Kabanata 47

1M 29K 22.1K

Kabanata 47

I'm Done

Grounded ako. Nagkulong sa kwarto nang walang cellphone hanggang nag New Year. Kinakausap lang ako nina mommy at daddy sa malamig na tono pag kailangan ko nang kumain. Ni walang kamuwang muwang si Charles sa nangyayari.

"Hey, ate, can you text Kuya Elijah to come over? I wanna jog." Ani Charles.

Tinitigan ko lang ang kapatid ko. Hindi ko mahanap ang mga salita na dapat kong gamitin para sabihin sa kanyang hindi pwede. Suminghap si mommy at hinawakan ang likod ni Charles kaya bumaling si Charles sa kaya.

"Kuya Elijah is busy, Charles. Do you want to be with your classmates? Ihahatid kita mamaya kina Toby." Ani mommy.

Pumikit ako. This is the day. Kumalabog agad ang puso ko nang nag sink in ang mangyayari ngayong araw sa akin. Tumayo ako kahit na ko konti lang ang nagalaw ko sa aking pagkain. Tumingala si daddy sa akin.

"Klare, di ka pa tapos kumain." Malamig niyang utas.

"I'm done, dad. Sa kwarto lang ako." Sabi ko.

"Klare, wa'g kang bastos. Charles is here and we are eating." Ani mommy.

Tinikom ko ang bibig ko. Mahal na mahal ko si mommy at daddy pero siguro, sa buhay ng isang tao, aabot ka sa punto na mailap ka sa kanila. Lalo na ngayong malamig silang pareho sa akin dahil sa nangyari sa amin ni Elijah.

Bumalik ako sa pagkakaupo. Gustong gusto kong umangal at dumiretso na lang sa kwarto kaya lang ay ayaw ko nang dagdagan pa ang pinsala ng nangyari.

"Ate? Are you okay?" Tanong ni Charles sabay kunot noo.

Tumango ako at pinilit na ngumisi. "Masakit lang ang tiyan ko, Charles."

Parang piniga ang puso ko. Dadating at dadating ka pala talaga sa punto na ang simpleng tanong ng isang tao ay nakakapag pagaan na ng loob sa'yo. Pakiramdam ko ay kalaban ko na ang lahat, at si Charles na walang ka muwang muwang na lang ang natitira sa akin. Gusto ko siyang yakapin at gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ng problema ko. But I'm sure he'll never understand. Siguro ay ang isasagot niya lang sa akin ay si Elijah.

Hinintay kong matapos si Charles bago ako umalis ng hapag para sa kwarto ko. Ganoon ang eksena parati. Pero sa araw na ito, iba...

Kumalabog ang puso ko nang narinig ang doorbell sa labas. Hindi pa oras. May dalawang oras pa bago pumunta ang mga relatives namin dito ngunit may mga nauna.

"Klare?" Narinig ko ang mahinhing boses ni Claudette habang kumakatok sa pintuan ko.

Pumikit ako sa aking kama. I'm not sure if I want to talk.

"Klare, please open?" Aniya.

Suminghap ako at tumayo galing sa pagkakahiga. Binuksan ko ang pintuan at nakita ko ang malulungkot na mga mata ni Claudette. Ang mahaba niyang buhok ay naka half pony tail at nakasuot siya ng puting dress. Tinalikuran ko agad siya para maupo sa kama.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!