x13: Reconciliation~

[ADRIAN's PoV]

"Papa.."

"MMMM.." Napaungol lang ako sa pagtawag ng anak ko. Antok pa ko eh. 

Unting tulog na lang.. Saglit.. 

Argh.. Kulit ng anak ko.. Naramdaman kong pinatong nya sakin ang binti nya.. 

Mm.. Medyo mabigat ang binti nya ah.. 

"Uhh anak.. Yung..binti mo.." 

Hinawakan ko yun para alisin pero...kailan pa pala naging ganito kabigat at kalaki ang binti ni Andy? 

Nang nakapikit pa rin, bigla kong naalala ang mga nangyari kagabi. 

Pinatulog ko si Andy sa kwarto ko at nakatulog din ako. Nakatulog ako sa...sa kung saan matutulog din dapat si CHELLE! Kaya sya malamang ang katabi ko ngayon! 

Gulp.. Binitawan ko na ang binting nahawakan ko at dumilat na rin ako. 

At wow..  

Di nga ako nagkamali ng hinala.. Ang ganda ng babaeng natutulog sa tabi ko eh.. 

Magkalapit lang kami at magkaharap dito sa kama kaya naririnig ko ang paghinga nya. 

Napangiti ako just by watching her sleep. Parang bata sya matulog. Yung mga kamay nya naka-clench sa harap ng mukha nya. 

Ang mga mata ko naman, tinitigan ang bawat parte ng mukha nya. Mula sa mga nakapikit nyang mga mata, sa matangos nyang ilong, hanggang sa....mga labi nya. 

HAAAY.. 

Chelle.. 

PWEDE BA KITANG HALIKAN? 

Erm.. Hahaha.. Naku.. 

Hinawakan ko na lang yung kaliwang kamay nya at nilagay yun sa pisngi ko. Na-miss ko yung ganitong pakiramdam..yung pakiramdam na hinahawakan ng malambot nyang mga kamay ang mukha ko. 

Buti na lang, si Chelle ang tipo ng tao na hindi madaling magising kahit anong galaw mo sa katawan nya. Tried and tested ko na yun nung nasa high school pa lang kami. Ang totoo nga, pwede sya mahalay nang di nya namamalayan eh. 

Err..

Sinabi ko bang PWEDE SYA MAHALAY?

Hehehe.. Kung anu-ano na pumapasok sa utak ko. Epekto yata toh ng may isang linggo na wala akong nakakatabing babae sa kama. 

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!