Dalawampu't anim: Euphie's Awakening

1.1K 31 0
                                    

Euphie's Awakening

Malakas na kulog at kidlat ang ngayon ay nagaganap sa kapaligiran.

Nagising si Euphie. Nakakaramdam siya ng takot dahil sa lakas ng kulog at kidlat.

"Ganito ba talaga kalakas ang kulog at kidlat dito?" tanong ni Euphie. Isiniksik ni Euphie ang kanyang sarili kay Lawson.

Napangiti si Lawson.

"Natatakot ka ba o gusto mo lang ako yakapin?" tanong ni Lawson sa kanya.

"Ang kapal mo naman-- ay hala!" tinakpan ni Euphie ang kanyang tainga nang muli nanamang kumulog at kumidlat.

Napahawak si Euphie lalo sa  kanyang tainga ng may kakaiba siyang ingay na naririnig. Kinabahan siya dahil ganito ang nangyayari tuwing makakabalik na siya sa mundo niya.

Yumakap siya kay Lawson. Ayaw na niyang bumalik pa. Gusto niyang manatili sa tabi ni Lawson, hindi niya alam kung kailan siya makakabalik uli dito kung sakaling makabalik siya ngayon sa kanilang mundo.

Mas lalong tumindi ang naririnig na ingay ni Euphie. Napasigaw siya kaya naman nag a-alalang tumingin sa kanya si Lawson.

"Euphrasia?" tanong niya.

"L-lawson... ang sakit ng tainga ko pati ng tiyan ko," sambit ko.

Lumiwanag ang buong kapaligiran, mas naging matindi ang nararamdamang sakit ni Euphie.

The sky darken. Euphie shouted because of pain. Lawson can't do anything. He did hugged Euphie tight.

Ibinukas ni Euphie ang kanyang mata. Lawson was shocked on what is he seeing right now.

Ang mga mata ni Euphie ay nag-bago ang kulay, ang kanyang buhok ay nag-iba rin. Ang kanyang tainga ay humaba katulad ng isang duwende. Isang malakas rin na enerhiya ang naramdaman ni Lawson mula sa kanya. Ang kanyang mga mata ay nagliliyab.

She is a Druids.

Druids were primal spellcasters of considerable power and versatility, who gained their power through being at one with nature or through a connection to a powerful deity or nature spirit.

Alam ni Lawson na possibleng maging isang Druids si Euphie lalo't isa siyang Hera ng Osse pero hindi niya akalaing makakakita siya ng pag papalit anyo ng isang druids.

Euphie is still beautiful in his eyes.

"Kailangan niyo ng umalis sa lugar na ito, kailangan niyong maligtas ang nasa sinapupunan mo, Euphrasia. Mag-tago kayo at lumayo hanggang sa lumaki ang batang nasa sinapupunan mo ang siyang magpa-pa bago sa mundong hinahanapan niyo ng kasagutan. Ang propesiya ay mag u-umpisa na,"

Nawala ang babaeng nababalutan ng liwanag na nag-pakita kay Lawson at Euphie.

"Euphrasia, tara na." ani ni Lawson.

Tulala pa rin si Euphie. Ramdam niya ang sakit ng buong katawan niya. Hindi rin siya makatayo ng ma-ayos kaya naman binuhat siya ni Lawson.

Kumapit si Euphie sa kanyang leeg. Sumakay ng kabayo si Lawson at mabilis na pinatakbo iyon.

Naramdaman ni Lawson ang daming paparating sa gawi nila, nag-iba siya ng daan at saglit na sinilip kung kaninong mga kawal ang paparating-- Anchrome.

"S-sino ang babaeng nag pakita kanian?" tanong ni Euphie. Tumingin sa kanya si Lawson at ngumiti.

"Huwag mo ng isipin 'yon," sagot ni Lawson at muling pinatakbo ang kabayo.

Nag tungo si Lawson sa Alaghon. Iyon ang unang lugar na naisip niyang puntahan sa ngayon. Alam niyang hindi rin magiging ligtas ang lugar na iyon ngunit pansalamantalang ligtas sila doon.

GENASIWhere stories live. Discover now