Kabanata 48

1M 30K 27.8K

Kabanata 48

Best Shot

He was true to his words. Iniwasan niya ako. Ni hindi ko nakita ni anino niya sa loob ng isang linggo sa school. At wala ring bumabanggit ng kanyang pangalan sa mga pinsan ko. Bantay sarado na rin ako. Malabong may mga panahon na mag isa ako. I guess, ito ang naging kasunduan ng mga tito at tita ko. Dahil hindi naman mababantayan si Elijah ay ako ang binabantayan.

"You done with the homeworks, Klare?" Tanong ni Erin sa akin.

"Oo. Pero di ako sigurado dito."

Lumunok ako nang narealize na madalas nga pala akong umaasa kay Elijah pagdating sa mga homeworks.

Nilingon ko si Erin at nakitang seryoso siya sa pagbabasa ng kanyang term paper. Even our relationship got bruised. Hindi na ito tulad nang dati. May pader na sa gitna naming dalawa.

Sa loob ng tatlong linggo ay namuhay ako ng mapayapa. Kung matatawag nga ba itong mapayapa...

"Bukas si Damon ang susundo sayo." Ani Rafael sabay patakbo ng kanyang sasakyan.

Napa buntong hininga ako at tumingala na lang sa aming building. Naha-hassle ko na ang mga pinsan ko dahil sa takot ng mga magulang namin na patago kaming magkita ni Elijah. Dapat ay hindi na lang nila ito ginawa. Elijah was serious when he said that... Hindi na talaga siya nagpakita sa akin.

Ni wala na ring night out na nagaganap. O hindi ko alam pero baka meron ngunit hindi lang ako naiimbitahan. Lumunok ako at tinangnan ang cellphone kong may panibagong sim card. Walang number ni Elijah dito. Nag deactivate na rin siya sa Facebook kaya hinding hindi ko siya mahahagilap. Naisipan ko tuloy kung mag deactivate na lang din ako.

Habang tinitingnan ang aking News Feed ay napatunayan kong tama ang hinala ko. Nang nag upload ang Club Tilt sa kanilang page ng mga pictures na kinuha noong nakaraang gabi ay nakita ko ang iilan sa mga pinsan ko sa dancefloor. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita si Elijah na tumatawa habang hinahawakan sa baywang ang isang babaeng naka killer heels at naka black dress.

Mabilis kong sinarado ang browser. May kung anong dumaloy sa lalamunan ko patungo sa likod ko. One day, I'll get used to this.

Masyado na akong mahina para umiyak. Itinulog ko na lang lahat. Ganon nga, Klare. Maybe I should really just deactivate all my accounts.

Hindi maiiwasan ang sakit ngunit papanindigan ko ang desisyon ko dahil para ito sa ikabubuti naming dalawa. Kung sakaling sa pag liliwaliw niya ay makahanap siya ng babaeng magmamahal sa kanya ng tunay at higit pa sa akin ay magiging masaya rin ako. Ideal, yes. Magiging masaya ako kahit na mamamatay ako sa sakit.

Ngunit napagtanto ko ring ang mga alon ng sakit na naramdaman niya ay tumatama na sa ibang tao.

Isang araw ay nakita ko na lang na namamaga ang mga mata ni Hannah sa harap ko. Tulala siya at walang sinasabi. Nakatingin si Julia at Liza sa kanya ngunit parehong seryoso si Erin at Claudette sa aming mga homework. Nag angat ng tingin si Claudette sa akin kaya nag taas ako ng kilay. Minsan, sa sobrang observant ng kanyang mga mata ay hindi ko na alam kung tumutunganga lang ba siya sa akin o may pinaparating siya sa pamamagitan ng pag titig.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!