** Annyeong! Chapter 03 na! Sana mas dumami ung magbabasa. :D

Si Nathaniel po ung nasa side.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------->

Nathaniel's POV:

Hello! Kilala niyo na ba ako? Siguro naman noh? Pero magpapakilala pa din ako. :)

I'm Nathaniel Lucas Santos. And as we all know, ako yung ex ni Alea. 5years ahead ako sa kanya. Pero hindi naging hadlang yun para mahalin namin yung isa't isa. We were so in love that time. Nung kami pa. Hindi ko naman sinasadya kung anu man ung nagawa ko sa kanya noon. Kaya nga nagsisisi na ko. Tinanggap ko ung pakikipagbreak niya dahil alam kong kasalanan ko. Pero, narealize ko na mahal ko talaga siya. Binabalak ko siyang balikan pero hindi ko alam kung paano. Ayaw niya makipag-usap sakin. One time, I tried to call her. Pero hindi niya sinasagot. Dinaan ko na lang muna sa inom. Nagkayayaan din kasi ung barkada.

"Pare, ok na ba kayo ng ex mo?" - Jeremy, kaibigan ko.

"Hindi pa pre eh. Ayaw nga sagutin ung mga tawag at texts ko." - ako

"Bakit kasi hindi ka magpakita?" - Alen, isa din sa mga kabarkada ko.

May plano naman ako magpakita eh. Pero hindi pa ngayon. Kailan ko muna ng sign. Kailangan sagutin niya muna ung phone niya bago ako magpakita.

"Sige pre, una na ko sa inyo. May gagawin pa ko." tinapik ko sila sa balik bago ako tuluyang umalis.

"Sige! Ingat pre! Goodluck na din!" - Alen.

Pagkauwi ko sa bahay. Dumiretso agad ako sa kwarto ko at nag-isip isip. Bukas, tatawagan ko ulit si Alea. Hindi ako titigil hanggat di niya sinasagot ung tawag ko.

The next day, tinawagan ko ulit siya kahit alam kong nasa school siya. Pero wala. Inoff niya ung phone niya. Pero hindi ako tumigil. Tinry ko padin siyang tawagan kasi baka sakaling sagutin niya. Alam ko namang hindi siya nakakatagal na naka-off ung phone niya. Lalo na pag wala sa bahay. And finally, na-contact ko ulit siya, and to my surprise, sinagot niya pa!

"H-Hello?" Bakit nauutal siya?

"Alea.." Ako lang ang tumatawag na Alea sa kanya kaya alam kong kahit hindi na naka-save ang phone number ko, malalaman pa din niya na ako ung tumatawag.

"N-Nathan.."  Alam kong mahal pa din niya ko. Namiss ko yung boses niya..

"Alea.. Baby, please? Mag-usap tayo? Ayusin natin to." Kailangan ko siyang mapapayag na kausapin ako para ayusin to. Kahit ilang beses ako magmakaawa gagawin ko.

"Nathaniel. Ilang beses ko bang sasabihin na tigilan mo na ko? Tahimik na ung buhay ko Nathan. Sinabi ko na naka-move on na ko sayo! Kaya pwede ba? Tama na?" Hindi. Alam kong mahal pa din niya ko. Hindi totoo yung sinasabi niya.

"Baby please?" Hindi ako dapat sumuko. Kailangan ko siyang makausap ulit.

Magsasalita na dapat ako kaso bigla niyang inend yung call. I was trying to call her again pero naka-off na yung phone niya. Hindi pa din ako tumigil para ma-contact siya. Ng bigla akong may naalala..

Nangyari yung hinihingi kong sign! Sinagot na Alea ung tawag ko! Ibig sabihin, kailangan ko ng magpakita sa kanya. And this time, sisiguraduhin kong kakausapin na niya ako ulit. The next day, hinintay ko siya sa labas ng school nila. Alam ko na 4pm ang labas niya dahil sa first section siya. Pero nakarating ako doon ng 3:30 para makasigurado.

Past 5pm ng makita ko siya sa labas ng school nila. Naglalakad na siya at naglakas loob na ko para tawagin siya..

"ALEA!"

Napahinto siya. Ang tagal niya bago lumingon kaya ako na mismo ang lumapit sa kanya.

"N-Nathan.." Halata sa kanya na gulat na gulat siya. Halos walong buwan niya kong hindi nakita tapos bigla bigla niya kong makikita sa harap niya. Pero kailangan. Hindi ko na hahayaang mawala ulit siya sakin.

"Baby mag-usap tayo please?" - ako

"W-wag mo na kong tawaging b-baby.. Hindi na tayo." - Alea

"Please? Pumayag ka lang na kausapin ako. Pakinggan mo lang ako. PLEASE ALEA. PLEASE?!"

"Nathan pwede ba? Madami pa kong gagawin ngayon. Wala akong oras para makipag-usap sayo." Hindi. Hindi pwede. Kailangan ko na siyang makausap. Miss na miss ko na siya.

"Saglit lang please Alea?" Naglakad na siya kaya hinawakan ko siya sa braso na naging dahilan para huminto siya.

"Nathan ano ba?!?! Sinabi kong madami akong gagawin di ba? Pwede ba tigilan mo muna ko. Sinabi ko ng ayoko makipag-usap sayo di ba?!?!" - Alea

"Saglit lang Al.." Hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng biglang may nagsalita.

"Pare anong problema dito? Hayaan mo na muna siya kung ayaw ka niyang kausapin." Hindi ko kilala to pero bakit ba nakikialam to sa usapan ng may usapan? Tinignan ko si Alea at mukang gulat na gulat siya nung makita niya ung lalaki.

"Sino ka ba? Pare kailangan namin mag-usap ng GIRLFRIEND ko! Hayaan mo na lang muna kami." Halatang nagulat siya nung sinabi kong girlfriend ko si Alea.

"Totoo ba un?" Kinakausap niya si Alea. Tumingin ako kay Alea na nakayuko lang at nakita kong umiling siya.

"Pare, hindi mo naman pala girlfriend eh. Wag mo ng guluhin. Hayaan mo muna siya. Tara na, ihahatid na kita." Sino ba yun? Magkakilala ba sila ni Alea?! Kaano-ano ba siya ni Alea?

Wala na kong nagawa dahil nakalayo na sila.

"Alea!! Bukas, hihintayin kita. Kausapin mo ko."

Mukang hindi na nrinig ni Alea dahil sumakay na sila. Nakita kong hawak hawak nung lalaking yun ang kamay ni Alea pero hindi umaangal si Alea. Sino ba talaga siya? Ano ba siya sa buhay ni Alea?!

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N:

Wooops! Tapos na! Yehey! Biglaan lang tong chapter na 'to. Bigla ko lang kasi naisip eh. Basahin niyo po ha? :)

VOTE. LIKE. COMMENT. BE A FAN.

- PrincessGlimmer

Meet My Fake Boyfriend. (HIATUS)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!