Chapter 42: The Four Boys

Magsimula sa umpisa

Umalis na kami ni Nathan sa event at papunta na kami ngayon sa McDo. Favorite ko kasi yun at mura pa. Gusto kasi ni Nathan na sa restaurant na lang eh pero whahaha ako ang nagwagi.

Si Nathan na ang pumila at ako naman ang naghanap ng table namin.

" Tara na wife lets eat na" Sabi ni Nathan pagkalapag niya ng inorder niya. Hala ang dami nan nito. Pero okay lang mauubos ko naman lahat to eh hoho.

" Bat nga pala ang dami mong inorder?" Tanong ko sa kanya at ngumito siya.

"Para di ka gutumin. Mamaya pagkatapos nating kumain may pupuntahan tayo" Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Saan tayo pupunta?"

"Just eat wife. Kumain ka na lang diyan. Excited lang?" Tumawa siya nang mahina at napapout naman ako. Grabe nagtatanong lang naman ako eh.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ng burger ng napansin kong nakatitig sakin si Nathan at nakangiti pa! Waaa kinikilabutan ako kay Nathan ah.

"Picture-an mo na lang kaya ako tas yung picture yung titigan mo. Natutunaw ako eh" Natatawang sabi ko at tumawa rin siya.

"Bat ba ang hilig mong titigan ako" Tanong ko rito at napangisi siya. Hays yan na naman tayo sa pangisi ngisi niya.

Pinat niya ang ulo ko at nagsalita

" I love to stare on my property, wife, every hour, every minute and every second dahil mas lalo akong nababaliw sayo at yon ang gusto ko" Namula ako sa sinabi niya. Juice colored nagiging kamatis na ako dito oh. Ang pula ko na. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"You're blushing wife, I love that" sabi niya. Jusko naman oh nakakahiya! Hays nakakaloka ma ang pagiging sweet ni Nathan.

"Kain na nga lang tayo baka matunaw pa ako eh" natatawang sabi ko kaya pinisil niya ang pisngi ko. Grabe ang ginawa niya akong bata.



"Nathan san mo ba ako dadalhin?" Tanong ko sa kanya habang nagdadrive siya. Ayaw pa niya kase sabihin eh.

"Chill wife makakarating din tayo dun wag kang atat" natatawa nitong sabi kaya napapout ako. Hays naloloka na ako.

"Don't pout wife" nakangising sabi ni Nathan.

"Bakit natetempt ka bang halikan ako?" Nakangisi ko ring sabi. Oha! Yan kasi yunh mga nababasa ko sa wattpad eh.

"Nope, its not what you think wife" kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Eh ano?''

" Di bagay sayo. Nagmumukha kang pato" Tumawa siya ng malakas kaya pinaghahampas ko siya sa braso.

My Cold Husband Is A Bad BoyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!