7W #7

28K 300 50

Seven

Pagkalabas na pagkalabas ni Shannon, lumapit ako sakanya. Namumugto ang mata n'ya. Namumula ang mata n'ya. Shit, I made her cry again. Iniiwasan ko naman na mapaiyak s'ya e, ayaw ko nga ng nakikitang umiiyak s'ya e. Pero bakit hindi ko magawa? Shit.

"Baby," tawag ko sakanya at tuloy-tuloy lang s'ya sa paglakad. Papunta na s'ya sa pinakapintuan.

"Shannon," tawag ko pero di parin s'ya humihinto.

Nagmadali akong sinundan s'ya at hinatak ang kamay n'ya. Napalingon s'ya sa direksyon ko pero sa ibang bagay s'ya tumingin.

"Shannon, I'm sorry. Hindi ko sinasadya, please. Wag ka ng magalit sakin, please." I  non-endlessly begged.

Hindi ko lang talaga kaya pag nagagalit s'ya sa akin. Hindi ko kaya pag hindi n'ya ako pinapansin.

Parang daig ko pa ang binabalatan ng buhay pag dinededma n'ya lang ako e.

Ang sakit sakit lang kasi.

"Shannon, please?" sabi ko at bigla s'yang tumignin sakin at sinamaan n'ya ako ng tingin.

Yung parang mangangatay.

"I'll grant your second wish, patawarin mo lang ako. Please?" bigla s'yang napangiti at kuminang ang mata n'ya

"Talaga?" tanong n'ya, at tumango ako.

"Just please don't be mad at me." napangisi s'ya, parang may binabalak 'tong girlfriend ko a.