Kabanata 46

989K 28.4K 24.5K

Kabanata 46

Allowed

"No..." Umiling si Elijah ngunit hindi niya ako napigilan.

Hinawi ko ang kanyang malalambot na kamay nang dumapo iyon sa magkabilang balikat ko para pigilan ako sa pag alis.

"No, Klare... No, no, no!" Aniya habang sinusundan ako.

Napatalon si Rafael at si Damon nang nakita ako. Mukha silang nagbabantay doon sa sala para walang makapasok sa bahay nina Elijah habang gumagawa kami ng scene sa CR.

"No, baby, baby, please..." Hinawakan ulit ni Elijah ang siko ko kaya binagsak ko ang braso ko at hinarap siya.

"Stop it! I want to leave!" Sabi ko kahit na wasak na ang puso ko sa kakatingin sa mga luha niya. "We can't be..."

Sana ay tama ang pagyakap sa kanya ngayon at ang pagpunas sa kanyang luha. Sana ay tama kung hawakan ko ang pisngi niya at ilagay siya sa aking balikat para damhin ang mabilis na pintig kanyang puso, pakalmahin para tumahan. Sana ay tama kung sabihin ko sa kanyang mahal ko siya at kaya namin 'to. Kasi kung tama iyon, gagawin ko ang lahat para lang maging kami. Ngunit hindi iyon tama. At kailanman, hindi iyon magiging tama.

Tinalikuran ko ulit siya ngunit hinawakan niya ang braso ko at hinila niya ako patungo sa kanyang mga bisig. Binalot niya ako ng kanyang braso sa harap nang nanlalaking mga mata ni Damon at Rafael. Niyakap niya ako galing sa likuran at ibinaon niya ang kanyang basang pisngi sa aking leeg. Nag pumiglas ako kahit na nanghihina na. Bumuhos ang luha ko sa ginawa niya.

"Klare, Klare, hush... Please... Listen to me. We can get through this. We can do this together."

Umiling ako at nawalan na ng lakas. Tumigil ako sa pagpiglas ngunit mas lalo lang humigpit ang yakap niya sa akin. Iyon ang naging pinaka mahigpit niyang yakap. Para bang sa oras na kumalas siya ay hindi na ulit ako babalik, hindi niya na ulit ako makukuha. It was heartbreaking. Hindi ko kayang maramdaman iyon.

"Elijah..." Bumuhos ang luha ko at hinawakan ko ang kanyang braso.

"Stay." Bulong niya sa leeg ko.

Shit! Dammit! I want to. Gusto ko na lang umupo sa kinatatayuan namin dahil sa panghihina. Gusto ko siyang sundin. Gusto kong maging tama ang lahat. I want to be with him. But this is all wrong.

"Elijah, hindi ako makahinga." I lied.

Iyon ang tanging paraan para kumalas siya. Iyong malaman na nasasaktan na ako. Iyon lang talaga. And that is how he will let me go. That is how it should be. Dahil kung hindi ay hindi ko na alam kung paano.

"Elijah..." Dinig kong mahinahon na sambit ni Rafael habang nilalapitan si Elijah.

Lumayo ako at mabilis na pumalit si Rafael sa kinatayuan ko.

"Raf!" Umigting ang kanyang panga sa pagharang na ginawa ni Rafael sa aming dalawa.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!