Chapter6: APOY AT KIDLAT

Magsimula sa umpisa
                                    

Dismayado si Andrea.

"Masama ang manigarilyo. Masama ang may bisyo!"

"Bisyo ba? Bukod sa paninigarilyo, umiinom ako ng alak, nagsusugal at di mo natatanong na try ko na rin -"

"Tama na!" nandidiring sabi ni Andrea. "Ganyan ka na lang ba, Steve? Yan ba ang gusto mo sa buhay mo? Alam ba ito nina Sir Jun-Jun? Ano na lang ang sasabihin ni Mrs. Sta. Maria?"

Hindi na nakapagtimpi si Steve at tinulak ng malakas si Andrea papuntang puno ng Balete at madiin na sinandal ito sa magaspang at matigas na kahoy nito.

"Sige. Subukan mong isumbong sa mag-asawa at makikita mo ang hinahanap mo!" banta ni Steve habang unti-unting hinihigpitan ang pagkakahawak nito sa leeg.

Mabilis namang nakawala si Andrea sa pagkakahawak ni Steve, salamat sa kanyang kaalaman sa self-defense. Hinabol niya ang hininga.

"Nagkamali ako! Buong akala ko may pag-asa ka pa. Akala ko kailangan mo lang ng kausap. Nandito sana ako para makinig. Akala ko gusto mong magbago at maging maayos ang pakikisalamuha mo sa mga tao. Hindi ko alam kung bakit BUT I WANTED TO HELP YOU. Gusto kong maging kaibigan mo..."

"Well, mali ka! Naaawa ka nga lang sa akin. Inuulit ko di ko kailangan ng iyong AWA! Hindi kita kailangan! Di ko kailangan ng kaibigan!"

Di na napigilan ni Andrea na maging emosyonal at nagsimula nang umiyak.

"Ang sabi ng nanay ko, habang may buhay, may pag-asa. Ang sabi niya kahit ano pa mang kasalanan ng isang tao, kung gugustuhin niyang magbago ay mangyayari. Steve, ayaw mo bang maging masaya? Ayaw mo bang mamuhay na walang panghuhusga?"

Umiling si Steve.

"Purong walang kwenta ang pinagsasabi mo! Lumayas ka sa harap ko kung ayaw mong saktan kita ng apoy ko!" muling banta nito.

Napabuntong-hininga na lang si Andrea.

"Sige. Aalis na ako pero sumunod ka rin dahil tapos na ang lunch break natin. May klase pa tayo. Magpabango at magkendi ka rin kung ayaw mong may makaamoy ng sigarilyo."

Hindi nakasagot si Steve. Kitang-kita niya ang lubos na pag-aalala ni Andrea para sa kanya kagaya ng pag-aalala nina Jun-Jun at Katherine. Hindi siya makapaniwala na mayroon pang isa na may tunay na malasakit para sa kanya.

Hindi Andrea. Hindi ako karapat-dapat sa iyo pag-aalala mo. I don't deserve you... or anyone...

Pero bakit may sakit sa dibdib habang pinagmamasdan niya si Andrea na naglalakad papalayo?

Tsk. Bahala na! Mas okay na akong ganito... Mag-isa.

Ngunit ito ba talaga ang gusto niya?

Nakakainis! Nakakainis! Hopeless na talaga ang lalaking iyon! Steve, nakakainis ka! Wala na akong pakialam sa iyo. Di ako pakialamera! Bahala ka na sa buhay mo! iritable si Andrea. at nakasimangot siyang bumalik sa classroom nila. Nakakaasar! Why do I even care?!

Lalo din siyang na dismaya dahil hindi sumunod sa kanya si Steve pabalik ng klase. Nagsimula na ang afternoon class nila pero wala pa rin ito.

Nasaan ka na ba, Steve?! ayaw man ni Andrea pero hindi mawala sa kanyang isip ito.

"Ms. Guevara? Ms. Guevara?" makailang ulit nang tawag ng kanilang guro.

Napansin na lang ni Andrea na lahat ng kaklase niya ay nakatingin na sa kanya.

"Ms. Guevara, it seems your mind is off to somewhere." sambit ng guro.

Totoo naman. Nasa iba nga ang isip ni Andrea at di siya maka-focus sa klase.

Elemento ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon