Chapter 1: Early Bird

21 6 6


Mafia Heiress Chapter 1: Early bird

Alizah's POV

Monday's are the worst, lalo na't may pasok. Parang halos buong araw sa school makikita mo ang mga pagmumukha ng mga teachers, classmates, bullies, mga taong insecure, mga chismosa, mga feeling reyna, mga popular lahat klase ng tao nandun sa school. Parang hindi nga mabubuo ang school kapag wala ang mga ito. Walang kulang, walang labis.

Nandito ako ngayon sa backseat ng kotse, naiinip na ako dito, paano ba kasi ang bagal magmaneho ni manong Dante. Kung ako pa lang sana ang nagmaneho edi wala pang 10 minutes nandun na ako sa school. 

"Manong Dante, pakibilisan naman po ang pagmamaneho." Dahil sa mabait ako pinakiusapan ko ng masinsin si manong Dante.

"Pero--"

"Manong may marami pa akong gagawin sa school" pinutol ko naman ang sasabihin niya.

"Oo na iha." tugon naman niya at pinabilis-bilisan naman niya ang pagmamaneho niya, ayan naman pala "may hidden talent ka naman pala sa pagmamaneho ng mabilis manong" sasabihin ko sana pero syempre hindi.

Ng makababa ako sa kotse, bakit wala pang katao-tao? Diba 7:45 nung umalis ako sa bahay, tapos ang bagal pa magmaneho ni manong Dante. Pumunta ako kay manong Guard.

"Manong guard bakit wala pang katao-tao? May program ba sa gym? Pero bakit ang tahimik? Wala po bang pasok? Bakit hindi ako nainform? Diba 8:30 na sana ngayon?" Sunod sunod kung tanong kay manong guard.

"Iha 6:45 palang, ang aga pa, aba't ngayon lang kita nakitang maaga dumating ah? Congrats iha"

6:45

6:45

6:45

∑(O_O;)

" Ho? 6:45 pa po? Pero bakit? Eh 7:45 akong umalis kanina sa bahay ah?" Napakamot nalang ako sa buhok ko. Pero bakit?

~krinngg~kriinngg

Kinuha ko ka agad cellphone ko sa bag at sinagot ang tawag.  "Congratulations anak! Ang aga mo ngayon ah? Sana araw arawin mo na yang pagiging early bird mo anak ha, proud na proud si mama sayo! Mag cecelebrate tayo mamaya"

"Ma? Bakit alam niyong maaga akong dumating??"

" Kagabi kasi nag sneak ako sa room mo habang natutulog ka inadvance ko ang time ng wall clock mo at alarm clock mo hihihi sorry anak pero nagawa ko na" and then she hang up the call, napamura nalang ako sa utak ko dahil sa ginawa ni mama.

Linagay ko na pabalik ang phone ko sa bag ko, at naisipan ng pumasok sa room. Hayssss ngayon ko lang na feel kung ano ang feeling sa pagiging early bird. Walang ingay sa school, walang katao-tao tanging mga early bird lang ang mga nandito. Speaking of early bird sila yung mga Nerd. Ayaw kasi sila malate sa school, gusto kasi nila ng peace palagi, at palagi silang nagbabasa.  Ayun din naman gusto ko pero hindi ako nerd ah. Sadyang gusto ko lang ang mapayapa na paligid.

~bzzzztt~bzzztt

May message ako nag vibrate kasi phone ko. Kinuha ko naman ito at binasa ang text message.

"Iha, sorry binagalan ko ang pagmaneho kanina, kasi alam kong ayaw mong maaga ka dumating sa school at alam kong hindi mo nakasanayan mo sige iha, tawagan mo nalang ako pag may kailangan ka o kailan ka magpapasundo ingat"

From: manong dante

Hindi na ako nag reply kaya pala ang bagal niya kanina kasi alam niya na maaga pa at hindi ko nakasanayan maagang pumunta sa school. Kilalang kilala niya talaga ako. Siya kasi ang asawa ng yaya Faith ko, kahit napaka suplada kong tao hindi ako iniwan ng yaya Faith ko at ng asawa niya. siya yung nag aalaga sakin kapag wala si mommy. Siya yung nag alaga sakin simula nung panahon namatay ang daddy ko. Kahit alam niyang may pinagdaraanang masama aming pamilya nanatili parin siyang magserbisyo sa pamilya namin.

Pero nung sa taong 16 ako may nagtangkang pumatay sakin, kinidnap ako kasama si yaya Faith. Ng babarilin na sana ako, imbis ako ang mababaril pero hinarangan ako ni yaya Faith kaya siya ang natamaan ng baril. Bakit kasi may kailangan pang magsakripisyo para sa kaligtasan ng minahal nila? Diba mahal ako ni yaya Faith, bakit niya ako iniwan? Hindi ko makakalimutan ang huli niyang sinabi na...

(Flashback 2yrs ago)

Nakahiga si yaya Faith sa lap ko, duguan at may tama sa baril sa dibdib. Hinawakan niya ang kamay ko at pinahidan ang luha kung tumutulo.

"Baby Ali ko, mahal na mahal kita, kaya alagaan mo sarili mo pati mommy mo, sabihin mo kay  manong Dante na mauuna na ako sakanyang umalis at mahal na mahal ko siya, sabihin mo din sa mommy mo na salamat at tinanggap niya ako para magserbisyo sa pamilya niyo" nanghihinang sabi ni Yaya Faith, nakahawak siya sa pisngi ko, umiiyak siya, umiiyak ako. Ikalawang beses ko ng nasaksihan kung paano pinatay at namatay ang mga importante na tao sakin.

Unti unting pumipikit si Yaya.
"Yaya huwag mo akong iiwan, diba sabi mo mahal na mahal mo ako? Huwag mong gawin ang ginawa ni daddy noon, please dadalhin kita sa hospital yaya, magpakatatag ka." Pero hindi na sumagot si Yaya Faith tumango nalang siya at binawain ng hininga. Umiyak lang ako ng umiyak. Hanggang nagsidatingan ang mga ambulansya at mga police. Bakit pa palaging late sila dumadating? Bakit ba? Kasing bagal ba sila ng pagong, at dumadating na ang mga ambulansya kapag patay na ang tao, dumadating na ang mga police kapag nakatakas na ang kriminal? Ano trip ba nila?

(End of flashback)

Simula ng araw na yun, hindi na  nalang ako basta bastang hahayaan ang mga importanteng tao mamatay dahil sakin. Gusto kong sakalin kung sino man yang kalaban ng organisasyon namin. Gusto kung maghigante dahil sa ginawa nilang pagpatay kay daddy at Yaya Faith. At walang hiya sila sa harap ko pa mismo pinatay sila daddy at Yaya faith. Ipaghihigante ko sila, kahit buhay ko pa ang ibuwis ko.

Hindi pa pala ako nagpakilala, ako pala si Alizah Monziano, and your now reading my boring life story. Expect the unexpected.

To be continued...

©ExtravertWriter

Mafia HeiressBasahin ang storyang ito ng LIBRE!