Chapter 42: The Four Boys

1.2K 19 10


A/N: Dinidedicate ko po ito kay @CherryBellMaluto kasi natouch ako ng bongang bonga sa sinabi niya labyu. Sorry ngayon lang to kadi laging nabubura tong drafts nato.






.
Kailley's Pov

SUNDAY ngayon so it means time ito para makapagrelax ang mga estudyante pero para sa akin hindi. May reporting kasi ako bukas kaya kailangan kong mageffort para dun.

Nasa sala ako at nakatutok sa laptop ko para magresearch pa ng other informations sa report ko. Napapitlag na lang ako ng may mga bisig na yumakap sa bewang ko at hinalikan ako nito sa pisngi. Ang sweet talaga ng Nathan ko!

"Tara na wife kain na tayo ng breakfast" nakangiting sabi nito.

Ngumiti ako sa kanya at binalik ang tingin ko sa laptop. Tumingin din siya don at kumunot ang noo.

"Not yet done? I can help you wife" sinave ko muna sa usb ang nakuha kong informations at shinut down ang laptop. Humarap ako sa kanya at mahinang pinisil ang ilong niya.

"I can manage naman Nathan at saka gusto ko na pinaghihirapan ko ang isang bagay. " nakangiti kong sabi rito. Napaisip ako ng bigla siyang ngumisi siya. May naisip na namang kalokohan yan.

"Anong nginisi ngisi mo dyan?'' Nakataas ang kilay kong tanong sa kanya. Hinintay ko siyang sumagot pero nakatitig lang siya sakim tas maya-maya pa ay bigla siyang tumawa. Nababaliw na ata to?

"I love you wife" seryosong sabi nito at hinawakan niya ako sa pisngi para mahalikan ang noo ko. Napapikit na lang ako. Ang sarap lang sa feeling na mau taong magmamahal sayo ng buong buo.

'' I love you too Nathan. Tara na nga kain na tayo sayang yung niluto mo oh lalamig na kagaya mo cold hahaha'' Nagpiece sign ako sa kanya dahil tinapunan niya ako ng masamamg tingin. Hahaha totoo naman kase.

Tumayo na ako at tumayo na rin siya at pumunta na kami sa dining room para kumain. Ang sweet talaga ng Bad Boy ko, sarap batukan!

NANDITO kami ni Nathan sa mall dahil may Summer Book Event na gaganapin dito. Gustong-gusto ko talagang pumupunta sa mga event na to para magkaroon ako ng autograph ng mga author na iniidolo ko. I love books so much pero mas mahal ko si Nathan. Haha! Landi!. Kanina kasi binuksan ko ang facebook ko kasi matagal ko na ring di nabubuksan then nakita ko na may event sila so nagpaalam ako kay Nathan na pupunta ako. Sabi niya sasama daw siya para may kasama ako pero sabi ko wag na pero nagpumilit siya. Date ma rin daw namin yun . Kahit kailan talaga.

"Wife matagal pa ba to. Gusto na kitang masolo eh" Yamot nito at nagpout pa. Hala ang cute.

"Malapit na tayo oh, tayo na kaya next" turo ko tapos ngumiti sa kanya. Nakapila kasi kami para sa book signing at kanina pa siya nagrereklamo sakin dahil ang haba haba daw ng pila.

Umalis na yung nasa harapan ko so turn ko na. Nagpabook signing ako then nagpakuha ng picture. Waaaa success! Ay parang natapos lang magpoop Hahaha.

My Cold Husband Is A Bad BoyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!