Chapter 70 - Dizziness

Start from the beginning
                                    

"Sage, do you have a spare synthetic blood?" straight to the point kong tanong ko sa kanya. I am so thirsty with blood and I don't know if I can even last a minute without biting his neck.

"Why?" he looked at me with cunning smile. Yung smile na alam ko na may hidden agenda.

"I'm just thirty. Sa pagod siguro."

"Nope. I don't need synthetic blood. I don't have blood thirst​ remember?"


Shit, oo nga pala. Successful nga pala ang ritual na naganap noon sa safe house ni Sir Rusty sa Baguio City.


"Sage, stop the car. Pakihatid na lang yung gamit ko sa bahay," seryoso kong sabi sa kanya. Every second that passed, I can't seem to control my hunger.

"Why would I do that? Para makapang biktima ka ng mga inosente na tao dahil sa uhaw mo?"


I encountered a lot of humans sa airport at sa plane pero wala ako blood thirst dahil uminom na ako ng blood bag bago magtravel. Pero nang makasama ko si Sage, biglang nabuhay ang uhaw ko. And this thirst is killing me.


"No, I won't do that. Kailangan ko lang lumayo sayo. You smell...."

"Smell what? Delicious?" sabay tigil ni Sage ng sasakyan sa hi-way.

"Sage, please. I'm thirsty. I need to go."


Pero kinapitan ni Sage ang kamay ko bago ko matanggal ang seat belt ko.


"Then drink my blood," seryoso niyang sabi habang nakatingin sa akin.

"No, Sage. I'm fine. i just need to be far away from you as much as possible."

"Are you sure?"

"Yes! Just open the damn door Sage!" galit kong sabi habang lumalapit siya unti unti sa akin.


He smiled at me as if nagtagumpay siya sa plano niya at biglang hinubad ang shirt niya. Hiding inside his shirt is a necklace with vial pendant na may laman na blood. I'm sure dugo niya yun dahil my senses are going crazy. Kinuha niya ang vial at dahan dahan binuhos sa katawan niya.


"The door is unlocked. You're free​ to go," nakangiti niyang sabi sabay unlocked ng door. Pero di ko na naririnig si Sage dahil nakafocus na ang utak ko sa dugo na umaagos sa dibdib niya.

"Sage, I hate you."

"Really? I don't believe you, Rei. In fact, I can sense that you feel exactly the opposite." mahinang sabi niya sabay kumuha ng dugo sa chest niya gamit ang index finger niya at dinampi sa labi ko. 


And that alone triggered my uncontrollable thirst. Mabilis akong lumapit kay Sage at ininom ang dugo na umaagos sa kanyang katawan.


If someone will sees us from the outside, it looks as if we are making love in broad daylight. Buti na lang tinted ang sasakyan na dala ni Sage. His blood is sweet and satisfying. But licking every drop of blood on his chest was a wrong move. It made me even more thirsty.


"Sage... I really hate you right now..."

"Hate me all you want. I don't fucking care," sabi niya habang nakangiti sa akin.


Mabilis ko siyang niyakap at binaon ang mga fangs ko sa leeg niya. I savored his blood as if walang bukas. Naramdaman ko na lang na hinahaplos niya ang buhok ko as if saying that it's okay to drink his blood.


I can't get enough. Yan ang madalas sabihan ni Sage noon sa akin at ngayon naiitindihan ko na. Because I can't get enough of him. I think I drank too much of his blood pero di pa din napapawi ang uhaw ko.


"I'm sorry..." mahina kong sabi habang pinupunasan ko ang dugo sa labi ko.


Pero di niya ko sinagot at hinawakan ang magkabila kong mukha. He looked at me with tenderness na para bang mahal niya ko. Ngumiti lang siya at binigay ang tissue box sa akin. Mabilis naman siya nagbihis uli at patuloy na nagdrive.


"Sage ok ka lang ba?" tanong ko kay Sage nang mapansin ko na pumipikit siya habang nagdridrive.

"I feel dizzy... "


Shit! Kasalanan ko!


Alam ko madami ko blood na naconsume. He may be a powerful vampire, but my thirst awhile ago was beyond comprehension. Naghahalo ang hunger at ang emosyon ko na itinago for the last two months.


"Sage, slow down. Stop the car," mahinahon na utos ko sa kanya habang nakahawak sa steering wheel. Mabilis naman sumunod si Sage. Nakapikit na ang mga mata niya nang huminto ang sasakyan.

"Sage..." bulong ko sa kanya. Pero di na siya sumagot dahil bigla na lang bumagsak ang ulo niya sa steering wheel.

"Sage! Wake up!" sigaw ko habang hawak ko ang ulo niya at sinandal sa upuan. Wala ng malay si Sage but he's still breathing. Mabilis kong tinawagan si Sir Rusty para sunduin kami agad.

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Where stories live. Discover now