"Althea.. Gising na.." Ano ba yan! Ang aga aga pa eh. Ginigising na ko agad?

"Althea gising na! Kanina pa gising ung kapatid mo. First day na first day niyo ma-lalate na agad kayo?"

Hay. Inaantok pa ko. Anung oras na kasi ako nakatulog kakaisip kung anung mangyayari sa first day eh. Hay.

"ALTHEAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!"

Ay kalabaw! "Opo! Bababa na!"

Si mommy kahit kelan parang wang-wang ung boses! >o<

Gaya nga ng sabi ko, bumaba na ko para mag-breakfast. 9am pa ang pasok ko. 6am kami ginising ni mommy kasi dalawa nga kami ng kapatid ko. And to think na 9am din ang pasok niya. -__-

Then, after magbreakfast, ginawa ko na ung mga dapat kong gawin. Ligo, bihis at nag-ayos ng gamit. Pagtapos ko mag-ayos, nakita kong wala na ung kapatid ko. Siguro sinundo na ng service niya. Yes, may service siya, ako naman, mag-cocommute.

Di pa nga pala ako nakakapagpakilala. :)

Well, I'm Althea Isabelle de Castro. Sa bahay tawag sakin, Althea or Thea, sa school naman, ganun din. Hindi nila ako tinatawag na Isabelle kasi mahaba daw. Saka, masyadong pangbabae eh. >o< I'm a junior student sa isang academy. First day ngayon kaya hindi dapat malate. First section din kasi ako kaya dapat daw ROLE MODEL. >o<

( A/N: Si Althea po ung nasa side)

After 51214125412779985 years, andito na ko sa school. Paakyat na ko sa room ng biglang may nakabangga saking lalaki. I saw his ID at nakita kong Senior student siya. Lalaki.

"Ay. Sorry miss. Sorry. Nagmamadali lang talaga."

"Ok lang. Sana next time kahit nagmamadali ka tignan mo kung may mababangga ka na."

"Sorry talaga ha. Sige miss, mauna na ko."

Wow! Infairness kahit natarayan, mabait pa din. Tinignan ko siya habang paalis siya, mukang nagmamadali nga. Pero napangiti naman ako nung lumingon siya at ngumiti.

Waaaaaaait! NGUMITI?!?!?! As in SMILE?! Sakin ba? Wooow! Ang cute niya magSMILE. :)

(A: Hoy Althea! First day palang! Aba! Akyat na sa room! :P)

Panira ng moment si author! Owell, pagtingin ko sa wrist watch ko, it's already 8:30am. Kaya naman umakyat na ko sa room ko dahil alam kong naghihintay na sakin ung mga friends kong maiingay. :)

Pagdating ko sa room, hindi nga ako nagkakamali. ANG INGAY! To think na first section yan di ba? Haha!

"GOODMORNING!!!!!!!" - Gab.

"Althea tabi tayoooo!!!" - Lilian.

"Hi 'nak! Namiss kita!" - Stella. Wag na kayo magtaka kung bakit nak ang tawag niya. Siya kasi ung nanay-nanayan ko sa school. Syempre, pag may nanay at ATE, mawawalan ba ng..

"ATEEEEEEEEEEE!!!!!!! *O*" - Yanna. Yes. Siya naman ung kapatid ko sa room.

Ipapakilala ko sila sa inyo. :)

Gabriella Naomi Arciaga. Gab for short. Maingay. Magulo. Madaldal. Pero friendly. Madalas siya ung inaasar asar namin. Takot kasi samin yan eh.

Lilian Samson. Lian for short. Matalino. Mabait. Maingay at madaldal din. Anak anakan naman niya sa room si Gab. Like mother like daughter nga sila eh. :)

Pauline Stella Perez. Pau for short but I prefer to call her Stella. Ang cute kasi. *O* Haha! Siya ung nanay ko. Maingay din yan! Siya din ang pinaka-matapang samin. Madalas hingan ng advice. Pero kahit ganyan yan, super sensitive niyan.

Meet My Fake Boyfriend. (HIATUS)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!