Leave

269 6 0
                                    

**Realyn POV**

Natapos nakami sa pagluluto ng makakain iniintay nalang namin si Michael Zeref at Adrian para makakain na.Pero 30minutes na ang nakakalipas mula nung tanungin namin si Edward kung nasan yung tatlo.

"Re-realyn.

Agad naman akong lumingon sa aking likuran nung may marinig akong tumawag sakin.

Oh Kardeline ikaw pala.Bakit moko tinawag?agad kong tanong.

"Ano Realyn pwede ba ako magtanong?pagaalalang tanong sakin ni Kardeline.

Sure ano ba tatanong mo?.saad ko.

"Tatanong kolang sana kung nakabalik na yung tatlo.hindi mapakaling tanong ni Kardeline.

Hindi panga eh 30 minutes na wala pa sila.Hintay hintay lang tayo ng konti baka pabalik na yung mga iyon.saad ko.

"Sige dito nalang ako magaantay kasama mo.nalulungkot na wika ni Kardeline.

nasan ba kasi yung tatlo nayon kahit ako hindi mapakali alam naman nilang delikado yung sitwasyon namin nakuha panila maggala.

Kardeline kung gusto mo tulu-biglang naputol ang aking sasabihin kay Kardeline ng may marinig akong sumigaw.

"Aaaaaaahhhhhhh.sigaw ng classmate naming si Sera.

"A-ano nangyari sa inyo ano nangyari kay Michael?bigla akong naalarma sa sigaw ni Sera at sa tanong ni Matthew kung ano ang nangyari kay Michael.

Dali dali kaming napatakbo ni Kardeline sa aming mga kasama ng marinig namin na nandiyaan na pala sila Zeref.

"Ma-ma-Michael.sigaw ni Kardeline.A-ano nangyari sayo bakit puro dugo ka?tanong ni Kardeline.

Hindi sumasagot si Michael sa tanong ni Kardeline na maslalo naming ikinabahala.

"Michael sumagot ano nangyari sayo.sigaw ni Kardeline habang umiiyak.

"Kardeline tama na wala na si Michael patay na sya.saad ni Adrian.

Nanlambot ang dalawa kong tuhod ng sabihin ni Adrian na patay nasi Michael.

"Hindi pwede to hindi pwedeng mamatay si Michael.saad ni Kardeline.Michael Michael gumising ka ako to si Kardeline.iyak ng iyak si Kardeline habang hawak hawak ang ulunan ni Michael.Patawarin moko hindi ko agad nasabi sayo Michael mahal na mahal kita kung naririnig mo ako pakiusap sumagot ka.

Nakita kong hinawakan ni Zeref ang balikat ni Kardeline at umiling iling.

"Tama na Kardeline hindi na sasagot sayo si Michael tanggapin monalang na wala na sya.wika ni Zeref.

"Hindi ko ito matatanggap hanggat hindi ko nalalaman ang may gawa sa kanya nito.wika ni Kardeline.Sino may gawa sa kanya nito sino.galit na tanong ni Kardeline.

"Si-si Catherine.Utal na sabi ni Zeref.

Hindi ako makapaniwala na magagawa ito ni Catherine kay Michael masyadong tahimik si Catherine para gawin yung gantong bagay.

"Si Catherine?hindi makapaniwalang tanong ni Lalaine.

"Oo sya nga.Nung una man hindi kami makapaniwala na magagawa nya ang gantong bagay.wika ni Zeref.

"Nasan sya?iharap nyo sakin si Catherine.galit na sabi ni Kardeline.

"Wala nadin si Catherine napatay na sya ni Adrian.sagot ni Zeref.

Student 2-B(Killing-Spree)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon