at kinuha ang bag niya. Bigla naman siyang nagtaka.

"An---"Naputol ang sasabihin niya ng ilabas ko ang sketch pad niya at lapis.

Walang iimik imik kong binalik sa kanya ang bag niya.

Nginitian ko muna sila saka ako nagdrawing. Rinig ko namang ako yung pinag-uusapan nila pero hindi ko na lang sila pinansin.

"Ang weird mo ha!"Janella

"Oo nga, Ngingiti ngiti ka dyan tas bigla kang magdadrawing. Anyare?"Chie

"Grabe ha! Ano walang imik?"Julia

Hindi ko na lang sila pinansin. Lampake kung magpapaos boses nila kakadada.

Ilang minuto na ang lumipas pero walang balak magsitigil sila sa kakadada. Nang matapos ko ang dinodrawing ko saka ko binalik kay Janella ang Sketch pad at Lapis at saka tumayo.

Aalis na sana ako ng pigilan nila ako.

"Wait, Saan ka pupunta ee ilang minutes na lang dadating na prof natin?"Tanong ni Janella

"Wala pa naman ee, Baka nga walang balak pumunta dito ee. Kita mo naman diba kanina pa tayo dito pero wala sila."Saad ko

Pinagmasdan naman ni Julia yung drawing ko.

"Gown ito ahh?"Julia

Nagcross arms ako saka tumango.

"Para saan ito?"Tanong ni Janella habang pinagmamasdan ng maigi ang drawing ko

"Sa kasal niyo ni Elmo, gusto kong makita na yang nasa drawing na yan ang magiging design ng wedding gown mo."Saad ko, at halata namang nagulat sila. "Saka tatlo yan, Gusto ko lang magdrawing ng gown na babagay naman sa inyo."Saad ko

Pero ba pa sila makapagreact lumabas na ako ng room.

Habang naglalakad ako pababa ay biglang may tumawag sa akin.

"Ms.Fernandez Right?"

At agad akong napalingon. Tch, Ang prof ng lahat na utusera.

"Opo, Bakit po?"Magalang kong saad at saka tiningnan ang box na dala dala nito.

At sigurado pa ako sa sigurado ipapadala niya sa akin ito.

"If dont mind, Pakidala naman nito kay Dean."Prof utusera

Sabi na nga ba ee. Nagsisisi akong nakalabas pa ng room.

Kinuha ko ito at saka nag umpisa na ulit maglakad pababa.

May pa if you dont mind, if you dont mind pang nalalaman ipapadala lang naman pala ito sa Dean. Tch.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

The DARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon